Nang makabalik sa hotel na aming tutulugan para sa dalawang gabi ay hindi ko muna kinausap si Ethan. Kung kausapin ko man ay siya naman aalis. Wala rin akong mapapala sa kasungitan niya ngayon.
Nasa kwarto lang ako at nakahiga lamang. Maggagabi na kaya naghihintay na lang kami ng oras para kumain. Sa kwarto ay tatlo kami na magkakasama, dahil may sati-sariling kwarto rin ang iba.
Si Mama, ako at si Ate Alma sa isang kwarto. Si kuya Jun naman mag-isa sa isang kwarto. Ang mag-asawang Valdez naman sa isang kwarto. May sariling kwarto si Ethan, dahil mas gusto niyang may sarili siya.
Hawak ko ang bracelet na binili ni Mama para sa akin. Nasa kabilang kama lang si Ate Alma at busy kausapin boyfriend niya sa Dubai. Hinahayaan ko lang siya tulad ng paghahaya niya sa akin. Napangiti lang naman ako habang pinagmamasdan ang mga beads nito na kulay dilaw.
Napatingin naman ako sa binili ko para kay mama na kulay red, tulad ng kanyang kwintas. May binili rin ako para kay Jillian na inaakala ni Ethan ay para kay Terrence, kulay asul ito kaya siguro naisip niya iyon.
Speaking of Terrence, wala pa akong nakikitang magandang souvenir para sa kanya. Kahit na bago lang kaming magkaibigan ay gusto ko siyang bigyan. Pati pala si Bolt, gusto ko rin bigyan kahit na mayaman na 'yun.
Nakakatuwa nga ay may pera akong sarili. May natira pa kasi sa perang binigay ni Ethan sa akin noon, kaya eto ginagamit ko pambili. Habang pinag-iisipan ang ano man ibibili ko kay Terrence at Bolt, ay biglang tumunog cellphone ko.
Tinignan ko ito.
Terrence Hanz:
Hey, have you eaten?
Nag-reply naman ako.
Thalia Pangilinan:
Hindi pa
Nag-iintay pa kamiNagulat naman ako nagreply ito agad.
Terrence Hanz:
Ok, eat later.
Btw, have fun on your trip.
Pasalubong ko hahahaNatawa naman ako at nagreply pabalik.
Thalia Pangilinan:
Ano ba gusto mo?
Nagreply naman siya.
Terrence Hanz:
Woah.
I was joking.
Pero what ever you like to give me hahaha
Anyways, gotta go.
Talk to you later.I replied back.
Thalia Pangilinan:
Sige, byee ingatt
Napahiga ako sa kama at napatingin sa kisame. Agad may naisip akong magandang regalo para sa kanila. Sakto ay narinig ko na may kumatok mula sa pintuan.
Pagtingin ko ay si Mama pala ito. Pumasok siya at tinignan kami ni Ate Alma na mga nakahilata sa kama. Napailing naman siya at kinuha ang jacket niya na nakasampay sa paanan ng kama.
"Tumayo na kayo at kakain na raw." Sabi ni mama habang sinusuot ang jacket niya. "Hindi ko alam paano kayo nakakatagal dito, ang lamig lamig ng kwarto." Dagdag niya.
"Hay nako, Elena. Lamigin ka talaga." Sabi ni Ate Alma at tumawa. "Susunod ako, kausap ko pa jowa ko."
Napailing si mama. "Hindi, tumayo ka na diyan. Tara na, iniintay tayo ni Ma'am." Tumingin sa akin si mama. "Tayo na, Thalia."
Sumunod naman ako at natawa na lang kay Ate Alma na nagpapaalam na sa boyfriend niya. Napailing na lang ako sa ka-corny-han ni Ate Alma. Hindi ko siya gaanong close, pero may ganyan side pala siya.
YOU ARE READING
Hoping This Time
Teen FictionHigh School Series #1 In every high school student, having a crush on someone is very common and quite cute. This will also be their inspiration to go to school every day to see them. But Thalia, even if she doesn't go to school, she always see her...