CHAPTER 6

10 4 0
                                    

Nakatingin ako sa mga laruan na nakadisplay sa department store. Hindi ko alam pero naaaliw ako habang tinitignan ang mga laruan na ito. May isang salesman pa na dine-demo ang mga ito at nakikinood pa ako sa mga bata.

Nasa isang mall kami ngayon. Kasama ko sina Bolt at Jillian. Nag-iikot ikot ako dahil busy si Jillian bumili dito sa department store. Mag-bi-bitrhday daw kasi pamangkin niya kaya bumibili siya ng regalo. Nagtaka pa ako nung una dahil wala naman siyang kapatid, yung pala pamangkin niya sa pinsa.

Also, we are here to buy some art supplies. It was an art project and we needed supplies for it. Kami kami ang naging magkakagrupo dahil kahit sino naman daw basta tatlo. Kaya ayun, sumama si Bolt sa amin. Ayaw pa nga ni Jillian kaso wala na rin nagawa sa huli.

Nauna lang kami magikot ikot dito para makabili siya ng panregalo. Nag-ikot ikot muna ako dito sa department store, dahil busy pa nga bumili si Jillian ng regalo. Habang naghahanap siya napadpad naman ako sa mga laruan. Natigilan na nga ako sa kakaikot at naiwanan na nila Bolt.

Nakatingin lang ako sa mga bata na nanonood sa demonstration at mga tuwang tuwa naman sila. I can't help, but to remember my childhood.

I was only eight and saktong pasko. The Valdez Family went to the mall to eat and buy some stuffs. Sinama nga lang kami kasi birthday ko.

I was very surprised seeing toys and it was very amazing to look at them. Alam ko naman na hindi kaya ni mama bumili dahil nga hindi para sa laruan lang ang pera namin, pero Ma'am Keisha bought me a doll for my birthday and as her Christmas gift to me.

Since then, I've always been nice to Ethan's mom. Kailanman hindi ko binalak na maging matigas ang ulo kay mama at kay Ma'am Keisha. Also, I am always grateful that I have my mother na kahit wala kami, she never fails to give me what I need.

Napaiwas na ako ng tingin at naglakad na para sundan si Bolt at Jillian na ngayon ay nasa mga dolls. Bago pa man ako makalapit ay narinig ko sigaw ni Jillian. Pinaghahampas niya si Bolt na tumatawa.

"Anong nangyari?" I asked.

"Itong Kidlat na ito!" She yelled and walks away.

Natawa si Bolt. "Binibiro ka lang eh."

"Tatapat mo pa sakin iyan maskara alam mong takot ako sa ganyan." Umirap si Jillian at naglakad na.

Natawa na lang ako at sumunod. Bolt wanted to reason, but stayed quiet and just chuckled while following us. Ibinalik ni Bolt ang maskara bago pasipol-sipol siyang nakasunod kay Jillian na namimili ng mga doll.

After looking around, she finally decided to get the Baby Alive Doll. Babae kasi ang pamangkin niya at dinala na niya ito sa counter. May tawag na sinagot si Bolt kaya kami lang nandito sa cashier. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya.

"Bait ah, mamahalin na doll pa ireregalo. Sana naging tita pala kita." Pabiro kong sabi.

Natawa siya at umiling. "Nakakuha naman ako ng allowance ko sa scholarship ko sa munisipyo besides, I've never experienced having this doll before." Tumingin siya sa akin. "Kaya gusto ko ma-experience niya."

Napatango ako. "Siguro kung magkakaanak ka, lahat ng hindi mo nakuha ibibigay mo 'no?"

"Oo, ibibigay ko kahit sa abot makakaya." She smiled.

Ngumiti ako sa kanya. I really admire Jillian for being so amazing. After paying, saktong bumalik si Bolt sa amin. Kinuha niya kay Jillian ang buhat buhat nito. Nagulat pa kami dahil sa biglang pag-kuha niya.

"Ako na. Para may ambag na ako sa art project." Ngiti niya.

Napairap si Jillian. "Ewan ko sayo."

Nagtungo na rin kami sa National Book Store para bumili ng art supplies. Kumuha ako ng basket at sinusundan lang si Jillian sa pag-pili. Habang namimili si Jill ng paints ay napatingin ako sa mga libro.

Hoping This TimeWhere stories live. Discover now