Nakahiga ako sa kama ko at nakatingin lang sa paa kong napilyan nakaraan. It took a week for my ankle to heal. Okay na ito ngayon, magaling na to be exact. Nakaraan kasi kapag inaapak ko o nasasanggi ay kumikirot. Ngayon ay nakakalakad na ako ng maayos.
Naalala ko talaga itsura ni mama noong makita ang paa ko. Kahit si kuya Jun nagulat at agad ako tinulungan noong sinundo niya kami. Ethan really took care of me in the whole ride. Hindi ko maiwasan na kiligin habang ingat na ingat siya at patingin tingin sa paa ko.
May caring side pala itong masungit na ito eh.
Tinutulungan ako ni Kuya Jun at Ethan sa paglalakad papasok ng bahay. Bago pa man kami makapasok sa pintuan ay nakita ko na si mama na nakanganga habang tinitignan ako. Nginitian ko naman siya kaso dahil nagalit siya at pinagalitan pa ako.
I can't blame her for being mad. Naiintindihan ko naman si mama bakit siya nagalit. Nag-aalala siya at natataranta sa sitwasyon ko. Inassure ko lang siya para hindi siya lalong mag-alala sa akin.
Kaya nang makaupo ako sa sofa ng sala ay agad niya ako hinilot. Napasigaw pa ako sa sobrang sakit dahil sa hilot niya. Napapatingin nga ako kay Ethan na nakatayo lang sa gilid at pinapanood mga ginagawa ni mama.
Nakakunot noo lang siya habang nanonood. Mukhang iniisip bakit kailangan pang hilutin o baka iniisip ay sobrang lala ng pilay ko. Hindi ko alam, ang hirap naman hulaan ang iniisip ni Ethan.
Napabuntong hininga ako habang inaalala iyon. Dalawang araw ako hindi nakapasok dahil hindi ko mailakad talaga paa ko. Nakatengga lang sa bahay, habang si Jillian nag-aalala rin sakin kaya binibisita ako after school.
Noong malaman nga ni Ma'am Keisha ang nangyari, nag-offer talaga siya na bumili ng saklay ko o wheelchair. Tinanggihan lang namin ni mama kasi gagaling din naman agad iyon. Tsaka ang OA ko naman kung mag-gaganon pa ako, gagastos pa.
Tinanong pa nila kung anong nangyari, pero hindi ko sinabi ang dahilan. Mas pinili kong mag-sinungaling ng kaunti. Sinabi ko na lang sa sarili kong katangahan. Kahit na alam ni Ethan ang totoong nangyari ay nakiusap ako na wag na sabihin.
Ayoko naman may gulo pang maganap.
It's been weeks since that time and it's been a month since Ethan and I started our act of this pretend relationship. Sa buong isang buwan na pekeng relasyon na ito ay medyo nasasanay na rin ako lalo na sa mga ginagawa ni Ethan sa akin, minsan ay nakakalito siya dahil hindi mo alam kung ano talaga gagawin niya o gusto ipahiwatig.
Sometimes, gusto niya tahimik lang ako sa kanya kasi naiirita raw siya. Kapag naman tahimik ako, nagrereklamo siya at sinasabi na hindi man lang daw ako magsalita para may makuha raw siyang answer.
Hindi mo talaga alam saan ka lulugar. Kahit bago pa mangyari iyong deal namin ay ganyan na siya. Hindi mo talaga alam saan lulugar, kaso sobrang lala naman niya ngayon.
Minsan ang sarap batukan. Kaso amo ko pala ito.
Saturday pala ngayon kaya nandito lang ako sa bahay at nakatambay sa sala. Wala naman kasing tao, kaya nandito ako at mas malamig dito. Si Ethan naman ay nasa taas lang naman.
Hindi naman nahilig bumaba non kapag weekends. Mas pinipili niya magkulong sa kwarto niya. Pero lumalabas naman siya, kapag may iuutos nga lang. I was busy watching a vlog on my phone when someone spoke.
"Thalia." Napaangat ako ng tingin kay Ethan na ngayon ay nasa harap ko.
Speaking of Ethan pala.
"Oh?"
"What are you doing?" Tanong niya sa akin.
"Bakit?" Tanong ko.
YOU ARE READING
Hoping This Time
Teen FictionHigh School Series #1 In every high school student, having a crush on someone is very common and quite cute. This will also be their inspiration to go to school every day to see them. But Thalia, even if she doesn't go to school, she always see her...