Consent
Rade:
What's your costume?
On the next other days, another text popped out of my phone coming from Rade when I didn't reply anymore on his previous text.
Wala nang pasok dahil sa araw ng mga patay. My circles were now preparing for the big party. Nasa bahay kami ni Angela para tumulong sa decorations, lalo na't bukas na rin. The girls were so loud, screaming and ordering the boys not to mess it up.
Mavric:
Ghost
Ipinasok ko ulit ang phone ko sa bulsa at nilapitan si Gabriella na halos nahihirapang idikit sa pader ang Happy Halloween. Tumayo ako sa likuran niya at hinawakan din iyon saka ko inangat.
Gabriella glanced at me. I smiled. Tumingin pa siya saglit sa dimple ko at napangiti din.
"Tama ba 'to?" tanong ko.
"Itaas mo pa," aniya.
"Bwesit ka Tyler!" sigaw ulit ni Angela, halos natatawa.
Nangingiti ko silang nilingon at nakitang pinaglalaruan ni Tyler ang iilang balloons na iniipit niya sa mga hita niya at papaputukin.
"Doon ka nga! Doon ka!" Hawak ni Angela sa tainga ni Tyler at kinaladkad ito palayo sa mga balloon.
Tuwing decorations talaga parang may nangyayari pang digmaan dahil ganito lagi. We'd play with the decorations first, and the girls would nag at us. Paano ba naman kasi, nasisira na 'yung iba dahil sa mabibigat naming kamay.
I took my phone out when it vibrated. Naglakad ako sa sofa saglit at umupo doon para basahin ang text niya habang may pumutok na naman na balloon at si Ron ulit ang pinagsasakal ng girls.
Rade:
What should I wear?
Nag-isip isip ako saglit. He looks good in dark clothes...
Mavric:
Spiderman? Black? You'd suit it.
Sumigaw si Shiloh at tumakbo habang hawak ang balloon niya nang hinabol ni Brent at gustong putukin. Ginawan siya ng stuff animal ni Rick at mukhang ang selosong si Brent, nagmgingitngit na naman ang tingin. I squinted my eyes when Shiloh's voice sounded like a parrot getting choked as he ran while protecting the balloon.
"Brent! Gago ka! Subukan mong putukin!" banta ni Rick, namaywang at sinundan ng tingin ang dalawang patuloy na nagtakbuhan.
I worriedly looked at Shiloh. The boys were glancing at him too, smiling, as they couldn't fully concentrate, including the girls. Pag 'yan nadapa...
Rade:
Alright. You too. The red one.
I scoffed and smirked.
Mavric:
Ano 'yan couple? Hahahahaha
Tumili lalo nang malakas si Shiloh. Nang tingnan ko, tumatakbo na patungo sa boys para isalba ang hawak niyang balloon. Nagtago siya sa likod ni Rick na maangas na sinaway si Brent.
"Parang bata eh! Itigil mo na 'yan! Mag-aaway na naman kayo!" si Rick na itinulak ang ambang pag-abot ni Brent sa hawak ni Shiloh na balloon.
"Halika dito, Brent! Anong hayop ang gusto mo bukod sa pagiging hayop mo nang magawan kita?" si Tyler na tinawag si Brent para lang tigilan si Shiloh.
Nailing ang girls kay Brent. "Brent kunin mo nga ang ibang decorations sa itaas nang may magawa kang tama!" sigaw ni Angela na nakasquat sa sahig.
"Shiloh. Help me," agap ni Brent at sinilip si Shiloh sa likod ni Rick na natatawa pa ring nagtatago, niyayakap ang balloon niya.