Control
Nasa sofa na siya at pinagkakaguluhan ni Riri at Jester. Nag-uunahan ang dalawa na dumaldal habang nakikinig si Rade, naka puting buttoned-down t-shirt. He always looks good when he's visiting—probably part of shooting his shot.
"Kuya! Kuya Arki is here! You bought perfume for him, right?" anunsyo ni Jester.
Napaangat ng tingin si Rade. Natawa ako sa sinabi ni Jester eh akin naman 'yon! Binili ko 'yon kasi akin 'yon. Anong kay Rade?
Si Jester kasi 'yung kasama kong pumunta sa store ng Chanel sa mall na pinaggalaan namin. Hindi ko naman sinabi na para kay Rade, eh para 'yon sa akin—but whatever. Edi kay Rade nalang. Wala eh. Inanunsyo na ni Jester. Ibibigay ko nalang talaga sa kanya.
"Kuya is sad during the trip because you weren't with us," at dinagdagan pa ni Riri!
Imbento. Sila nga ang naging matamlay kasi wala daw si Rade. Hindi ba pwedeng...nahawa rin ako?
Lumabas ako dahil wala akong magawa, kunwari umiiwas, at dumeritso sa garahe. Namiss kong paliguan ang motorbike.
I took my t-shirt out and opened the hose. Mababasa rin naman ako kaya naghubad na. Tanaw ang garahe sa isa sa bukas na bintana kung saan din sila nakaupo.
When Rade glanced at the window, itinapat ko sa dibdib ko ang hose at lumingon din sa kanya. He arched his brow like there was an interesting show that piqued his curiosity while his eyes went down to my stomach. I looked at him meaningfully and arched my brow too. He took his eyes out of me, and yet a little smirk still kissed on his lips.
Nangingiti ko ring iniwas ang tingin at nahuli si Lala na kunot-noong nakatingin sa akin sa isang bintana, hindi ko alam kung nagulat, o natrauma kaya tumikhim ako at itinapat agad ang hose sa motorbike sa seryosong paraan. Sa dami na yata ng nakita ni Lala, hindi ko alam kung nilulunok niya nalang ba ang kahihiyan o...nasanay na rin.
"You're using it?" rinig ko ang boses ni Rade sa likod ko ilang sigundo ang lumipas, hindi na yata nakatiis at lumabas na. This is easy. He's not mad. Phew.
Namaywang ako at nilingon siya sa supladong paraan. He was crossing his arms as he leaned against the side of the wall, his head resting as well. Binawi ko agad ang tingin ko, nagkasalubong ang kilay at natutunaw ang kunwari kong hindi na mahagilap na galit.
"Hindi. Pero baka kukunin mo na," I communicated gently while splashing it with water.
"That's yours," aniya.
Akin na? Really? Umangat lamang ang kilay ko at tahimik na pinaliguan ang motorbike habang ramdam ko ang titig niya sa akin.
"As long as you'd drive it responsibly," agap niya.
Gusto ko nga itong ibenta sa sobrang galit ko noon. Buti nalang nakapagtimpi ako. Baka magulat siya nasa junkshop na at sinangla ko tapos sa kanya ko ipapatubos.
"How's your trip?" tanong niya.
"Ayos naman." Matamlay ako doon. Wala lang...
"You had fun?" he interrogated, tilting his head and trying to see my expression.
"Oo." Sobrang tamlay.
"You bought something for me?" tanong niya, mukhang alam na alam kung para saan iyon.
Hinaplos ko ang batok ko at marahang tumango. Hindi naman talaga 'yon para sa kanya. Pero...sige nalang. Baka gumaan ang loob niya.
"Peace offering?" he chuckled meaningfully.
Ngumuso ako. Oh damn it. I really knew it. Nakakahiya ah? Sana pala hindi perfume ang binili ko. Irita ko siyang nilingon ngunit nang makitang kagat ang labi, nakangisi, napawi ang galit ko. Hayop na mukha 'yan.