Z̆̈ĕ̈ă̈n̆̈'s̆̈ p̆̈ŏ̈v̆̈
"Ahhhh..." Tili ko ng makita ang multo sa tabi nanonood kasi ako ng horror ako lang sinusubukan ko ang tapang ko halos yakapin ko na din yung unan
krummmm
tumayo ako at agad pinatay ang tv kinuha ko din ang cp ko at bumaba na pagpunta ko sa kusina "oh... Lawrence anjan ka pala... Kukuha lang ako ng snacks" saad ko at dumretso sa ref kumuha ako ng tubig at cookies ngumiti lang ako at nilagay yun sa mesa "ang tahimik mo lawrence" saad ko
Napatingin ako ng mag ring ang cp ko si kenzo? Sinagot ko yun "zean nasa market kami ni lawrence may ipapabili ka ba?" Tanong nya kumunot naman ang noo ko "ken kasama ko ngayun si lawrence" saad ko naman at kita ko si lawrence na nakatalikod lang sakin "pinagsasasabi mo? Kasama ko nga si lawrence may ipapabili ka ba?" Napalunok naman ako at tiningnan ang nasa harapan ko
"K-kung k-kasama mo si l-lawrence s-sino tong k-kasama k-ko?" Tanong ko marahan naman itong humarap nanginig ang kamay ko ng makita ang kamukha ni lawrence marahan syang humarap at duguan ang mukha nya at ang apron na suot nya "hi..." Saad nya agad akong tumayo ng maglakad sya palapit sakin
"MULTOOOO" Sigaw ko binato ko sya ng cellphone "aray" saad nya napatakbo naman ako hindi ko alam saan ako pupunta pumunta ako sa pinto sakto naman pag bukas nun kaya ayun tinamaan ako... "Anyare sayo?" Tanong ni jared sabay lapit sakin agad akong tumayo at tumago sa likod ni jared
"Long time no see" saad nya napatingin ako sa pag pasok ni eliza "wag kang magpapaniwala sa kanya jared hindi si lawrence yan aswang yan" saad ko "ahahahahahahahaha" tawa ni jared kaya tiningnan ko sya "nakakatawa ka naman" saad ng aswang na kamukha ni lawrence lalapitan pa sana nya ako ng tumago ako sa likod ni eliza "wag kang lalapit saking aswang ka" saad ko "what's going on here?" Napatingin ako sa pagpasok ni yohan kaya agad akong lumapit sa kanya
"May multong kamukha ni lawrence " saad ko tiningnan naman nila yung kamukha ni lawrence ngumiti lang si yohan sabay iling "kakanood mo ng horror movie yan" saad ni eliza nilapitan ni jared yung kamukha ni lawrence "chilax ma lang zean hindi nya aswang na kamukha ni lawrence... Sya si luhence kambal ni lawrence" saad nya napatango na lang ako "ahhhh eh bakit may dugo sa damit mo?" Tanong ko sa kanya
ngumiti lang sya "magluluto sana ako kaso hindi ko alam paano gayatin yung manok kaya ayun tumalsik sakin yung dugo." Saad nya napa ahh naman ako "yun lang" saad ko marahan akong umayos ng tayo tiningnan ko naman si yohan
"Sana nagpaluto ka na lang sa katulong" saad naman ni eliza awkward naman syang ngumiti "si manang lang naman ang paborito kong cook kaso wala sya" saad naman ni luhence ngumiti naman ako nasa bakasyon ngayun si manang kasama ng pamilya nya nakakamiss din nga ang luto nya kasi masarap talaga syang magluto "matanong ko lang sino nga ulit sya?" Tanong nya sabay turo sakin ngumiti naman si lawrence "sya si zean... " saad nya marahan naman akong lumapit at nakipag shake hands
"Asawa sya ni yohan" saad naman ni kenzo napatingin naman ako sa grocery bag "napansin pala namin na mahilig ka sa adobo kaya ayun ang lunch natin ngayun" saad nya tumango naman ako kahit ang totoo exited na ako "pareho kayo ni kenji favorite nya din yun" saad naman ni luhence dahilan para tingnan ko sya "naalala nyo... Lagi nyang niluluto satin to dati nung nasa camp tayo" saad nya habang nakangiti natahimik naman ang lahat dahil dun "mas ok siguro kung magluto na ako" saad naman ni kenzo at naglakad na papunta sa kusina naiwan naman kami na nakatayo dito ano ba talagang nangyayare?
•••••••••••••••••••••••••••••
Madami pa din akong katanungan sa mansion na ito at ngayun nadagdagan pa... Bakit kailangan itago ni eliza kay emely na sya ang nanay nya? May relasyon ba sila ni yohan kaya ganun na lang ang galit ni eliza sakin? Pero kung mahal nila ang isat isa bakit hindi na lang si eliza ang pinakasalan nya? Bakit ako?... Bakit hindi sila nagpakasal nung araw na nalaman nila na buntis si eliza? Ang daming bakit na gusto kong mabigyan ng kasagutan
Napatingin ako kay yohan at eliza na seryosong nag uusap agad akong napaiwas ng tingin ng tumingin sakin si yohan pero tumingin din ako sa kanya agad kumabog ng sobra ang dib dib ko ng magtama ang paningin namin ni yohan
Naglalakad lang kami ni yohan "saan tayo papunta?" Tanong ko sa kanya huminto kami sa maze "dito ako nahirapan... Curious lang naman ako kung anong dulo ng maze na to or kung anong nasa gitna" saad ko tiningnan lang namin yun "soon you'll find out" saad naman nya naglakad lakad lang kami " saan mo ba talaga ako dadalhin?" Tanong ko huminto kami sa isang malaking gate "ilang gate ba meron sa mansion mo ha yohan?" Tanong ko pumasok kami dun at bumungad sakin ang mga lapida "yohan..." Tawag ko sa kanya tiningnan nya ako "this is emely" saad nya sabay turo sa isang pink na lapida ang ganda ng pagkakagawa sa lapida nya
Tiningnan ko sya "nice meeting you emely..." Saad ko habang nakatingin sa kanya "sorry sa nangyare sayo... Sana mapatawad mo ang tatay ko sa ginawa nya sayo" saad ko tiningnan ko naman si yohan "sana ikaw din" muli kong tiningnan ang lapida ni emely at lumuhod ako dun nilagay ko din ang bulaklak na hawak ni yohan "wag kang mag alala ibibigay ko sa papa mo ang sulat mo sa tamang panahon... Siguro sa birthday nya kahit wala akong ideya kung kailan yun" bulong ko kumunot naman ang noo ko ng mapansin ang araw na namatay sya tumayo ako tinuro ko ang lapida ni emely "yohan sigurado ka ba sa araw at taon ng pagkamatay ni emely?" Tanong ko sa kanya tumango naman sya
"Paano papatayin ni tatay si emely kung patay na sya bago pa man si emely?" Tanong ko "what do you mean?" Tanong nya tinuro ko yung lapida ni emely patay na si tatay dalawang taon bago mamatay si emely" kumunot naman ang noo nya
"Kaya nakakapag taka paano mapapatay ni tatay si emely kung patay na si tatay hindi ba?" Saad ko sa kanya naguguluhan na naman ako nakakapag taka kasi patay na si tatay bago mamatay si emely paano nya mapapatay ang anak ni yohan?
BINABASA MO ANG
My Heartless Husband
De TodoIsa si yohan Useda sa mga sikat at kinikilalang business man sa mundo maamo ang kanyang mukha at lubos na hinahangaan ng kababaihan dahil sa matikas nitong pangangatawan at natatanging kagwapuhan. Hindi na din maitatangi na madami ang nag nanais at...