TIAN MARTELL
SA dahan-dahan na pag-mulat ng mga mata ko, nakaramdam pa rin ako ng panghihina, hindi ko pa rin ramdam ang lakas sa katawan ko, at parang blanko pa rin ako sa lahat ng nangyari, walang pumapasok sa isip ko.
Tulala akong nakatingin sa itaas. Hindi ako mapakali, kaya nilingon ko ang paligid para malaman kung nasa'n ako. And I saw that I was on my room. Pumakaw sa attention ko ang isang lalaking nasa gilid ko.
Mapayapa ang tulog nito, pero hindi ko makita ang mukha nito dahil nakasubsob ito sa kama. Hindi ko mawari kung bakit hindi ko kilala ang lalaking ito, wala akong maisip na kung ano—parang walang laman ang memorya ko.
I slowly touched his head, at para akong nagising nang maalala ko na ang lalaking ito. "H-Haku...?" Mababang tuno ng boses ko, at napansin ko ang paggalaw ng katawan niya.
Nagising siya. "Tian," may ngiti sa labi niya. "Salamat, at nagising ka na..." agad niya akong niyakap. "I'm so worried about you, ang tagal mong nagising..." pag-aalalang sabi niya.
"B-Bakit, ilang oras na ba akong tulog?" Nanghihina pa rin ako, kaya para akong tulog kong magsalita. "It's not just hours Tian, but days. Tatlong araw ka ng tulog." Parang nagpa-panic si Haku, pero nanahimik lang ako. "Come on, hindi ka ba nag-aala sa sarili mo...?"
Iniwasan ko siya ng tingin. "Bakit ako ma-alala, kung nasanay na ako. This is not the first time my mind playing me. Minsan nga weeks, bago ako nagigising. The doctor said, bumabalik daw ang isip ko sa mga memories ko dati. Ni-rerefresh ng isip ko. Pero pag-gising ko, hindi naman niya binabalik. Nagigising pa rin akong walang maalala." I acted strong, but them inside gusto kong umiyak.
Napabuntong hininga ako. "Ewan Haku, ang gulo. Minsan nga gusto ko nalang mamatay eh—" natigilan ako nang muli akong niyakap ni Haku. "Shut up now. I won't let you do that. There's so much more we could explore, just don't give up."
Sa sinabi ni Haku ay kahit papaano lumakas ang loob ko, sa yakap niya ay pakiramdam ko hindi ako nag-iisa sa labang ito. Pinaramdam niya sa 'kin na kahit gaano pa kasakit itong mga nangyayari sa 'kin, hindi dapat ako sumuko. Kahit na gusto ko na talagang sumuko.
Nakaupo ako sa harap ng lamisa at hinihintay na matapos ang niluluto ni Haku . Gusto kong tumulong sa kanya pero hindi niya ako pinayagan, gusto niya akong magpahinga lang at siya na ang gumawa ng lahat.
Pagtapos namin kumain ay naglinis ng bahay si Haku. Nilinisan niya ang tatlong kwarto, kasama na sa 'kin. Inayos niya ang mga sirang gamit tulad ng ceiling fan. Halos pinamukha pa niyang bago ang kusina. Nililinisan na rin niya ang banyo.
Hindi ko nakita ang pagod sa kanya kahit ang dami na niyang ginawa sa loob ng isang araw. Umabot na rin siya sa front yard. Nagwawalis siya sa labas. Dinidigan niya ang garden. At pawis na pawis na siya kakalinis sa kotse naming dalawa.
Gusto kong tumulong pero pinapagalitan lang niya ako pagmasyado akong magalaw. Gusto niya lang akong nakaupo sa sofa at manuod ng movies.
Pero hindi ko naman hinayaan na wala akong magawa para sa kanya. Kaya pinagtimpla ko siya ng malamig na juice at ginawan ng sandwich. Lumabas ako dala ang snack niya, natigil siya sa paglinis ng kotse at malalim pa ang titig niya sa 'kin. "Tian, tigas talaga ng ulo mo." Pinagalitan na naman niya ako na para akong bata.
"Eh gusto lang naman kita dalhan ng snack eh..." napabusangot ako, napakamot siya sa ulo. "Tsk." Parang galit siyang nagpatuloy sa pagpunas ng kotse.
Dahan-dahan akong lumapit sa harapan niya kaya natigil siya, pero salubong pa rin ang mga kilay niya, pero ngumi-ngumiti naman ako. "Huwag na ikaw galit..." nagpapacute na ako sa kanya pero hindi tumalab, kaya ginawa ko ng parang airplane ang sandwich na kunwari lumilipad papunta sa bibig niya.
YOU ARE READING
Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1
RomanceHayaan mo muna akong lumayo sa 'yo. | As Tian and Haku are now officially partnered on a movie, the feelings goes deeper and love is slowly blooming. But will it last longer when something is coming to mess their mind and memories? Date Started: De...