Nakatayo ako sa loob kusina at nakasandal sa counter habang kumakain ng pandesal na may binati na itlog. May hawak din akong libro dahil may long test daw kami kaya nag-mememorize ako. Kaya rin maaga akong nagising dahil lunes pa ngayon. Maaga pa naman kaya chill chill lang akong nagbabasa habang kumakain dito.
Tahimik lang akong kumakain at tulad ko, tahimik lang din kumakain ang pamilyang Valdez. Buong weekends ay umiiwas ako kay Ethan. Nagkukulong lang ako sa kwarto at siya naman ay laging lumalabas.
Nag-mo-move on ata si Ethan mula sa mga nangyari. Break na sila ni Mia at narinig ko kahapon si Sir Diego at Ethan pinaguusapan iyon. Mukhang nakapag-open up siya sa papa niya. Hindi ko lang alam kung alam na ni Ma'am Keisha.
Matapos kumain si Ethan ay sumunod na ako sa kanya sa kotse. Hinalikan ko lang si mama sa pisngi at patuloy ako nagbabasa ng librong hawak ko. Pumasok ako sa kotse na nakatuon parin ang mga mata sa nilalaman ng libro.
Habang nasa biyahe ay minememorize ko ang bawat salita. Binabasa ko paulit ulit at tinatatak sa utak ko. Ayokong mababa score ko kaya nag-aaral talaga ako. Kagabi pa ako nag-aaral kaso gusto ko talaga mataas score ko.
"Are you memorizing?" Napatingin ako bigla kay Ethan at napatigil sa pagkakabisa. "For a test?"
Napatango ako. "Oo, ayoko kasi mababa makuha ko. Lalo na halos lahat may utak sa room namin, you know matatalino."
He nodded. "Just familiarize only the important things not the whole page."
Nagulat ako sa kanya. That's a first. Ethan starting a conversation and replying. Most shocking is nag-advice pa? Hindi ko maiwasan hindi kiligin? Like iba eh. First time niya ginawa ito. Napatango na lang ako at bumalik sa binabasa ko.
"Just remember some keywords so that when you see them on the test later, you know the answer already." Dagdag niya.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Thank you. Gagawin ko yan, salamat talaga."
Nagpipigil ako dumaldal ng sobra mamaya kasi mairita siya bigla. Ngunit mas nagulat ako sa ginawa niya. Ngumiti siya at tumango sa akin bago umiwas ng tingin. Kinikilig ako bumalik sa binabasa ko. Totoo ba iyon? Hindi ako nagpahalata baka kasi biglang bumalik sa grumpy side niya.
"You're welcome." Sabi niya sa isang mahinang boses pero nag-echo ito sa tenga ko.
Wala na kinilig na nga, Thalia. May test ka! Mamaya na kilig.
Nakangiti kong sinunod mga sinabi ni Ethan, infairness mas madali siya at mas mabilis. Kahit ulit ulitin ko sa utak ko yung key words ay alam ko na ano sagot. Sana nga gumana sa test.
In the whole ride, I continue to familiarize and remember. Nang makarating sa school ay naglakad na kami papunta sa building namin at pumasok na kami sa mga classroom namin.
"Goodluck on your test." Sabi ni Ethan bago naunang maglakad.
Napangiti lang ako at lalong kinilig. Baka maperfect ko na, Ethan. Ngiti ngiti akong naglakad papunta sa pintuan at pumasok sa pinto. I thought I was having a good day, but when I got in I suddenly saw Mia at the door looking at me.
Masama tingin niya sa akin. "How dare you!?"
Nagulat ako. "Anong ginawa ko sayo? Kakapasok ko lang."
"You told Ethan, did you?!" Sigaw niya at dinuro ako. Naglakad siya papalapit sa akin.
Nangunot noo ko. "Wala akong sinasabi kay Ethan, Mia."
She scoffs. "Don't act so innocent. I know you told him, para saan? Para mapansin ka?"
YOU ARE READING
Hoping This Time
Teen FictionHigh School Series #1 In every high school student, having a crush on someone is very common and quite cute. This will also be their inspiration to go to school every day to see them. But Thalia, even if she doesn't go to school, she always see her...