CHAPTER 10

18 4 0
                                    

"Dala mo na lahat?" Tanong ni mama sa akin habang iniisa-isa mga gamit na nasa eco bag na dala ko.

Lunes na naman at pasukan na naman. Ngayong araw pa ang experiment. Dala ko lahat ng binili namin ni Jillian noong sabado. Ethan gave me half the payment in advance so I can buy what we need.

"Dala ko na po lahat, mama." Ngumiti ako at pinasok na sa kotse ang isang box. "Alis na po kami, I love you."

Ngumiti si mama at hinalikan noo ko. "Mahal na mahal kita, anak."

Ngumiti muli ako bago pumasok sa kotse. Sinara ko na ang pintuan at nakita ko si Ethan na may binabasa sa cellphone niya. Hinayaan ko lang siya at nagsimula na magmaneho si Kuya Jun.

I sighed as I look at the car window. Ethan and I didn't talk since that night. Lumipas ang sabado at linggo na parang wala lang ang usapan namin na iyon.

Hindi naman ako nag-eexpect, kaso parang gusto ko mag-back out. Parang hindi ako mapalagay habang iniisip ang magiging set up namin ni Ethan hanggang sa makuha na niya gusto niya.

Hindi yata magandang desisyon ito.

Hindi nga maganda, kaso nagamit na ang pera at mukhang no turning back na talaga. Si Ethan ito, nakatira pa ako sa bahay nila wala talaga akong pagtataguan kung umayaw ba naman ako.

Hindi ko na namalayan na malapit na pala kami sa school, habang nag-iisip ng malalim.Nang makarating sa school ay bumaba agad ako habang buhat buhat ang lahat ng gagamitin.

Bago pa man ako makaapak sa loob ng school ay agad hinablot ni Ethan ang buhat ko. He didn't said anything and just walk with me. Napaiwas na lang ako ng tingin at tinuon ang atensyon sa paglalakad.

Habang nasa hall ay nakatingin ang ibang estudyante sa amin. Alam kong sa amin nakatingin dahil kami lang naman naglalakad sa hallway at yung mga tingin nila na hindi makapaniwala at pagtataka. I tried not looking at them and just walk to reach my class, pero iba plano ni Ethan.

Hindi ko inaasahan na hawakan ni Ethan ang bewang ko at nilapit pa sa kanya. Napatingin talaga ako sa kanya sa gulat and he just looked at me while raising his brows. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko kay napaiwas agad ako ng tingin.

Hindi nga magandang desisyon ito, Thalia!

Some mouths formed an O because of our closeness and of course hinila ni Ethan waist ko. Naririnig ko na ang mga tsismisan at bulungan mula sa mga estudyante na dinadaanan namin.

As we reach the stairs, in my surprise and horror, nakita namin si Mia. Kasama ni Mia mga alipores niya habang pababa ng hagdan. Nagkatinginan kami ni Mia at nagulat din ito.

Lumakas ang tibok ng puso ko habang nakatingin kay Mia na nasa harap namin. Agad lang napataas ang kilay habang nakatingin sa kamay ni Ethan sa bewang ko.

I thought Ethan will remove his hand, but he tightened his grip on my waist. Napatingin ako kay Ethan that time and saw him looking at Mia with an emotionless expression.

"Let's go, Thalia." Malambing na sabi ni Ethan.

Napatingin lang ako kay Ethan dahil ngayon ko lang narinig iyon sa kanya. Ang malambing na boses na mula pagkabata ay hindi ko narinig sa kanya. Ngayon, narinig ko para akong gulat na kinikilig.

It was shocking to hear it. My heart was fluttering while looking at him and I nodded as my response. Napatingin ako muli kay Mia na nakanganga ngayon. She looked surprised as Ethan suddenly became softer.

Ngumiti ako at naglakad na. "Tara na."

Hawak parin ni Ethan bewang ko at nasa tabi ko lang, nakasunod sa bawat lakad ko. Nilagpasan namin si Mia na gulat na gulat, pati mga alipores niya gulat sa nakita at narinig.

Hoping This TimeWhere stories live. Discover now