H̆̈ŏ̈l̆̈ĭ̈d̆̈ă̈y̆̈'s̆̈ p̆̈ŏ̈v̆̈
Nakatingin lang ako kay zean habang natutulog sya buti na lang at daplis lang tama nya nakahinga ako ng maluwag "bantayan nyong mabuti si zean wag na wag kayong magpapapasok ng iba sa kwartong to dahil kapag may hindi magandang nangyare kay zean mananagot kayo sakin" saad ko at naglakad paalis
L̆̈ŭ̈h̆̈ĕ̈n̆̈c̆̈ĕ̈ p̆̈ŏ̈v̆̈
Marahan akong bumangon ng maramdaman ang pagsakit ng tagiliran ko "nasaan ako?" Bulong ko nilibot ko ang paningin ko "kaninong kwarto to?" Napahawak ako sa ulo ko ng maalala ang nangyare sakin...
"Dinala ako ni kenji dito..." Akma akong tatayo ng may biglang pumasok sa kwarto tiningnan ko ito may dala syang tray ng pagkain pinatong nya yun sa mini table "kumain na po kayo sir" saad nya kumunot naman ang noo ko
"Paano ako nakakasigurong walang lason yan?" Tanong ko ngumiti naman sya "kapag nilason po namin kayo kami po ang mananagot kay sir kenji... Inutos nya po samin na itrato kayo ng maayos" saad nya ano naman ang nakain ng lalaking yun? Huminga ako ng malalim tiningnan ko lang ang pagkain
Hindi ako mahuhulog sa simpleng patibong nya... Kailangan kong maka alis sa lugar na ito bago pa man sya bumalik kung sa harap ako dadaan siguradong may mga bantay wala sakin ang baril ko kaya imposibleng makalaban ako... Lalo pa ngayun na may sugat ako imposible na makaalis ako agad tumingin ako sa bintana
Kasya ako dito pero masyadong mataas... Kinuha ko ang mga pwedeng gamitin para maka alis inayos ko ang mga kumot para magdugsong dugsong ito. Tinali ko yun ng mahigpit siniguro ko naman na walang bantay bago ko itapon ang kumot akma akong baba ng bumukas ang pinto
"What are you doing?" Tanong ni kenji kumunot ang noo ko "mag sha shoping... Alangan syempre aalis na ako" saad ko naupo sya sa kama ko at tiningnan lang ako hindi man lang ba sya kikilos para pigilan ako? "Then why don't you use the door instead?" Saad nya sabay turo sa pinto kumunot ang noo ko sa sinabi nya "diba kaya mo ako kinuha dun para bihagin at gamitin laban kay yohan? Wala kang mapapala " saad ko
"Tangap na namin ni lawrence ang kapalaran namin na balang araw isa samin ang magpapaalam. Kaya kung papatayin mo ako-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita sya "kung papatayin kita tingin mo bakit dito kita dinala?" Tanong nya sakin tumingin ako sa paligid "aba anong malay ko sayo!!" Saad ko na lang "at kung papatayin kita dapat ginawa ko na yun nung mga oras na sugatan kana hindi ba... But instead tinulungan kita" saad nya
"Dapat nga magpasalamat ka pa kasi buhay ka pa..." Saad nya lumapit sya sakin "now take your rest at kapag malakas kana tsaka ka na tumakas." Saad nya pinitik nya ako sa noo bago umalis napaupo naman ako bumalik sakin ang lahat nung mga bata pa kami
"Kuya kenji laro tayo " saad ko habang hawak ang isang baril na gawa sa kahoy sya mismo ang gumawa nito para sakin tiningnan nya lang ako pinitik nya ako sa noo "after this makikipag laro ako sayo luhence" saad nya ngumuso naman ako "ano naman maganda sa pag babasa ng libro?" Tanong ko sa kanya
Binaba nya ang libro nya at kinalong ako "kasi marami kang matututunan sa libro luhence marami kang malalaman na mga bagay na hindi mo pa alam" saad nya ngumiti lang ako "pero ang binabasa mo kabastusan sabi sakin ni yohan puro ka daw kabastusan kuya" saad ko kita ko naman na awkward syang ngumiti "kaya nga bawal pa sa mga kagaya mo ang librong binabasa ko luhence ehhh hahaha" saad nya
Niyapos nya ako "soon maiintindihan mo din ako kapag nasa tamang edad kana" saad nya "ok lang basta maglaro tayo" saad ko tumango naman sya "oo maglalaro tayo"
Hindi kita mapapatawad sa pagsisinungaling mo at sa pag abanduna samin...
•••••••••••••••••••••••••••
Gagamitin ko na lang ang oras na andito ako para makahanap ng impormasyon sa kanya tumango naman ako "tama..." Saad ko
Z̆̈ĕ̈ă̈n̆̈'s̆̈ p̆̈ŏ̈v̆̈
Lumabas ako ng pinto para sana magpahangin pero pag labas ko pa lang nakita ko si holiday at yohan na magkayakap "hindi na kita hahayaang mawala pa sakin ulit holiday" saad nya agad akong tumago sa isang gilid napahawak ako sa dib dib ko
sɪ ᴢᴇᴀɴ? ᴍᴇʀᴏɴ sʏᴀɴɢ ғɪʀsᴛ ʟᴏᴠᴇ ɴᴀ ᴍɪɴᴀʜᴀʟ ɴʏᴀ ᴛᴀʟᴀɢᴀ ɴɢ ʜɪɢɪᴛ ᴘᴀ sᴀ ʙᴜʜᴀʏ ɴʏᴀ
Naalala kong saad ni lawrence hindi kaya si holiday ang tinutukoy ni lawrence na first love ni yohan?
••••••••••••••••••
Nakaupo lang ako sa kama ko huminga ako ng malalim "si holiday pala ang first love ni yohan... Pero bakit ganun ang trato ni holiday sakin?" Niyakap ko ang tuhod ko naguguluhan na ako
"So yun ang napag usapan" saad ni lawrence tumango naman ako "gusto ko na din naman kasing umuwi" saad ko habang nakangiti pero deep inside ang sakit... "Bukas ihahatid ka namin sa inyo pero wag kang mag alala kasi hindi ka titigil sa pag aaral mo" saad nya tumango naman ako "si holiday?" Tanong ko sa kanya "sa mansion sya titira" saad nya tumango naman ako
Babalik na sa normal ang lahat ang saya... "Masaya ako para sa kanila" saad ko kahit na ang totoo nadudurog ang puso ko "si luhence pala asan sya?" Tanong ko umiling naman si kenzo "hindi namin alam kung nasaan sya..." Saad ni kenzo "wag mo ng alalahanin si luhence matanda na yun kaya na nya ang sarili nya" saad nya tumango naman ako... Tama naman sya kaya na ni luhence ang sarili nya
Kung uuwi ba ako samin babalik ba talaga sa normal ang lahat? Kung uuwi ako babalik ba yung araw na hindi ko sya kilala at mamumuhay ako na parang hindi sya nag exist sa buhay ko? Na walang yohan na dumating at nagpahirap sakin... Pero mahal ko...
Tingin ko nga... Pagmamahal na yung nararamdaman ko sa kanya... Kasi hindi ako masasaktan ng ganito kung wala lang to diba? Hindi ako iiyak ng ganito kung wala lang... At hindi ko gagawin ang lahat ng kabaliwan na ginawa ko para sa kanya kung hindi pagmamahal ang nararamdaman ko..
Kung hindi pagmamahal to... Ano to? At kung panaginip man to... Pakiusap gisingin nyo na ako kasi hindi ko na kaya yung sakit na nararamdaman ko

BINABASA MO ANG
My Heartless Husband
AcakIsa si yohan Useda sa mga sikat at kinikilalang business man sa mundo maamo ang kanyang mukha at lubos na hinahangaan ng kababaihan dahil sa matikas nitong pangangatawan at natatanging kagwapuhan. Hindi na din maitatangi na madami ang nag nanais at...