CHAPTER 9

14 4 0
                                    

Tamad-tamad akong bumaba ng kotse habang iniisip kung paano ako magkakapera para may maibigay ako para sa experiment next week.

Next week kasi balak ng teacher dahil wala siya ngayon nasa conference. This whole week wala raw kaya may time ang lahat. Kaya may isang linggo pa akong time para makaipon o makahanap ng paraan para magkapera.

Napabuntong hininga ako. "Paano kaya ito?"

"You'll be late, if you are just gonna stay here." Napatingin ako kay Ethan.

Napanguso ako. "Eto na."

Napairap siya at nauna na maglakad. Nakasunod lang ako habang naglalakad siya. Iniisip ko talaga paano ako magkakapera ng ganoon kadaling panahon.

Napapansin ko habang naglalakad ay pinapantayan ni Ethan bilis ko kaya nasa gilid ko na siya ngayon. Hindi ko maiwasan hindi kabahan dahil parang ang lapit niya ngayon sa akin.

Nawawala ako sa focus sa pag-iisip tungkol sa project namin dahil sa kanya. Bakit ang pogi? Oh Thalia, tigilan mo. Isipin mo yan perang kailangan mo. Utang kaya ako? Kaso hindi naman ako mayaman para mabayaran agad iyon.

Nang makarating malapit sa room ay nasa labas si Bolt. Nang makita niya kami ay ngumisi agad siya habang pinagmamasdan kami ni Ethan. Napakunot noo ako habang papalapit kay Bolt.

Nang makalapit ay naka ngisi parin si Bolt ng nakakaasar. "Sabay pa kayo sa pagkunot noo."

Nagulat ako at napatingin kay Ethan na siya naman ay nakatingin na sa akin. Napaiwas ako ng tingin at naramdaman ko pag-init ng mukha ko. Narinig ko pang-aasar ni Bolt kaya pumasok na ako sa loob.

Bago pa makapasok ay nakita ko pagsama ng tingin ni Ethan at umirap pa ito kay Bolt bago umalis papunta sa classroom niya. Tumawa tawa pa si Bolt, mukhang nag-eenjoy sa pang-aasar na naman niya.

Pumasok ako sa loob ng room at nakita si Mia nakasandal malapit sa pintuan. She looked at me from toe to head and smirks. Napakunot lalo noo ko at umiwas na lang ng tingin. Maglalakad na sana ako papaalis ay hinawakan naman nito braso ko.

"Wait." Sabi niya.

Napatingin ako sa kanya. "Ano na naman?"

"Nothing, just looking at the maid." Sabi niya at ngumiti. Binitawan niya ako at ngisi. "You are just a nobody here, but a maid's daughter."

"Wala ako sa mood ngayon, Mia." Sagot ko.

Tumawa naman siya. "I don't care." Sabi niya at tinignan ulit ako. "Look at you, you look so cheap. You think you are good enough? You can't beat me, Thalia."

Magsasalita sana ako nang magsalita si Bolt na nasa likod ko. "Actually, Thalia is good. Not like you, Mia. And she beats you in every way."

Agad tumaas kilay ni Mia. "What did you just said?"

"I know you heard me." Sabi ni Bolt at nilagay ang mga kamay sa bulsa niya. "Hindi ka naman siguro bingi 'no?"

"I'm not, obviously."

Tumango si Bolt. "Then, why ask what I've said? Look at yourself, you'll know if you are good enough or not."

"How dare you? You don't fit here, Bolt!" Sigaw ni Mia.

"Bakit hindi? May talino naman ako kahit papaano. I don't cheat on exams." Sabi ni Bolt at ngumiti. "Do you?"

Umirap si Mia at inis na tumalikod. "I hate you all!"

Naglakad siya papunta sa pintuan at lumabas. Binagsak niya pa ang pag-sara ng pintuan ng classroom. Natawa naman si Bolt at naglakad na papunta sa pwesto niya. I shrugged and went to my seat.

Hoping This TimeWhere stories live. Discover now