CHAPTER 7

11 3 0
                                    

"Thalia! Ang tagal mo naman!" Narinig ko sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto.

Natataranta akong nagsusuklay ng buhok ko habang nagsasapatos. Nawala sa isip ko na Friday ngayon. Akala ko sabado na kaya nagpuyat ako kagabi kakapanood ng isang series.

It was a great series kaya tinapos ko talaga kagabi. Pagkatapos kumain ay nanood na ako kasi wala naman masyadong inutos si mama sa akin. Alas tres na ako nakatulog dahil don kaya ayan.

Hindi ko na naayos ang sarili at lumabas na ako sa kwarto buhat buhat ang bag ko, ang sapatos ko at ang suklay. Nang makalabas ako sa kusina ay napailing na lang si mama at kinuha ang suklay. Siya na nagsuklay sa akin habang nagsasapatos ako.

"Puyat ka nang puyat, alam mong may pasok." Pagsesermon sa akin.

Napanguso ako habang sinusuklayan. Tapos na ako magsapatos. "Sorry po, nawala sa isip ko po na friday eh."

Napailing si mama sa sinabi ko. "Ewan ko sayo, pasalamat ka hindi pa nakakababa si Ethan. Male-late na kayo."

Napatingin ako sa kanya. "Wala pa si Ethan?"

"Hindi ko nga alam kung papasok ba. Pinapagalitan na nga ng mommy niya." Mama said and shrugged.

Nang matapos niya ako suklayan ay naglakad na kami palabas. Kumakain na ako ng biscuit ngayon bilang agahan ko. Ilang minuto ang nakalipas, mga siguro 15 minutes din nang makababa si Ethan.

Nakabusangot siya habang hawak hawak ang bag at blazer niya. Nasa likod niya ang ina at nakasunod lang. Nakatingin lang ako sa kanya na mukhang hindi maganda ang gising.

"Ethan, you need to go to school." Ma'am Keisha said. "Bakit bigla kang ganyan? You were okay last night, do you have a problem?"

"I'm just irritated, okay?" Sagot naman niya sa mommy niya bago naglakad papalabas. "Bye, mom." Dagdag niya.

Agad naman ako humalik sa pisngi ni mama at tumakbo na para sundan si Ethan. "Bye, mama!"

Inis na binuksan ni Ethan ang kotse at inis din na sinara ito. Nagulat pa ako na sinaraduhan niya ako at hindi pa ako naqkakapasok. Napakunot ako ng noo bago binuksan ito at pumasok.

Naupo na ako ng maayos sa tabi ni Ethan at dama ko ang tensyon galing sa kanya. Halatang galit siya at kapag galit siya lahat nadadamay. Nagtataka naman ako sa kanya. Okay naman siya kahapon, bakit biglang ganito siya?

Napatingin ako sa oras sa cellphone ko at mukhang male-late na nga kami. Wala pa kasi kami sa kalahati ng byahe. Napabuntong hininga ako at nagdasal na sana makarating agad.

My prayers were answered, but five minutes late pagdating sa gate. Pagkatigil ng sasakyan ay lumabas agad si Ethan at binagsak nanaman ang sara sa pintuan. Inis akong tumingin sa kanya at binuksan ulit. Sinara ko ito ng maayos at hindi ko na pinansin si Ethan kasi late na ako.

Tumakbo na ako papuntang hagdanan at paakyat. Nagmamadali na akong makarating sa room kaya tumakbo na ako. Nadaanan ko pa nga ang janitor at nasigawan pa ako.

"Sorry po!" Sabi ko at nagtatakbo na muli.

Hawak na hawak ko bag ko at hingal na hingal akong nakarating sa room. Sumilip ako sa bintana at nakita na nga ang teacher namin. Napapikit ako ng mariin bago bumuga ng hangin. I knocked on the door and opened it.

Napatingin sa akin ang lahat. "Good morning, ma'am. I'm sorry, I'm late." Sabi ko habang hinihingal.

The teacher raised her brows. "Why are you late?"

Huminga ako ng malalim. "Traffic po." I lied.

"Traffic? Why didn't you woke up early to avoid it? You know, Miss Pangilinan. I wake up at three am to avoid that so called traffic so I won't be late." Tumingin siya sa klase. "Class, I don't want anyone of you being late and having traffic as the reason or whatever reason it is. You are all graduating students, you are all old enough to be responsible!" Sabi niya at tumingin muli sa akin.

Hoping This TimeWhere stories live. Discover now