ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 50 ᴛʜᴇ ᴇɴᴅ

445 10 0
                                    

Lawrence pov

"Ano? Hindi pwedeng patayin ni zean si yohan" saad ko "hindi nya pwedeng patayin ang ama ng anak nya" saad ko habang nagmamaneho "wala tayong magagawa ginamit ni Amber ang kalagayan ni zean ngayun para magawa nya ang gusto" nya saad nya

Sa kalagayan ni zean ngayun malabong makapag isip sya ng maayos dahil nag mental breakdown sya dahil sa lahat ng nangyare sa kanya sa pagkamatay ng dalawang taong iniingatan nya at pinakamamahal nya at ang lalaking minamahal nya sinaktan sya

"Na locate mo na ba sya?" Tanong ko tumango naman sya "kailangan natin pigilan ang plano ni Amber.  " saad ko alam ni amber ang tungkol sa pagbubuntis ni zean at balak nyang gamitin yun laban kay yohan... Dahil alam ni Amber na hindi makakayang saktan ni Yohan si zean dahil mahal nya ito lalo na ngayun na dinadala ni zean ang anak ni yohan

Sana lang ay hindi pa huli ang lahat sana lang ay ok pa si zean at yohan... Wag sanang mangyare ang plano ni amber...

Luhence pov

Agad kong sinundan si lawrence at kenzo sa pupuntahan nila dahil alam ko na magkikita sila ni Kenji

"Anong sabi mo? Sigurado ka ba sa mga pinagsasasabi mo?" Tanong ni kenzo sa telepono sino naman kaya kausap nya? Tumayo lang ako sa gilid at hinintay ang sunod nyang sasabihin "kung ganun wala na kaming magagawa kundi pigilan si Amber sa plano nya" saad nya tungkol saan?

"Wala kang karapatan para hilingin sakin na alagaan at ingatan ko si luhence matapos mo syang iwanan sa limang pagkakataon kenji" saad nya dahilan para magulat ako tumulo din ang luha ko "saan namin sila mahahanap? Isend mo sakin ang adress at pupunta ako ngayun mismo" saad nya

Kung ganun? Nag uusap sila pero hindi sinabi sakin ni kenzo ang lahat bakit? Ayaw na ba nya sakin? Agad akong nagtago ng marinig na palapit na si kenzo "saan ka pupunta?" Tanong ni lawrence "makikipag kita kay kenji at pipigilan si zean sa pagpatay nya sa sarili nyang asawa" saad nya selfish ba ako kung sasabihin kong wala akong paki alam sa kina zean at yohan dahil ang gusto ko lang ay makita si kenji at makasama sya

"Sasama ako" saad ni lawrence "paano si luhence? Tanong naman ni kenzo " tulog pa sya at sasabihin ko na lang kapag tumawag sya sasabihin ko na may inaasikaso lang ako..." Saad nya wala akong ibang gusto ngayun kung hindi ang makita si kenji "alam mo naman na nilalagnat ang kapatid mo diba mas kailangan ka nya ngayun" saad ni kenzo

"Maiintindihan nya ako ayaw ko naman na mapahamak ka sasama ako sayo" saad nya

Patawarin mo ako lawrence kung matigas ang ulo ko pero gusto ko lang na makita si kenji at makausap sya dahil ang dami kong gustong itanong sa kanya

Ng makarating kami sa isang lugar agad akong bumaba at naglakad sinundan ko si lawrence at kenzo "nasaan sila kenji?" Tanong ni kenzo agad naman akong nagtago ng makita silang nag uusap "andun sila sa dating garden " saad ni kenji kung naaalala ko ang bahay na to ito ang dating mansion ng mga Useda na nasunog noon

Ng maka alis sina lawrence agad akong lumabas at hinarap si kenji "iiwan mo na naman ba ako?" Tanong ko sa kanya dahilan para magulat sya "hindi ka dapat andito" saad nya tumulo ang luha ko "kaya ba patago kang nakikipag kita sa kapatid ko? At kay kenzo?" Saad ko "luhence... It's for your own good" saad nya umiling ako

"Kung gusto mo talaga ng nakakabuti para sakin sana alam mo na ikaw ang kailangan ko" saad ko sa kanya akma ko syang lalapitan pero umatras sya "luhence we can't be together... Pinatay ko ang sarili kong ina" saad nya umiling ako "pero ginawa mo yun dahil gusto mong protektahan ang mga kapatid mo... Naiintindihan kita" saad ko "but it doesn't change the fact that i still kill my own mother" saad nya

Tumulo ang luha ko "kung hindi mo kakalimutan ang nakaraan mo at patuloy mong ikukulong ang sarili mo sa nakaraan walang pag asa na mag move forward ka" saad ko "kenji harapin mo yung future kasama ko... Harapin nating dalawa tayo lang... Just the both of us" saad ko hinawakan ko sya sa kamay

"Harapin mo yung bukas habang hawak ang kamay ko... Patawarin mo na ang sarili mo dahil alam ko na ito din ang gusto ng mama mo" saad ko nanghihina ako agad akong natumba sa bisig nya "please kenji umalis na lang tayo... Pumunta tayo sa lugar na walang nakakaalam yung walang nakakakilala satin yung tayo lang dalawa" saad ko bago pa man mandilim ang paningin ko


Kenzo's pov

"Mauna kana hanapin mo si yohan at zean may gusto lang akong itanong kay kenji" saad ko "sige" saad nya at naghiwalay na kami at pumunta ako kay kenji pero napahinto ako ng makita ko si kenji na hawak si luhence nakaupo sya at umiiyak habang hawak hawak si luhence

Tama nga si lawrence si luhence ang naging kahinaan ni kenji lumapit ako "ingatan mo sya please.  " saad nya naupo ako marahang inabot ni kenji sakin si luhence na parang isang babasaging bagay na kapag hindi mo iningatan ay mababasag

"Don't worry this is the last time na makikita nyo ako... Kaya please take care of luhence " saad nya ngayung nakita ko ang ganitong side nya bakit hindi ko kayang sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya bakit hindi ko magawang ibuka ang bibig ko bakit hindi ko sya magawang patayin ngayung nasa harapan ko na sya?

Zean's pov

Nakatutok lang ang baril ko kay yohan at ganun din sya sakin "do you remember this place zeke?" Tanong nya sakin "when we were kids were always playing here..." Saad nya tumulo ang luha ko "Walang kinalaman ang nakaraan sa kasalukuyan yohan" saad ko

"Do you still remember our promise?" Tanong nya sakin bagay na hindi ko alam ang isasagot dahil wala talaga akong maalala "kinalimutan ko na lahat ng yun yohan..." Saad ko "kasi alam ko na hindi mo ako mahal... Mali... Hindi mo naman kasi talaga ako minahal " saad ko "your wrong zean" saad nya "i love you" saad nya

umiling ako "hindi mo ako mahal yohan... Ngayun mo lang nasabi na mahal mo ako kasi alam mo na ako si zeke ang first love mo pero kung hindi mo nalaman tingin mo ba mamahalin mo ako bilang si zean?" Tanong ko sa kanya "hindi diba? Kasi mahal mo lang ako ngayun kasi alam mo na ako si zeke ang unang lalaking minahal mo" saad ko

"Ayoko na yohan tapusin na natin to" saad ko pumikit ako "ZEAN... WAG MONG ITULOY" Sigaw ni lawrence

BANG

BANG

Marahan kong dinilat ang mata ko at nakita si yohan na inilihis ang baril nya "Zean... Gusto ko lang malaman mo na mahal kita" saad nya tumulo ang luha ko ng makita ang tama nya sa dib dib anong ginawa ko?

"Tama ka... Si zeke ang first love ko pero hindi nun nabago ang katotohanan na si zean ang one great love ko" saad nya napaluhod sya agad kong binaba ang baril ko at tumakbo palapit sa kanya "yohan..." Saad ko hinaplos nya ako sa pisngi

"Zean bago ko pa nalaman na ikaw si zeke... Mahal na kita bilang si zean" saad nya "patawarin mo ako yohan please..." Saad ko "wag kang umiyak mahal ko" saad nya pinunasan nya ang luha ko "ingatan mo ang sarili mo... At wag mong pababayaan ang anak natin" saad nya

"Palakihin mo sana sya ng katulad mo..." Saad nya umiling ako "yohan naman wag kang magsalita ng ganan dahil hindi ko kaya" saad ko "kaya mo..." Saad nya "zean... Mahal kita hindi bilang si zeke kundi bilang si zean" saad nito bago tuluyang bumagsak ang kamay nya at ipikit ang mga mata nya

"YOHAN...yohan please... Wag mo akong iwan... Please" saad ko habang yakap yakap sya tiningnan ko ang kamay ko na may bahid ng dugo

Nakapatay ako... Pinatay ko ang asawa ko... Pinatay ko ang lalaking mahal ko... "AHHHHHHHHH" Sigaw ko niyakap kong mahigpit si yohan wala na akong magagawa...

Pinatay ko ang taong pinakamamahal ko...

But only for A minute I want to change my mind... I want him back to me I want him to stay with me for the rest of my life but i killed the one i love the person makes me feel special and the person who change my life

Gusto kong hilingin na sana panaginip na lang lahat ng ito na sana buhay pa ang lalaking mahal ko pero kada ididilat ko ang mata ko hindi nun nababago na wala si yohan sa tabi ko inalisan ko ng karapatan na makilala at makasama ng anak ko ang ama nila...

Do I Really deserve this?

-ᴛʜᴇ ᴇɴᴅ

My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon