CHAPTER 3

19 4 0
                                    

Naglakad na ako papunta sa kotse at bago pa man pumasok ay kumaway muna ako kay mama. I went in the car and sat next to Ethan who is staring daggers at me. Agad ako nanahimik at napatingin na lang sa bintana ng kotse. Umandar na rin ang kotse.

Habang nasa byahe nararamdaman ko ang mga sulyap ni Ethan sa akin. Gusto ko man siya tignan, kaso nahihiya ako. Umangat tingin ko sa rear view mirror at nakita ang  repleksyon ng mga mata niyang nakatingin sa akin.

Umiwas agad ako ng tingin. Hinihiling ko talaga na makarating kami agad sa school para matigil na ang sitwasyon na ito. I was wishing hard when my wish came true. Nakarating na nga kami sa school.

Lalabas na sana ako nang magsalita si Ethan. "Thalia." Hindi ako nakapag-salita, naramdaman ko ang lakas ng tibok ng puso ko. A moment of silence came before he spoke again. "Stay away from Mia. Don't bother her."

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Ako? Ako na nga lumalayo, girlfriend niya ang nagpapapansin. Also, I don't bother his girlfriend. Bakit parang kasalanan ko pa?

Inis ako tumingin kay Ethan. "Bakit ako sinasabihan mo? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya."

"Just listen to me." He said.

Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Unbelievable. "Sabihan mo girlfriend mo, Ethan--"

"I don't repeat my words, Thalia." He said and got out the car.

Pinanood ko pa siya papalayo. Gulat na gulat ako at naiinis. Bakit hindi si Mia ang sabihan, bakit ako? Parang lagi na lang ako kailangan mag-adjust?

"Thalia, hija." Napatingin ako kay Kuya Jun.

"Po?"

He sighed. "Ingat ka sa school at aral mabuti." Ngumiti siya sa akin.

Napangiti na lang din ako at tumango. Lumabas na ako ng kotse at sinarado ang pintuan. I waved goodbye to Kuya Jun and watched him leave.

Nanatili pa ako ng ilang minuto sa kinakatayuan ko bago pumasok sa loob ng school. May 15 minutes pa naman bago magsimula ang klase kaya marami pang estudyante ang nasa hallway.

Pumanik ako ng hagdan at naglakad papunta sa room ko. Natanaw ko pa si Bolt na hawak ang isang libro at nakataas. Nakita ko rin si Jill na pilit inaabot ang libro na hawak ni Bolt.

"Kidlat, ibigay mo sa akin 'yan!" Jill yelled and glared at him.

Tumabi ako sa kanila at pilit parin inaabot ni Jill ang libro. Bolt smirked and stick out his tongue teasing Jillian even more. Kumunot na noo ni Jillian at pinag-krus ang mga kamay sa kanyang dibdib.

"Aww, liit mo kasi eh." Pang-aasar ni Bolt. "Eto na oh."

"Sayo na 'yan." Pagtataray ni Jillian.

Natawa si Bolt at hindi ko rin napigilan matawa. Habang pinagmamasdan ang dalawa na nag-aasaran ay may napansin ako sa kabilang dulo ng hallway.

I saw Mia leaning on the wall, while a guy in front of her. Nakangiti siya at ang lalaki ay nakangiti rin. Napangunot noo ko. Nasaan si Ethan? Bakit iba kasama niya?

Nagulat pa ako na biglang napatingin ang lalaki sa pwesto ko. Mia also looked at me. Napailing na lang ako, baka magkaibigan lang. Tumingin ako kay Jillian na kinuha ang libro kay Bolt na tumatawa. Inis na pumasok si Jillian aa classroom habang hila-hila kamay ko. Napangiti na lang ako habang kasunod namin si Bolt

Nangunot noo ko dahil nakita ko pa alipores ni Mia malapit sa upuan ko. Hindi ko na pinansin at nang makaupo ako sa upuan ko ay biglang napansin kong pumasok si Mia. Ang mga alipores niya naman ay parang mga katulong niya na inayos pa mauupuan niya.

Hoping This TimeWhere stories live. Discover now