Nagmamadali akong lumabas ng kwarto dahil sa sigaw ni mama. Alas sais trenta na ng umaga. Natagalan ako kumilos dahil sa buhok ko, sa sobrang haba. Hanggang siko ko ang bagsak na tuwid kong buhok.
I really didn't plan on cutting it, kahit na minsan ay naiinitan ako. Noong bata pa kasi ako mahilig ako suklayan ni mama kaya alagang alaga siya sa buhok ko. Gusto niya mahaba dahil maganda naman daw.
Habang nasa kusina ay binuksan ko ang biscuit na hawak ko. Kinuha ko ito sa stock namin sa kwarto. Hindi na ako kakain ng kanin dahil natagalan ako sa buhok ko. Nakalimutan ko rin kasi gumising ng maaga, mabuti ginising ako ni mama.
Habang nginunguya ang pagkain ay nag-aahin na si mama sa hapag kainan ng pamilyang Valdez. Minutes later, I saw the family that my mother works for. Ang mga Valdez. Naunang pumasok si Sir Diego bago si Ma'am Keisha. Hindi rin naman nagtagal nakasunod na rin si Ethan sa kanila.
Bata pa lang ako simula magtrabaho si mama sa kanila. Mabait sila, kaso kami na nahihiya sa sobrang bait nila. Hindi kung sino man tingin nila sa amin, pamilya o kaibigan ang turing.
Well, sana ganyan din si Ethan, kasi ayaw ako maging kaibigan. Ugali talaga. Kung gaano kabait magulang, ayan ang kasungitan naman niya. Akala mo pinaglihi sa sama ng loob.
Pinanood ko lang si Ethan kumain. Pogi talaga. Kamukha niya si Sir Diego, kung hindi niya nakuha ang mata ng mommy niya siguradong kamukhang kamukha niya daddy niya.
Bigla akong kinabahan nung nagtama ang tingin namin ni Ethan. He gave me a brow before looking away and he started to eating again. I felt my knees go weak. Napabuga ako agad ng hangin. Kinakabahan ako minsan sa tingin ni Ethan.
Hindi dahil sa masama tumingin, pero ang pogi eh. Ikaw ba naman tignan ng mapungay niyang mga mata. His eye color is brown and it complements with his tan skin color. He is tall hanggang labi niya lang ako. He has wavy black hair, which makes him look like from Europe. Sabagay, may lahi siyang Turkish sa pagkakaalam ko.
Crush ko talaga siya. Bata pa lang, crush ko na. Paghanga lang, wala naman akong intensyon na maging kami. I mean, kung may chance why not. Inspiration lang naman siya!
"Thalia, why don't you join us?" Nagulat ako na magsalita si Ma'am Keisha.
"Huh? Okay na po ako! Kumakain naman po ako." I said.
Napailing si Ma'am Keisha. "Nonsense, halika na rito. Hindi ka mabubusog sa biscuit lang."
Kahit ayoko, kita sa mata ni Ma'am Keisha na gusto niya talaga ako kumain. Also, ayaw niya na tinatanggihan ang mga alok niya. Napatungo na lang ako at uupo na sana nang biglang tumayo si Ethan at humalik sa ina. Matapos ay naglakad na papalayo sa lamesa.
"We'll go now." Sabi niya at lumabas na ng pinto.
Agad ako nataranta at nagpaalam na lang sa mag-asawa. "Alis na po kami! Bye po!"
I ran out outside. Bago pa man nakaalis ay humalik ako sa pisngi ni mama, na kung saan siya ay nakatayo malapit sa pintuan. Nagpaalam na rin ako at tumakbo na papaalis.
Nang makapasok si Ethan sa kotse ay pumasok na rin ako. Lagi naman kami magkatabi sa likod ng kotse. Pagpasok ko ay tumingin muna siya sa akin bago umirap at sumandal.
"Let's go." Utos niya kay Kuya Jun.
Tumungo si Kuya Jun at nagmaneho na papunta sa eskuwelahan. Habang nasa kotse ay napansin ko hawak ko pa rin ang pagkain ko. Hindi ko naubos ang biscuit na hawak ko kaya nilapit ko kay Ethan ito.
"Gusto mo?"
"No." Sagot niya.
Napanguso ako. "Try mo lang. Masarap 'yan."
YOU ARE READING
Hoping This Time
Teen FictionHigh School Series #1 In every high school student, having a crush on someone is very common and quite cute. This will also be their inspiration to go to school every day to see them. But Thalia, even if she doesn't go to school, she always see her...