>Z̆̈Ĕ̈Ă̈N̆̈'S̆̈ P̆̈Ŏ̈V̆̈<
Nakangiti kong binuksan ang bintana ng kwarto ko "MAGANDANG UMAGA PHILIPPINES" Sigaw ko habang nakangiti tiningnan ko naman ang mga kapit bahay ko as usual "HOY ZEAN AGA AGA SIGAW KA NG SIGAW DYAN..." Sigaw ni aling marites ngumiti lang ako "GOOD MORNING DIN PO ALING MARITES..." Sigaw ko "Agang aga din ng tsismisan nyo..." Bulong ko.
Huminga ako ng malalim at tiningnan ang paligid squater Erea yun ang tawag sa sitio Ilaya na aking kinalakihan "MAGNANAKAW!!!!!" Sigaw ng kapit bahay napapikit na lang ako hayyy. Hindi na nagbago kada umaga na lang lagi silang nananakawan ng pusa bumaba ako ng aking silid upang makapag handa na ng makakain sigurado akong nasa palengke na si nanay
Nakangiti akong naghanda ng agahan ni zyrile bago sya puntahan sa kwarto nya " zy... May pasok ka pa" saad ko napatingin naman ako sa paglabas nya ng cr " Tapos na ako kuya " saad nya at naupo na nagsimula na din syang kumain habang inaayos ko ang baon nya "kuya tutulungan mo ba ulit si nanay sa palengke?" Tanong nya marahan naman akong tumango
"Kapag maaga kong naubos ang paninda ko" Nakangiting saad ko naman sa kanya " Pero bago ang lahat ihahatid muna kita sa school mo" saad ko dapat nag aaral din ako 12 year na sana ako kaso napilitan akong huminto sa pag aaral para sa kapakanan ni zy... Mula ng mamatay si tatay ako na ang sumalo sa lahat ng Obligasyon na iniwan nya pero hindi ko naman pinagsisisihan lahat ehhh
Humigop ako ng kape bago ako lumabas inilagay ko din sa bike ang kakanin na ilalako ko sayang din to kumikita ako ng 500 sa isang araw gumagawa din ako ng mga sweets gaya ng pastillias Nakasanayan ko ng gawin to... "Kuya tayo na po" saad ni zy at umangkas sa bike ko sinimulan ko naman ang pag pedal
"Pag naka graduate na ako gusto kong maging isang magaling na doctor..." Saad ni zy napangiti na lang ako "para kapag naging doctor na ako ako na bahala sa inyo ni nanay ako na mag aalaga sa inyong dalawa" saad nya ngumiti naman ako "kaya dapat pag butihan mo zy... Para maging doctor ka..." Saad ko nakangiti lang ako habang nagmamaneho huminto habang nag pepedal ako parang bumagal ang takbo ng bike ko ng makasalubong ang isang itim na sasakyan wierd nga ehhh
Safe naman kaming nakarating sa skwelahan marahan ding bumaba si zyrile sa bike " oh zy mag tinda ka din sa loob ng pastillias piso isa ahhh dag dag na din sa baon mo yan" saad ko tumango naman sya at kinuha ang toper wear sa bag ko " sige kuya pasok na ako..." Saad nito at tumakbo papasok ng school napangiti na lang ako ng makita ang pag pasok nya si zyrile ang nakababata kong kapatid 9 years old lang sya.
Nakangiti lang ako habang nakatingin sa taas "tay... Kung nasaan ka man alam kong masaya kana... Wag mo na kaming intindihin nina nanay ok lang kami... Kaya na namin to..." Saad ko habang nakatingin sa kalangitan
>̆Ĕ̈L̆̈Ĭ̈Z̆̈Ă̈'S̆̈ P̆̈Ŏ̈V̆̈<
"GET THE HELL OUT OF MY SIGHT... YOUR FIRED DAMN IT..." Sigaw ni yohan napahilot na lang ako sa ulo ko rinig na rinig ang sigaw nya "SIMPLE PRINTING LANG HINDI MO PA MAGAWA NG TAMA... GET OUT AND LEAVE MY OFFICE NOW...." Muling sigaw nya napatingin ako sa mga empleyadong nakatayo chismosa... Lumabas ang isang babae habang umiiyak napapikit naman ako
Agad silang nag siupuan ng lumabas si yohan as usual in bad mood "ELIZA FIND ME A NEW SECRETARY" Utos nya hindi na ako nakasagot sa kanya dire diretso ba naman huminga ako ng malalim bago pumunta sa office nya "Ayos ahhh parang binagyo..." Saad ko at nilinis ang mga papeles na nag kalat sa baba.
Nakaupo ako sa desk ko at kinuha ang telepono sa gilid ko "Hello... Yes please with good personality sana..." Saad ko sa telepono "yeah. Tinangal ni yohan ang secretary nya dahil sa printing..." Saad ko napangiti naman ako "pang 105 na babae na yun this year..." Saad ko "I need Asap..." Saad ko at binaba ang tawag hindi naman ganito si yohan dati ehhh. Kung hindi lang nangyare ang insidenteng yun sure akong walang magbabago kay yohan.
Marahan akong tumayo at naglakad papunta sa gilid tiningnan ko ang langit " kung andito ka lang siguro Emily your dad will smile again..." Bulong ko si Emily lang ang taong nakakapag pangiti kay yohan walang ibang nakakagawa nun maliban sa kanya Tanging si Emely ang nakakapag pabago ng mood ni yohan.
Mula ng mamatay si Emely hindi na ngumiti si yohan... Lagi na din syang moodie laging galit sa mundo tiningnan ko ang frame na nasa desk ni yohan it was Emely and him wondering kailan ko kaya makikitang muli ang mga ngiti ni yohan?.
Si Emely ay 5 years old ng patayin sya it was 3 years ago ng matagpuan si Emely na wala ng buhay Ako si Eliza ang P.A ni yohan lagi nya akong kasama most of the time Ang daming nagbago mula ng mamatay si Emely.
>Z̆̈Ĕ̈Ă̈N̆̈'S̆̈ P̆̈Ŏ̈V̆̈<
"Nakaubos din ng paninda..." Saad ko at nag inat inat muna bago ilagay ang mga lalagyan ko sa bag ko sarap na sarap sila sa aking special pastillias yung kakanin ko din ubos na... Dapat ata sa susunod damihan ko na.
Habang nag pepedal ako huminto ako saglit at inalalayan si lola na makatawid sa kalsada "lola dapat hindi kayo naglalakad mag isa..." Saad ko habang inaalalayan ko sya "kay buti mo ijo naway pag palain ka ng may kapal" saad nito ng makatawid kami agad akong nag paalam at tumakbo pabalik sa bike ko.
Yumuko ako sa mga nasa cotse para naman humingi ng sorry kasi naman nasa daan bike ko. Sinimulan ko na ang pag pedal para makarating na ako sa palengke.
Ng makarating ako sa palengke agad kong pinuntahan sa pwesto nya si nanay " Ito po oh. 250 po lahat." Saad ni nanay napangiti naman ako lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa piangi "nay..." Bati ko sa kanya
Tinulungan ko si nanay sa pagtitinda ng gulay at isda "Napaka gwapo naman ng anak mo suki. Eh may girlfriend na ba yan?" Tanong ng suki ni nanay ngumiti naman ako " naku suki wala pa. Ewan ko ba dyan sa anak ko na yan ngsb ba..." Saad naman ni nanay napangiti naman ako nakiki uso na si nanay.
Naagaw ang pansin ko sa isang lalaking nakatayo sa gilid kanina ko pa sya napapansin nung naglalako ako ng kakanin at pastillias pero pinag sa walang bahala ko na lang. Ilang minuto ang lumipas at muli ko syang tiningnan pero wala na sya dun.
Guni guni ko lang siguro talaga yun. Kung ano ano na lang naiisip ko "Zean anak maya maya sunduin mo ang kapatid mo sa skwelahan " saad ni nanay marahan naman akong tumango " opo nay..." Maiksing saad ko bago ipagpatuloy ang ginagawa ko
Ilang oras na nga ang lumipas ay napag desisyunan ko na sunduin na si zyrile. Agad akong nag paalam kay nanay upang sa gayon ay masundo ko na si zyrile nagtungo ako sa aking bisikleta para sunduin si zyrile
Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa skwelahan hinintay ko dito ang pag labas nya. Hindi naman nagtagal ay lumabas sya nakangiti syang tumakbo palapit sakin
"KUYA. NAUBOS YUNG PANINDA KO..." Masiyang sigaw nya ngumiti naman ako at sinalubong sya ng yakap "tinatanong nila kung magtitinda pa ako mamaya" saad nya marahan naman akong tumango " paano yan ubos na. Pero bukas damihan mo na lang ang baon ok..." Saad ko at mag simulang magpedal
"Kuya saan tayo kakain?" Tanong nya nakatingin lang ako sa daan "sa palengke para naman may kasabay si nanay " saad ko tiningnan ko ang binili kong pagkain na pagsasaluhan namin nina nanay konti lang to pero ok na din
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa palengke "nay..." Tawag ni zyrile kay nanay tumakbo si zyrile at niyakap si nanay " anak malansa ang nanay kita mo naman. Baka mahawa ng amoy ang damit mo mag amoy isda kapa" saad ni nanay napatawa naman ako
Simpleng pamilya lang kami pero masasabi ko na kahit ganun masaya akong may pamilya akong katulad nito... Wala na akong mahihiling pa
![](https://img.wattpad.com/cover/357959707-288-k221125.jpg)
BINABASA MO ANG
My Heartless Husband
RandomIsa si yohan Useda sa mga sikat at kinikilalang business man sa mundo maamo ang kanyang mukha at lubos na hinahangaan ng kababaihan dahil sa matikas nitong pangangatawan at natatanging kagwapuhan. Hindi na din maitatangi na madami ang nag nanais at...