CHAPTER 11

18 4 0
                                    

As days passed by, Ethan continue being the sweet pretend boyfriend he is. Since that day, he began to treat me like a girlfriend. Lagi niya ako nililibre at hinahatid sundo sa room. It is anything a girl could ask for.

Lagi pa nakahawak sa bewang ko o hindi kaya ay nasa tabi ko lang. It was very challenging for me to pretend as his girlfriend, lalo na ganyan nga ang set up at ginagawa niya.

Hindi ko alam dahil sobrang nahuhulog ako lalo, kahit na bawal at hindi dapat ito ang mangyari. Naiinis ako sa sarili ko, pero traydor din kapag malapit si Ethan. Sobrang lapit namin lagi, na hindi kailanman nangyari noon.

Sa school ay sobrang bait niya at maalaga sa akin. Sa bahay naman ay sobrang kabaliktaran. Siya talaga mismo ang aalagaan mo at magiging mabait ka talaga. Amo mo na nga siya, masyado nanaman ang kasungitan sa katawan.

Nasa loob akong kusina habang nakaupo lang ako sa upuan at nagsusulat sa ibabaw ng lamesa. Gumagawa ako ng essay para sa assignment namin sa english na subject namin.

Busy si mama sa pag-aayos ng binili niyang grocery na inutos ni Ma'am Keisha. Sinasalansan niya ito sa mga cabinet doon sa pantry. Habang nagsusulat ay naramdaman ko ang isang presensya mula sa pintuan.

I looked up and saw Ethan looking at me while leaning on the door frame. I looked at him and my eyes widen because he is just wearing sweat pants and nothing else on top. Basa pa buhok niya at pati ang upper body niya.

Napalunok pa ako dahil ngayon ko lang nakita siyang ganito. Nang magkatitigan kami, agad niya ako iniwasan ng tingin at umayos ng tayo. Hindi ko alam bakit nandito siya at ganyan lamang ang suot. Hindi man lang nag-tshirt!

Bahay niya 'to, malamang kahit anong gawin niya ay pwede.

"Where's Ate Elena?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Bakit?" I asked him back.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Don't answer me back with a question, Thalia. It's annoying."

Napanguso naman ako at napabuntonf hininga. I tried not to look at his body. "Nasa pantry po, sir." Sabi ko naman.

He tsked at me. Meaning he is more annoyed. "Is she going to do the laundry?"

"Mamaya pa." Sagot ko naman. "Bakit, sir?" Tanong ko.

"Tell her to take my clothes upstairs and call a plumber. My sink is broken." Sabi niya at tinalikuran na ako.

Tignan mo talaga.

Naglakad na siya papaalis. Napabuga na lang ako ng hangin habang pinagmamasdan siya papalayo sa akin. Habang nakatingin lang ako sa pintuan banda, bigla kong narinig ang yapak ni mama.

Napalingon ako kay mama na papalapit. "Sino kausap mo?"

I shrugged. "Si Ethan po." Sabi ko at tumango si mama. Nagpatuloy na ako sa pagsusulat ng assignment ko. "May pinapasabi po pala siya."

Napalingon si mama sa akin. "Ano iyon?"

"Yung mga damit niya raw po, tapos patawag daw po ng tubero." Sagot ko.

"Bakit daw?"

"Sira raw po lababo niya."

Napatango si mama. "Kunin mo yung landline book sa baba ng telepono at ikaw na tumawag sa tubero."

"Bakit ako po?" Tanong ko.

"Maglalaba pa ako, Thalia."

Napabuntong hininga ako. "Sige po."

I stood up and made my way to the living room. Hindi pa naman ako sanay tumawag sa ganoon. Ano kaya sasabihin ko? Tatawagan lang naman siguro 'no? Wala na maraming tanong ata.

Hoping This TimeWhere stories live. Discover now