TIAN MARTELL
GAYA ng laging nangyayari sa bawat paggising ko, nakaupo lang ako sa kama at nakatingin sa labas ng bintana. Naiisip ko kung ano kaya ang itsura ng Hearts City sa panahon ng kapaskohan, siguro ang kukulay ng buong paligid.
Bigla kong narinig ang tatlong beses na katok, at tsaka binuksan nito ang pinto. "Good morning, Tian." Binati ako ni Alvin. "Malayo na naman ang iniisip mo." Saad niya at nanatili lang akong tahimik.
Inilapag niya sa bedside cabinet ang dalang pagkain na nasa tray. "Take your breakfast na. Gusto kang isama ni Mama, labas daw tayo para makapag-libang ka naman." Sabi niya at umiling ako. "Huwag na please, ayaw ko na kayo ma-distubro. Sobra na ang natulong niyo sa 'kin." Sagot ko.
"Ano ng plano mo ngayon?" Tanong niya, hindi makasagot at dahan-dahan nalang akong tumayo.
Lumapit ako sa may bintana at nakita ko ang mga batang masayang naglalaro sa gitna ng kalsada. Parang nakaramdam ako ng inggit sa isang pamilyang masayang nagtipon-tipon at nagkaroon ng Christmas Party sa kanilang front yard.
"Babalik na ako sa aking tahanan." Ayon nalang ang lumabas sa bibig ko.
"Sigurado ka na ba dyan? Pa'no pag-aatake na naman ang sakit mo?" Ramdam ko ang pag-alala sa 'kin ni Alvin, kaya nilingon ko siya. "Ayos na ako. Ilang araw na rin akong nasa mapayapa, dahil wala ng gumugulo sa isip ko." Sinubukan kong ngumiti para mapakitang mabuti na ang kalagayan ko.
"And beside, hindi na ako natatakot sa sakit na 'to. Hindi titigil ang mundo ko nang dahil lang dito." Kalmadong tugon ko.
Dahan-dahan na lumapit sa 'kin si Alvin at ginulo niya ang mga buhok ko. "Proud na proud talaga ako sa kaibigan ko...ang grabe ng pinagdaanan mo, pero nanatili kang matibay. Saludo talaga ako sa 'yo lods!" Abot tenga ang ngiti niya sa 'kin at natawa nalang ako sa ingay niya.
Pagdating ng tanghali ay naligo na ako. Pagtapos ay nagbihis at kinuha ko ang bag ko na may laman ng kunting gamit na dala ko. Pagtapos ko ayosin ang kwarto na tinutulogan ko ay tsaka ako lumabas at bumaba ng hagdan.
Nakita kong nag-uusap si Alvin at ng Mama niya. Lumapit ako sa kanila kaya napalingon sila. "Tita Mal, alis na po ako." Pagpa-alam ko sa Mama ni Alvin. "Sigurado ka bang aalis ka na? Ayaw mo na ba dito?" Parang nagtatampo ito.
"Naku hindi po sa ganon Tita...ayaw ko lang po kayo maabala." Napabuntong hininga ako. "At siguro panahon na rin po, para asikasohin ang dapat kong asikasohin para sa sarili ko. It's time to be a strong independent man now." Ngumiti ako.
Hinawakan ni Tita ang braso ko. "Kung ganon, i-rerespeto namin ang decision mo." Agad niya akong niyakap. "Basta huwag mong kalimutan magpunta dito ah. Lagi kang welcome dito sa bahay." Napangiti ako habang kayakap siya. "Opo Tita," sagot ko.
Lumapit ako kay Alvin at agad namin niyakap ang isa't isa. "Thank you, lods." Sabi ko. "Good luck sa tatahakin mo, lods." Tugon niya at napangiti naman ako, pero si Tita Mal ay parang naluluha na habang nakatingin sa amin dalawa.
Sumakay na ako sa kotse ko at kumaway pa ako sa kanila bago ako tuloyang umalis. Hindi nabubura ang ngiti sa labi ko, dahil ngayon ko lang ulit naramdaman ang tapang na dumadaloy sa katawan ko, tapang na harapin ang next chapter ng buhay ko.
Hindi nagtagal ay nakabalik na ako sa subdivision. Papalapit na ako sa bahay ko, pero napadahan ang pagmaniho ko nang may mapansin ako. May kotseng nakaparada sa labas ng bahay ko.
YOU ARE READING
Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1
RomanceHayaan mo muna akong lumayo sa 'yo. | As Tian and Haku are now officially partnered on a movie, the feelings goes deeper and love is slowly blooming. But will it last longer when something is coming to mess their mind and memories? Date Started: De...