CHAPTER 2

16 4 0
                                    

Kapag ba may taong nagagalit sa'yo, ginagawa mo ba lahat para magkabati kayo? Mabilis ba siya magpatawad? Well, in my case, hindi. Lahat na ginagawa ko para makapag-bati kami ni Ethan. Kaso ayun nga, hindi parin ako pinapansin.

Kahit sabihin natin na hindi naman kami close, pinapansin niya naman ako minsan. Ngayon kasi, ang lamig at sama ng tingin lagi. Ako na nga natatakot sa mga tingin niya kaya lahat ginagawa ko.

"Thalia, anak? Anong ginagawa mo?" Tanong ni Mama habang tinitignan mga dala dala ko.

Dala dala ko ang lahat ng paborito ni Ethan na pagkain, lalo na ang hopia. He really likes eating hopia kaya ayan bumili ako para sa kanya. Baka sakaling pansinin niya na ako.

Ngumiti ako sa kanya. "Peace offering ko po kay Ethan."

Nangunot noo niya. "Bakit?"

"Natapunan ko po kasi ng pagkain, eh alam niyo naman po sobra kasungitan at di po namamansin eh."

Napatango na lang si mama at nagpatuloy sa mga ginagawa niya. Naglakad ako papunta sa kwarto ni Ethan. Nang makarating, kinakabahan pa akong tumingin sa pintuan niya. Bago ko pa naman mabuksan ang pintuan ay nagulat pa ako na bumukas bigla ito.

Bumungad sakin ang salubong na kilay ni Ethan. Nakatingin siya sakin at bumaba ang tingin sa mga dala ko. I saw his lips curve, but will was already gone after a second.

Bumalik ang mga mata niya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "What?"

"Pansinin mo na ako, please." Sabi ko at binigay sa kanya ang dala ko.

"Don't you still get it?" Tanong niya.

Napanguso ako. "Hindi ko naman kasi sadya." Tinaasan niya lalo ako ng kilay. "Sorry?"

"You're not sure?" Tanong niya.

"Sorry, Ethan." Sabi ko at ngumiti.

Napairap si Ethan. "Halos tatlong araw na ang lumipas since you pour all your lunch to me, ngayon ka lang nag-sorry."

Napailing pa siya. Nangunot naman noo ko. "Hindi ko binuhos sayo, yung girlfriend mo kasi hinarang paa niya."

"Still, you should be looking where you are going." Masungit niyang sagot.

Napabuntong hininga na ako. Mukhang wala naman akong choice, may kasalanan parin naman ako. "Sa susunod titignan ko na dadaanan ko."

Later that day, gumawa na ako ng mga assignments ko at nagsusulat ng notes. Nagpapasalamat talaga ako kay Jillian na mahilig mag-notes kaya nagpasend ako. I'm really not the type of student writing in class. Mas gusto ko makinig, kaysa magsulat. Kahit minsan walang pumapasok sa utak ko.

Habang gumagawa ako ay may nagbaba ng juice sa harap ko. Napatingin ako kung sino ito at nakita si mama pala. Napangiti ako sa kanya at kinuha ang baso. Uminom muna ako, medyo uhaw na rin kasi ako.

"Thank you, mama."

Napangiti siya sa akin. "Walang anuman." She sat beside me. "Aalis pala ako ngayon, pupunta ako sa palengke. Mamimili ako kasama si Alma."

Ate Alma is also one of the maids here, tulad ni mama. Mabait siya, pero palaging busy kaya bihira lang din kami mag-usap. Napatango na lang sa ako kay mama at ngumiti.

She smiled back and kissed my forehead. "Aral mabuti, anak."

She bid her goodbye before leaving. Sinundan ng mata ko siya at nakita si Ate Alma sa may pintuan. Ngumiti siya sakin at kumaway bago sila umalis ni mama. Mukhang matagal bago sila makakabalik.

Nagpatuloy lang ako sa pag-susulat sa notes ko. Tahimik ang bahay dahil walang tao sa sala kundi ako. Patapos na sana ako sa pagsusulat ng notes ko nang marinig ko boses ni Ethan mula sa itaas ng hagdan.

Hoping This TimeWhere stories live. Discover now