Chapter 3

494 24 0
                                    


HAKU MONTERIVER

LYING on the bed, still thinking sa nangyari kanina. Totoo ba talagang may kung anong ala-ala ang dumaan sa isip ni Tian nang magkita kami. Hindi ko alam kung ano 'yon, pero I hope na isa 'yon sa mga moment namin dati.

Pero what if I stay there? Mas lalo pa nga niya akong maalala? Pero hindi, tama lang 'yong decision kong umalis. Dahil kung manatili pa ako do'n maapektohan naman ang isip niya at magulo pa ang lahat.

Napabuntong hininga nalang ako. "I guess this is not the right time."

Napaayos ako ng upo sa kama at dahan-dahan na kinuha ang cellphone kong nakalapag sa drawer dito sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung bakit ko pa ito kinuha. Pero isa lang naman ang nasa isip ko, ang tawagan si Tian.

Kailangan kong lakasan ang loob ko para makausap siya. Unang tawag ko ay hindi niya sinagot. Hindi ako tumigil, tumawag ako ulit. At this time sinagot na niya.


"Bakit ba?!" Galit agad niya ang sumampal sa tenga ko kaya napalayo ako ng mukha sa cellphone. "Pwede bang kausapin mo ako ng mahinahon." Tugon ko sa kanya.

"Paano hihinahon eh ikaw ang kausap ko! Narinig ko lang ngayon ang boses mo nanginig na ako!" Paninigaw niya. "Sana tv ka nalang, para pwede kong hinaan ang volume ng boses mo, sakit na sa tenga eh..." biro ko pero seryoso ang mukha ko nang sabihin 'yon.

"Edi 'wag mo 'kong kausapin, ganon lang kadali. Patawag-tawag ka pa wala ka naman palang sasabihin, papainitin mo lang ang ulo ko. Bye, diputa ka!" Mukhang ibaba na niya ang tawag. "Oi sorry na...huwag mo munang ibaba, I have something important to say." Sagot ko. "Okay, we'll just have a 1 minute. Sabihin mo na lahat ng gusto mo sabihin." Mukhang kumalma siya.

"Ano, 1 minute?! Ang damot mo naman ng oras sa 'kin...pwede bang kahit 2 minutes lang...?" Pakiusap ko. "Your time is running." Mukhang buo na nga ang decision niya kaya pumayag nalang ako.

Pinilit ko pa rin kumalma kahit mabilis ang takbo ng oras. "I'm sure aware ka na bukas ang contract signing ko sa Seaven Network. At magkakaroon pa ng conference. Alam mo namang first time ko pa dito, at hindi ako sanay sa napakaraming tao. I may get anxiety, and I need you there. Please, be there." Napakarami ko pa sanang sasabihin pero pina-ikli ko nalang dahil seryoso siya sa 1 minute.


"Pag-isipan ko." Sagot niya at tumahimik lang ako, mukhang napansin niya ang pagtahimik ko kaya agad siya nagsalita. "Pero hindi ako sigurado makapunta dahil exclusive lang sa 'yo ang conference na 'yan, hindi ako pwede sumali. 20% ang kasiguradohan na makapunta ako." Dagdag pa niya.

Dahan-dahan akong napangiti. "Sorry but our 1 minute talk end up to your words, "pag-isipan ko", kaya hindi na valid ang reason mo. So you should be there." Kalmadong sabi ko. "Ay gago..." hindi ko napigilang matawa nang mapamura siya at agad ko na pinatay ang tawag.

"Hay naku Tian, ang cute mo." May ngiti sa labi ko.

Hindi ko alam kung anong maging kalabasan bukas. I don't even know what to feel, excited or anxious. I think both. Well hindi ko naman pinangarap maging artista, ang gusto ko lang naman ay mapalapit kay Tian. At kung ito lang ang paraan para mas magkasama kami ng matagal, I will take this opportunity.



I woke up 7 AM at pagtapos ko kumain at maligo ay nag take na ako ng exam. I'm on homeschooling now dahil part na ako ng showbiz industry at kadalasan sa mga artista ay pinipili mag homeschooling. Mas madali nga ito sa 'kin, hindi ko na kailangan magbyahe papuntang Heartful Academy at hindi ako haharap sa napakaraming fans do'n.

Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now