ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 35

156 12 0
                                    

Z̆̈ĕ̈ă̈n̆̈'s̆̈ p̆̈ŏ̈v̆̈

Nakatingin lang ako kay ate yanna "so bakit po hindi pwedeng makilala ni emely si eliza bilang isang ina?" Tanong ko sa kanya uminom naman sya ng tsaa bago ako tingnan "pumunta ka sakin para itanong lang yan?" Tanong nya marahan naman akong tumango kita ko naman ang pagngiti nya

"Isa ang useda sa pinakamayamang pamilya... More on kami ang nauuna..." Panimula nya hinayaan ko lang sya sa sinasabi nya "kahihiyan para sa pamilya namin kapag nalaman ng iba na nakabuntis si yohan ng anak ng katulong" saad nya so ibig sabihin lang nito katulong nila ang nanay ni eliza... "Kaya naman ng mabuntis si eliza at maitago sa publico ang lahat naisipan ng aming mga magulang na itago si eliza sa publico habang nag dadalang tao sya" saad nya tumango naman ako

"Hindi pumayag ang aking papa na makasama ni eliza si emely dahil sa kahihiyan... Kaya nagkaroon ng kasunduan..." Saad nya medyo nalungkot ako sa part na yun... "Na... Maaaring manatili si eliza sa mansion at makita ang paglaki ni eliza pero bilang isang..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita sya "secretary ni yohan... At pinagbawal din ni papa na malaman at sabihin na si eliza ay ang tunay na ina ni emely

Hindi ko maimagine yung sakit na makita mo ang anak mo... Pero hindi ka nya kinikilala bilang isang ina " zean wag ka na ngang magpaka stress dyan. Matagal na panahon na yun isa pa nangyare yun nung wala kapa sa buhay nila..." Saad nya oo nga pero nakasama ko din si eliza sa maigsing panahon na yun "saan nilibing si eliza?" Tanong ko sa kanya tiningnan lang ako ni ate yanna "sinunog ang bangkay nya zean..." Saad ni ate yanna dahilan para tingnan ko sya

"Po? Bakit po?" Tanong ko sa kanya pero hindi sya umimik "ate yanna ikaw ba ang nag utos kay holiday para bantayan ako?" Tanong ko sa kanya ngumiti naman sya "kung ganun alam mo na pala..." Biglang saad nya... Ang totoo kung hindi dahil kay yohan hindi ko din malalaman na pamangkin nya pala si holiday... At pinagselosan ko sya nakakahiya talaga... "Inutusan ko sya na bantayan ka..." Saad nito ngumuso naman ako

"Ate yanna alam ko na may galit si yohan at kenji sa isat isa bakit hinahayaan mo lang si kenji na lapitan ako?" Tanong ko sa kanya seryoso naman syang tumingin sakin "kahit alam mo na delikadong tao sya para sakin hindi mo sya pinagbabawalan na makita ako" saad ko kasi sa totoo lang nakakapag taka na malaya kaming nagkikita ni kenji samantalang hindi ako pwedeng lumapit sa iba lalo na ng mangyare yung insidenteng yun sa mansion

Hinawakan nya ako sa kamay "zean... Makinig ka... Dahil... Hindi ka kayang saktan ni kenji gaya ng pananakit sayo ni yohan..." Saad nya na para bang confident sya na hindi talaga ako sasaktan ni kenji "pero bakit?" Tanong ko sa kanya ngumiti lang sya "yan ang bagay na dapat ikaw mismo ang maka alam zean" saad nya huminga ako ng malalim bago sya tingnan may point sya... Kasi nung nasa mansion nya ako hindi nya nga ako sinaktan kahit isang beses ehhh trinato nya ako ng maayos...

Lumabas ako ng bahay ni ate yanna nasa may pinto palang ako ay napahinto ako ng makita ang nasa labas "yohan!!!" Gulat na saad ko nagpamulsa naman sya "get in" maigsing saad nya "anong meron? Bakit ka andito?" Tanong ko sa kanya "you will stay  with me again " saad nya kumunot naman ang noo ko "huh?" Tanong ko sa kanya

"You and yohan are still married zean kaya may karapatan ka na manatili sa mansion na iyon" biglang sulpot ni ate yanna sa likuran ko kaya tiningnan ko sya "pero kasi... Ayaw ni yohan na andun ako isa pa abala lang naman ako" saad ko sa kanya "mali ka jan zean..." Tiningnan ko si ate yanna ng magsalita syang muli "ayaw ni yohan na madamay ka sa gulong meron ang pamilya namin. Pero nung kinasal kayo... Dun palang nadamay kana" saad nya naguguluhan ako "anong ibig mong sabihin ate? Hindi kita maintindihan" saad ko sa kanya

"Pinaalis ka ni yohan sa mansion para ilayo ka sa gulo nya pero... Dahil asawa ka nya hindi ka pa din tinigilan ng mga ito" saad nya naguguluhan ako "yohan and kenji will always protecting you without you noticing it" saad nya apaka gulo ng pamilya nya.... "Kaya naman babalik ka na sa mansion" saad ni ate yanna "wether you like it or not your going back so get in" saad ni yohan tumango naman ako

May banda sa puso ko na masaya kasi makakasama ko na ulit si yohan pero... May mga tanong na nabubuo sa isipan ko bakit kailangan akong protectahan ni kenji? Bakit ako nadamay sa gulo ni yohan eh kinasal lang naman kami dahil sa kagustuhan ni ate yanna pero ano nga kayang dahilan bakit nagtagpo ang landas namin ng taong to?

L̆̈ŭ̈h̆̈ĕ̈n̆̈c̆̈ĕ̈ p̆̈ŏ̈v̆̈

Naglalakad lang ako sa mansion nina kenji kahit papano nawawala na ang sakit ng sugat ko pwede na nga akong umalis eh kaso... Kapag andito ako malalaman ko lahat ng plano nya... Makakahanap ako ng paraan para makita ang kahinaan nya

"Nakabalik na sa mansion ni yohan si zean?" Napahinto ako ng marinig ko ang boses nya marahan kong tinapat ang tenga ko sa pinto ano naman kinalaman ni zean dito?  "Ano pong gagawin natin? Babawiin ba natin si zean?" Tanong ng kausap ni kenji "hayaan mo na lang muna si zean kay yohan... Alam ko naman na ligtas si zean sa kanya"

Hindi nga kaya tama ang sinabi ni kenzo? May gusto si kenji kay zean? Nagulat ako ng bumukas bigla ang pinto "you supposed to be in bed" saad nya habang nakaupo sa swivel chair nya umirap naman ako "bakit? Natatakot ka ba na sabihin ko kay yohan lahat ng narinig ko?" Tanong ko sa kanya kinuha nya ang tasa sa gilid nya at ininom yun "innocent as ever luhence" saad nya kumunot naman ang noo ko

"Ano?" Tanong ko lumapit ako sa kanya at kinwelyuhan ko sya "wag kang umarte na parang kilala mo ako kenji" saad ko pero kalmado lang syang tiningnan ako akma akong lalapitan ng mga tao nya pero sunenyas sya na hayaan ako "luhence sanchez... 23 years old born in january 5th favorite color purple... Favorite flower? Tulips favorite foods anything that's sweet favorite pe-" hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng takpan ko ang bibig nya

"Tama na..." Alam nya pa din ang mga bagay na yun "and i am your first kiss remember" saad nya umirap ako "isang malaking pagkakamali" saad ko at iniwan sya bakit ko ba kailangan manatili sa lugar na ito?

My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon