CHAPTER 16

12 2 0
                                    

Since that day, Terrence and I became much closer and Jillian started to warm up with Terrence. Nakakapag-usap na rin sila nang natural at nakakatuwa lang dahil magaan siyang kasama, kaya hindi ka magdadalawang isip kausapin siya.

Also, since that day, Ethan became much grumpier. I don't know why, pero napang-hahalataan ang kasungitan niyang to the next level nanaman. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya.

It's been a week since then and Ethan was beginning to go back to his grumpy self. Napapangiwi na lang talaga ako sa mga pangyayari na nangyayari. Paano ba naman naninimula namaman ang mga walang sawang utos at walang kwentang patawag sakin. Lagi rin siyang masama tumingin sa akin, lalo na't may cellphone akong hawak.

Hindi ko alam ano problema niya. Kapag tinatanong ko naman ay hindi sumasagot, kung hindi ay umirap lang at layasan ako. Nawiwindang ako sa mga pinapakita niyang kilos at kasungitan.

Anyways, tomorrow the school will be having a halloween party. Wala sana akong balak pumunta kaso pinipilit ako ni mama. Also, nabanggit ko kay Terrence, natuwa rin siya na may halloween party na palang ganap sa Valdez High, kaya dapat sumama raw ako.

Napapaisip ako lalo na't ayoko naman pahirapan si mama. Gusto niyang sumama ako, pero ang iniisip ko syempre halloween party ay kailangan ng costume. Wala naman akong costume.

"Anak, sumama ka na." Sabi ni mama at nginitian ako. "Experience rin iyon."

Napabuntong hininga ako at napasandal sa lababo. Nasa kusina kami ngayon at hapon na kaya kakauwi ko lang. Nasabi ko kasi na ayokong sumama nga bukas.

"Hindi naman po required--"

"Say no more!"

Napatingin ako sa taong pumasok sa kusina. Nagulat ako na si Ma'am Keisha pala ito na nakangiti habang naglalakad papalapit sa akin.

"You Thalia, will join that party with Ethan." Sabi niya.

Napatingin ako kay mama. Nagulat din siya kaya bumalik tingin ko kay Ma'am Keisha. She just smiled at me and came closer to hold both my shoulders. Nakatingin lang ako sa kanya nang gulat.

"Oh come on, minsan lang naman and it will be a great experience. Last year, wala naman hindi ba?" Sabi niya at pabirong kinurot pisngi ko. "I'll pick your gown."

"G-gown?!" Sabay kami ni mama.

"Yes." Ma'am Keisha said.

Napalunok si mama. "Ma'am, bakit po gown? Kahit naman simpleng puting dress lang mahanap namin, pwede na po pang-white lady."

"Ma?" Gulat ako napatingin kay Mama.

White Lady?!

"White lady?" Takang tanong ni Ma'am Keisha.

"Mahaba naman po ang buhok niya kaya mas nababagay pa po siya doon at mas makakamura--" Hindi natapos paliwanag ni mama nang magsalita ulit si Ma'am Keisha.

"Oh gosh, that won't do. I'll pay for everything. Naka-gown si Thalia, that's final." Sabi ni Ma'am.

Napatingin ako kay mama na nakatingin din sakin. Sabay na lang kami napabuntong hininga at si mama naman ay tumango naman. Biglang pumalakpak si Ma'am Keisha at niyakap ako.

"B-bakit po gown?" Tanong ko habang nakayakap si Ma'am.

"Of course, my son is a prince and you will be his princess. Cute, right Elena?" Sabi niya at ngumiti.

Napangiti na lang si mama. "Opo, ma'am."

Kumalas na sa yakap si Ma'am Keisha. "Bueno, aalis tayo para bumili."

Hoping This TimeWhere stories live. Discover now