It was five am in the morning. Naglakad ako palabas ng kwarto at sinara ang pintuan. I yawned first, before walking to the kitchen. Nang makarating doon ay nakita ko agad ang aking ina na nag-aayos ng almusal.
I slowly tip toed to her way. Kita talaga ang kaseryosohan ng nanay ko. Araw araw naman siyang ganito dahil sa dami ng ginagawa ni Mama sa mansion.
Nang makalapit ay agad ko siya niyakap. "Good morning!" I said.
"Ay sabaw!" Sigaw niya at nabato ang sandok na hawak. Mabuti ay nasalo ko ito agad. "Jusko, Thalia naman."
Natawa ako at hinalikan siya sa kanyang pisngi. "Hindi mo po ako sinabihan. Sana natulungan kita ngayon." Sumimangot ako ng kaunti.
She smiled at me. "May pasok ka at gusto ko maganda gising mo. Oh siya, maligo ka na at mag-ayos. Anong oras na oh."
I did what she said. Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang mga gagamitin ko. I made my way to the bathroom and started taking a shower. Nang matapos ako maligo, agad na rin ako nagbihis ng uniporme at nagsuot ng sapatos.
Kinuha ko ang suklay na nasa ibabaw ng drawer at sinimulan suklayan ang buhok. Habang nagsusuklay ako ng buhok ay may kumatok ang pintuan ng kwarto.
"Thalia? Kakain na, anak."
Binuksan ko ang pintuan at ngumiti sa kanya. "Tapos na po."
"Ang ganda mo talaga." She said and held my face.
"Anak niyo po ako, ma. Syempre naman sayo lang magmamana." Sabi ko.
Napangiti si mama sa akin. "Oh siya, tara na."
Binuhat ko na bag ko at sabay na kami naglakad ni mama papunta sa kusina. Pinaupo niya ako sa upuan at nilapagan ng pagkain sa counter. Napangiti ako nang makita ko paborito ko, sinangag at tuyo.
"Ma, sabay po ba tayo?" I asked her.
Sasagot pa lamang siya nang biglang may tumawag sa kanya. Si Ate Marie. "Ate Elena, tawag ka po ni Ma'am Keisha."
Agad naman lumabas si mama sa dining area. Napabugtong hininga na lang ako at nagsimula na kumain. Nang matapos kumain ay ako na naghugas ng pinagkainan ko.
Nang matapos ay lumabas na ako. Sakto pag-labas ko ay kakatapos lang kumain ni Ethan. Kinuha niya ang bag niya at nakasimangot na humalik sa pisngi ng ina bago lumabas ng bahay.
Napanguso ako, umagang umaga ay nakabusangot lagi. Kahit na ganyan siya, gwapo pa rin.
Agad ko kinuha bag ko at humalik na kay mama. "Alis na po kami! Bye, mama!"
Ngumiti siya. "Mag-ingat kayo."
I ran my way to the car dahil alam ko may mainitin na ulo akong kasama. Bago pa man makapasok ay sumigaw si Ma'am Keisha.
She yelled to me. "Thalia, bantayan mo si Ethan ah! Enjoy sa school!"
Tumango lang ako at pumasok na sa kotse. Pagpasok ay nakasalubong agad sa akin ang masungit na mukha ni Ethan. He raised his brows at me and rolled his eyes. Hindi na siya nagsalita, as usual.
Napailing na lang si Kuya Jun sa amin at nagsimula na magmaneho. Hindi nagtagal nakarating na kami sa eskuwelahan. Hindi naman ito masyadong malayo mula sa bahay nila Ethan. Malamang, sila ang may-ari nito eh.
Nang makapasok sa gate ang kotse, agad lumabas si Ethan at naglakad na papaalis. Napanguso ako at ngumiti kay kuya Jun. "Thank you po! Ingat pauwi!"
"Ingat din kayo, Thalia." He said and drove off.
Pumasok na ako sa loob. Habang naglalakad ay agad ko nakita ang kaibigan ko na si Jillian. Nakita ko rin si Bolt na katabi niya, mukhang inaasar nanaman siya.
Lumapit ako sa kanila. Napansin din ako agad ni Jillian at iniwanan si Bolt doon. Sinamaan ng tingin ni Jillian si Bolt. Napanguso si Bolt at natawa na lang bago umalis.
Naglakad na rin kami ni Jillian sa room namin. Sobrang daming tao rin dito sa Valdez High. Lahat ay galing sa mayayaman na pamilya.
Hindi tulad namin ni Jillian, si Ma'am Keisha at Sir Diego ang nagpapaaral sa amin. Dahil nagtatrabaho si mama sa kanila, pinag-aral nila ako dito. Si Jillian naman, driver ang papa niya sa mag-asawang Valdez kaya pinag-aral din siya dito.
Habang naglalakad ay nakita ko ang ibang kong school mates kasama ang kani-kanilang mga kaibigan. Some talk about their studies, some talk about their wealth, but some talk about their crushes.
Hindi mawawala sa high school iyon. Kahit naman ako mayroong crush. Si Jillian meron din. It gives us inspiration. Hindi nabubuo ang araw ko kapag hindi siya nakikita, well buo naman lagi kasi lagi kong nakikita.
Habang naglalakad ay nakita ko si Ethan sa corridor at di kalayuan ay makikita naman ang girlfriend niyang si Mia. Nakasandal si Ethan malapit sa pinto ng room habang kausap sina Hero at Arden, while Mia is making fun of someone. Kilala ko lahat ng kaibigan ni Ethan, laging nasa nila bahay ba naman eh.
Nang magtama paningin namin ni Ethan ay napaiwas agad ako. Mabilis na ako naglakad habang nakayuko, nang biglang pagpasok ko nauntog ako. Napaatras ako at nagulat na may umaray.
"Aray!" Narinig ko boses ni Ethan.
Lagot ako.
Napaangat ako ng tingin at nataranta. "S-sorry!"
"Tsk. Move away." Masungit niyang sabi.
"Hindi ko--"
"I said move away." Sabi niya ulit at naglakad na papaalis.
I pouted and yelled at him. "Ang sungit mo! Nagsosorry na nga ako!"
Alam kong narinig niya yun dahil si Bolt na hindi kalayuan na nakasalubong niya ay natawa at inakbayan na siya. Jillian on the other hand just shook her head and pulled me inside.
Kahit masungit siya, crush ko pa rin si Ethan.
__________________________________________
ashbellezza
YOU ARE READING
Hoping This Time
Teen FictionHigh School Series #1 In every high school student, having a crush on someone is very common and quite cute. This will also be their inspiration to go to school every day to see them. But Thalia, even if she doesn't go to school, she always see her...