CHAPTER 5

16 4 0
                                    

Kinakabahan akong nakatingin sa bintana ng sasakyan habang nasa byahe. I can't look at Ethan. Iniiwasan ko talaga tumingin sa kanya. Nanahimik lang din ako sa gilid habang nakatingin lang sa kalsada.

Nagpipigil akong tignan siya dahil mamaya masabi ko yung tungkol kay Mia. Alam ko dapat niyang malaman, kaso iniintindi ko naman si Mia na maaari niyang baliktarin ang kuwento.

Ayoko masira ako sa pamilya ni Ethan, lalo na kay mama. I also know na hindi maniniwala si Ethan sa akin kasi kailan ba naniwala si Ethan. Eh halos ayaw niya ako laging makita at makausap. Lagi niya ako sinusungitan at ayaw ng maingay.

Pero maingay girlfriend niya, tsk.

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa kalsada. Hindi ko alam. Gusto kong sabihin talaga ang nakita ko kaso wala naman maniniwala. Tsaka baka sabihin nangingialam ako sa relasyon ng iba. Napabuntong hininga ulit ako dahil sa iniisip.

"You okay?" Nagulat ako na nagtanong si Ethan.

Nanlaki mata ko at nagtaka. Nagtanong siya? This is.. the first. Usually ako nagtatanong tapos maiinis siya dahil maingay nanaman ako. Kaya I choose not to talk that much, pero nagtanong siya?

Hindi tumingin sa kanya. "Oo naman." Mahina kong bulong.

Good job, Thalia.

Nagdadasal ako na sana hindi na siya magtanong. Tsaka malabo na rin magtanong iyan. Himala na nga ang pagtanong niya. Knowing Ethan for years in his house.

Napatingin ako sa rear view mirror at nakita kong nakatingin siya sa akin. Matagal siyang nakatingin muna sa akin bago nagkibit balikat at umiwas na ng tingin.

I felt a relief on my chest. Kaso hindi nawala sa isip ko ang mga nakita ko kanina. Namomoblema ako na paano malalaman ni Ethan iyon nang hindi binabaliktad ni Mia ang kwento.

Nang makarating sa bahay ay lumabas ako agad ng kotse. Nagtungo ako sa kwarto namin at agad nahiga sa higaan ko. Napapikit ako at napabuga ng hangin. I really don't know what to do.

Habang nakatulala sa kisame ay hindi ko namalayan nakatulog na ako. Nananaginip ako na galit si Ethan sa akin dahil hindi ko sinabi agad. Kaso, biglang nagbago ito at noong sinabi ko naman hindi siya naniwala.

It was a nightmare and I suddenly woke up when I felt someone tapping my feet. Dinilat ko mata ko at napatingin sa paanan ko. Si mama pala ito. Napabangon ako ng dahan-dahan at tumingin sa kanya.

"Anak, sana nagpalit ka muna bago ka natulog. Mamaya basa ng pawis likod mo at natuyuan ka." Sermon ni Mama.

Napanguso ako. "Hindi naman na po ako bata."

"Kahit na, baby pa rin kita." Ngiti ni mama. "Oh siya, tumayo ka na at magbihis."

Ngumiti na ako at tumango. Tumango si mama bago lumabas ng kwarto. Napabuntong hininga ako at naisip nanaman si Ethan. Napailing na lang ako at nagbihis na.

Nang makapag-bihis ay lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Dahan-dahan lang ako naglalakad dahil sa mga iniisip ko. Bago pa man nakapasok sa kusina ay napansin ko na may kausap si mama.

"Elena, lagi ba nandito 'yan?" Tanong ni Ma'am Keisha.

Nagtago ako malapit sa pintuan. Sino kaya pinag-uusapan nila. Tsaka, bakit nandito sila? Nasa trabaho dapat sila. Wala pa naman alas sais.

Nagtataka akong sumilip. Nakasandal si Ma'am sa counter at nakasimangot. Si Mama naman ay nagpupunas ng mga baso at nilalagay sa nga cabinets nito. Ang daming baso, iba't ibang klase pa.

"Ma'am, madalas po dito ang girlfriend ni Ethan." Sagot ni mama.

Girlfriend? Si Mia? Nandito?

Hoping This TimeWhere stories live. Discover now