CHAPTER 15

10 3 0
                                    

Kagat-kagat ko ang pandesal na may palaman na cheese habang nagsusuklay ako ng buhok ko. Medyo nagmamadali ako kasi nahuhuli nanaman ako sa oras dahil late ako nagising.

Hindi ko naman kasi sinasadyang matulog ng madaling araw. Nakakainis kasi, paano ba naman kasi alas otso na kami nakauwi dahil traffic pauwi. Mas lalong nakakainis dahil ang awkward pa sa loob ng sasakyan.

It was completely awkward due to the ferris wheel scene. Aba malay kong gaganon si Ethan, diba? Tsaka what should I suppose to do that time? Hindi naman sa nag-eexpect pero 'di ba?!

Kaya pagkababa ng ferris wheel ay pagkakayaya pa lang ni Ethan na uuwi na kami, dali-dali talaga akong naglakad papuntang parking lot habang yakap-yakap ang malaking yellow teddy bear na napalanuhan niya.

Nag-init nanaman pisngi ko habang inaalala ang nakakahiyang pangyayari na iyon. Napailing na lang ako ay binilisan na magsuklay ng buhok ko. Nagmamadali na talaga ako kasi lagot ako kay mama at nakakahiya naman kay Ethan.

Nang matapos ay kinain ko na ang pandesal na nasa bibig ko. Habang kumakain ay napatingin ako kay Ethan na kumakain mag-isa sa lamesa. Wala ang kanyang mga magulang dahil nasa Singapore.

May business trip daw kaya nandoon sila. Kaninang madaling araw daw umalis, narinig ko kay Tito Goyo. Tito Goyo is Jillian's papa, who is also the main driver of Ma'am Keisha and Sir Diego. Si Kuya Jun kasi ang driver naman ni Ethan.

Halos mawalan ako ng hininga nang biglang mag-angat ng tingin si Ethan sa kinakatayuan ko. Napaiwas ako agad ng tingin at nagpunta na sa labas. Hindi ko na rin napansin si mama at dali-dali na ako tumambay sa harap ng sasakyan.

"Bakit ba kailangan niya ako tignan?" Bulong ko habang nilalaro ang buhok ko.

Napaangat ako ng tingin sa papalapit. Nangunot noo ni Kuya Jun na lalapit palang sa sasakyan. Umayos ako ng tayo at ngumiti sa kanya kahit na para akong nababaliw dito.

Nakakainis naman kasi.

"Thalia, ang aga mo naman ngayon?" Sabi ni Kuya Jun.

Awkward akong natawa. "Ah, kasi.. Wala lang po. Papaaraw lang din po." Sabi ko.

Natawa naman si Kuya Jun. "Parang hindi ka naman nakatapat sa araw?"

Natigilan ako at napatingin sa paligid. Nasa lilim pala kami at natawa naman ako. Sige palusot ka pa, Thalia.

"Ah eh.. Kakatapos ko lang po."

Napatango naman siya at pumasok na sa sasakyan para painitin na ang makina. Napabuga ako ng hangin at nagulat ako na makita si Ethan papalabas na ng pintuan. Agad ako nataranta at pumasok na sa loob.

Nakaraan lamang nilalayuan ko siya kasi naiinis ako sa kanya. Ngayon naman ay nilalayuan ko siya kasi nahihiya ako. Napailing na lang ako at nanahimik na sa kinakaupuan ko.

Nang pumasok si Ethan sa loob ay nakangiti niya ako sinalubong. Napangiti na lang din ako at kunwaring busy sa nilalaro ko sa cellphone. Nahihiya talaga ako sa mga nangyayari.

Nang makaayos na ay nagsimula na magmaneho si Kuya Jun papaalis ng bahay. Nakatutok lang ako sa nilalaro kong Subway Surfer. Nakakaaliw siya kaya mas pinipili kong laruin ito.

Habang nilalaro ay dinadasal ko talaga na makarating kami agad sa school, pero luck wasn't on my side. Nasakto kami sa traffic at lalong tumagal ang byahe. Naka-focus lang ako sa nilalaro ko at hindi siya tinitignan.

"That's a fun game." Narinig ko boses ni Ethan.

Bigla naman bumangga sa train ang character ko. I heard Ethan chuckle when I lost the game and my heart skipped a beat. Napalunok ako at napatingin sa kanya, kunwaring nainis.

Hoping This TimeWhere stories live. Discover now