CHAPTER 13

11 2 0
                                    

"Thalia!" Sigaw ni mama at narinig ko ang kalabog mula sa pintuan.

Dali dali naman akong nagising at napatayo mula sa higaan. Napakusot-kusot pa ako sa mata ko habang nakaupo. Pinipilit kong idilat mata ko kahit na nahihirapan ako. The door flung open and my mother who is looking at me walks in.

Sarap pa naman ng tulog ko.

Tinaasan ako ni mama ng kilay. "Pang-ilan ko na itong katok at pasok dito. Hindi ka parin gising?"

I yawned. "Mama naman, antok pa po ako."

"Kakapuyat mo iyan. Alam mong may pasok ka kinabukasan, pinili mong magpuyat kagabi." Sabi niya at hinila ang kumot ko mula sa ibabaw ko.

Agad niyang pinagpag ito at tiniklop. I yawned once more and tried to look around even my eyes aren't that clear. Nang makapag-adjust na mata ko ay bumaba naman na ako mula ng double deck.

"Ikaw bata ka, hindi ka talaga naging tulad ko. Kapag may pupuntahan at mahalagang gagawin, dapat gumising agad o kaya matulog ng maaga." Sabi ni mama at inayos ang higaan.

Napanguso na lang ako habang hihikab hikab sa isang tabi at pinapanood siyang kumilos. Tinatamad pa nga akong kumilos para pumasok dahil inaantok pa ako. Tsaka alam ko mahaba pa oras ko, parang six pa lang ng umaga eh.

I had fun last night with Ethan. Nag-kwentuhan at nanood ng mga movies sa sala. I don't know what gotten into him, pero bigla lang niya ako niyaya.

Hindi naman ako tumanggi kasi diba nga bihira lang siya magyaya tapos yung bagong movie ba naman papanoorin niya. Gusto ko talaga mapanood iyon, kaso nga lang may bayad. Kaya kahapon noong niyaya niya ako, umoo agad ako.

It's been almost two months since me and Ethan started pretending as lovers. Hanggang sa ngayon mahirap, pero I find it comfortable with Ethan. Nakakakilig, nakakakaba at nakakatuwa siya.

Napapansin ko kasi na hindi na siya tulad ng dati na mabilis uminit ulo sa akin. Oo, sabihin na mabilis parin uminit ang ulo at mainis, pero may pagkakaiba talaga. Mas nagiging open siya sa akin.

Besides, nagiging mabait siya kahit papaano.

"Nakatunganga ka pa diyan, anak ng tinapa ka talaga." Sabi ni mama.

Napanguso ako. "Edi tinapa ka po?"

Agad naman napatingin si mama sakin. "Aba't sumasagot ka pa?"

"Hindi naman.." I yawned again. "Po." Umirap si mama. Napabuntong hininga ako. "Ano oras na po ba?"

"Mag-alas siete na." Sabi ni mama.

Agad nanlaki mata ko. "Ha?! Mama naman, malelate na po ako!"

Agad agad akong kumuha ng tuwalya at mga gagamitin kong damit. Pinanood lang ako ni mama habang nakataas ang kanyang kilay sa akin. Natataranta at nagmamadali ako sa pagkuha ng mga gamit ko.

"Puyat pa." Sabi niya at iniwan ako sa kwarto.

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at kumilos na ako para makaligo. Mabilis na ligo na lang nagawa ko at hindi na nakapag-shampo, pero may conditioner naman buhok ko. Naligo naman din ako kagabi bago manood ng movie kaya hindi naman need masyadong sabunin buhok ko.

Kapag ako talaga nalate, lagot nanaman ako sa first subject namin. Kaya sobrang pagmamadali na ginawa ko. Maayos naman paliligo ko pero yung pagbibihis talaga ang minadali ko. Bawat minuto ay gawa ko sa isang bagay.

Magagalit nanaman si Ethan!

After taking a bath and changing into my school clothes ay agad naman ako kumuha ng suklay at sinuklay buhok ko habang nakatapat sa electric fan ito. I was panicking and rushing myself, when my mother walks in again.

Hoping This TimeWhere stories live. Discover now