CHAPTER 4

24 4 0
                                    

Napahikab ako habang nakasandal sa upuan ko. Nasa school na ako at walang first sub kasi wala ang teacher namin doon. Absent daw kaya nagkaroon tuloy kami ng free time.

Sa free time na ito, medyo boring. Wala kasi akong ginagawa. Nagbabasa rin ngayon si Jillian ng libro. Ayoko naman gambalain kaya nakasandal lang ako dito. As usual, ang mga kaklase ko may kanya kanyang buhay.

Napag-isipan ko na tumungo sa desk ko at matulog na lang. Inaantok na ako. Kanina pa ako hikab nang hikab at dama ko na ang pagbigat ng mga talukap ko. Nakatulog agad ako nang makatungo at pikit ako. The noise around me didn't bothered me because my ears are used to it.

I was dreaming about me and a guy going on a walk when I felt someone waking me up. Agad ako gumising at nakasimangot na humarap sa gumising sa akin.

"Ayusin mo sarili mo, second subject na." Jillian chuckled.

Nakunot naman noo ko at tumingin sa harap. Nakita ko si Sir Social Studies na nag-aayos ng mga gamit niyang gagamitin. Ang bilis naman. Parang kakapikit ko lang ah. Sarap na ng tulog ko eh.

Agad ako naupo ng maayos at inayos ang buhok. Humikab pa ulit ako bago ituon ang atensyon sa harap. Umayos na rin ang lahat ng nasa klase nang tumingin na si sir sa amin.

He cleared his throat. "Good morning everyone, today I will discuss our lesson about Rights."

Nagsimula na ang lesson ni sir. Hindi naman ganoon kahirap ang lesson. Tungkol siya sa karapatan ng tao. Kaso ayoko matawag. Napanguso ako habang binabasa ang mga nakalagay sa powerpoint.

Alam ko naman na iyan kasi nabasa ko advance notes ni Jillian kahapon. Sa sipag at talino ng babaeng yun, hindi malabo walang advance notes or study yun. Baka nga kahit lesson ng ibang grade alam pa niya. Malawak kasi ang isip at magaling sa memorya, matalino talaga.

Habang nagdidiscuss si sir ay nagtatawag  din. Eto na nga ba sinasabi ko. Lahat ng pag-iwas ng tingin ni sir nagawa ko na, pero sadyang biglang nagtama tingin namin at tinuro niya ako.

"Miss Pangilinan, stand up." Sabi niya at tumayo naman ako. Kinakabahan dibdib ko at napatingin pa ako kay Jillian na nakangiti lang sa akin. "What is the difference of Natural, Constitutional and Statutory Rights?"

Natulala pa ako. Napalunok pa ako sa tanong ni sir. Minamalas nga naman. Bakit ako pa kasi? Grabe naman, ayoko na. Hindi ko gusto ang Social Studies. Napabuntong hininga pa ako bago tumingin ulit kay sir.

Nabasa ko sa notes ni Jillian ito. Nag-advance study siya at nakita ko ito sa notebook niya. Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko ang nakangisi na si Mia. Pinagtatawanan na siguro niya ako, pero alam ko kaya ko ito.

"The difference of these rights is that uhm..." Huminga ako ng malalim. "Natural Rights is given to us po since birth, the uhm Constitutional Rights po is given by the constitution." Napatango si sir at ngumiti ako. "And lastly po uhm.. the Statutory Rights is rights given and made by law."

Pinalakpakan ako ng klase at nakangiti si sir sa akin. "Good answer, Ms. Pangilinan." Tumango ako at naupo na. Bumulong si Jillian ng "Ang galing mo" kaya napangiti lang lalo ako.

"Kahit umiiwas ka ng tingin, I can see that you are really listening." Napatingin si sir sa katabi ko. "Yes, Ms. Cruz?"

Tumango si Jillian at tumayo. "I will just expand Ms. Pangilinan's answer. Our Natural Rights is ours by birth, meaning to say this is given to us since our life started. The example of it is 'the right to live'. Next we have the Constitutional Rights, it is granted to us by the constitution which limits place of the government without infringing our natural rights. Example is 'right to fair trial'. And we have Statutory Rights. It is well... uhm granted to individuals, but can be amend by the law or government. Example is the minimum wage. That's all."

Hoping This TimeWhere stories live. Discover now