Chapter 29

187 9 0
                                    


REDEN VILLANUEVA

I AM the happiest person when Blue and I are officially in relationship. Kung gaano ako ka-sweet sa kanya nong dating palang kami ay ganon pa rin hanggang ngayon. Nililigawan ko pa rin siya, binibigyan ko pa rin siya ng flowers, Mogu-Mogu at kung ano-anong gusto niya.

Handa na ako mag start ng bagong buhay kasama siya, at kalimutan na ang nakaraan. Wala din namang mangyayari kahit ipaalala ko pa 'yon sa kanya, dahil masaya na kami ngayon.

"Pero hindi ka ba na-kokonsensya?" Napalingon ako kay Manang Rose nang sabihin niya 'yon, nandito kasi kami sa sala, habang nakaupo ako sa sofa ay naghahanda naman siya ng lulutoing ulam para ngayong gabi.

"Hindi ka ba na-konsensya na habang buhay mong itatago kay Blue ang katotohanan. Katotohanan na dapat niyang malaman, lalo na ngayong boyfriend mo na siya. Hindi ba sa isang relationship, hindi dapat naglilihim." Dagdag pa niya.

Napayuko ako. "Pero natatakot ako. Natatakot ako na baka mawala lahat ng meron sa 'min ngayon." Nangangamba ako.


Dahan-dahan na lumapit si Manang at umupo siya sa tabi ko. "Ngunit mas makakahinga ka naman ng maluwag. Dahil wala ka ng dala-dalang takot dyan sa loob, dahil alam mong nasabi mo na, tapos na." Hinawakan niya ang kamay ko. "Ngayon kung magagalit siya sa 'yo, hayaan mo. Huwag mo ipagkait sa kanyang makaramdam ng galit. Lilipas din 'yon at maayos din ang lahat."

Biglang tumahol ang aso kong si Max. "Oh tignan mo, sumasang-ayon si Max." Nakangiting sabi ni Manang Rose, at na-realized kong tama ang mga sinabi niya, kaya napatango ako. "Yeah, your right about that Manang..." saad ko.

"Now go. Speak up, and don't be afraid." Tugon ni Manang.

Dali-dali akong umakyat ng kwarto at nagbihis. Lumabas ako ng bahay at mabilis na nagmaniho papunta sa bahay nila Blue. Hiniram ko muna siya sa mga magulang niya, sinabi kong magda-date lang kami at pumayag naman sila.


"Sa'n tayo pupunta?" Tanong ni Blue habang nasa loob kami ng kotse, hindi ko sinabi sa kanya kung saan kaya parang na-eexcite pa siya.

Hindi nagtagal ay dumating na kami sa lugar kung saan ko siya dadalhin. Medyo madilim dito dahil sira 'yong mga ilaw sa poste. Tahimik ang lugar na 'to at wala masyadong bahay. Dalawang bahay lang ang makikita, the rest na mga kapitbahay ay nasa dulo pa.

After I parked the car dito sa gilid ng mabatong kalsada ay nauna akong bumaba at pinagbuksan ko ng kotse si Blue. Nakikita ko ang pagtataka sa mukha niya habang nililingon ang paligid. "W-Wait, p-parang familiar sa 'kin ang place na 'to..." sabi niya.

Hindi ako nagsalita at naunang lumakad, sumunod naman siya sa likod ko. Huminto kami dito sa gitna ng kalsada, at nakapagitna naman kami sa dalawang malaking bahay na magkaharap. Palipat-lipat ang tingin niya sa dalawang bahay.


"Alam mo bang ito 'yong dating bahay ni Tian? At ito namang isa, ay bahay ng dati kong kaibigan na si Eden. Paano mo nalaman ang place na 'to?" Tanong niya habang tinitignan pa rin niya ang dalawang bahay na halatang na-miss niya dito.

Habang nakatalikod siya mula sa 'kin ay nag-iipon naman ako ng lakas ng loob. Dahan-dahan ko ng kinuha ang isang larawan na nasa bulsa ko. "B-Blue," mababang tuno ng boses ko.

Nakakaramdam ako ng kaba habang dahan-dahan siya humarap, pero hindi ko pa rin binitawan ang picture. "Bakit tayo nandito—" natigil siya nang makita ang hawak kong picture. "P-Picture namin 'yan ni Eden, b-bakit meron ka nyan...?" Nauutal niyang tanong

Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now