Chapter 20

244 11 9
                                    


TIAN MARTELL

DAHANA-DAHAN nagmulat ang mga mata ko, ang sama ng pakiramdam ko sa katawan ko, ang sakit-sakit na parang binubog-bog ako. "ARGHH!!" Napasuka nalang ako ng maraming tubig.

Kahit nakakaramdam ako ng hilo ay dahan-dahan pa rin ako nag-angat ng tingin. Nakita ko ang mga buhangin sa harapan ko, mga nagtataasangl kahoy sa gilid-gilid, at isang malaking resort.

Kahit ang sama-sama ng pakiramdam ko, sa isip ko naman ay nagpapasalamat pa rin ako na ibinalik ako ng alon dito.

Dahan-dahan akong bumangon at pinipilit kong tumayo. Hindi pa ako nakatayo ng maayos ay pabagsak na ang katawan ko. Parang lumalaba ang paningin, pero pinipilit ko pa rin lumakad kahit na nanghihina ako.

Mayamaya ay parang pinaglalaroan ako ng aking isip, bigla-bigla nalang may kung ano-anong mukha ng mga tao ang dumadaan sa isip ko. Lalo pa akong nagugulohan nang makakarinig ako ng mga nagsasalita.

Pinilit kong lingonin ang paligid at wala pa naman masyadong tao dito. Lalong lumalakas ang mga naririnig ko sa isip na halos nagsisigawan na.


"BURN THAT HOUSE NOW!!"

"NO! MAAWA KAYO, MAY MGA PINAG-SAMAHAN NAMAN TAYO 'DI BA!!"

"SCREW YOU! HINDI AKO MAGKAKAGUSTO SA 'YO!"


Nagugulohan na ako sa halo-halong boses na naririnig ko. Lalo pang lumalala, kaya napapahawak na ako sa ulo. "TAMAA NAA!! TIGILAN NIYO NA AAAKKOO!!!" Napasigaw na ako sa galit ko.

Natigil naman ang ingay sa isip ko at dali-dali akong tumakbo, pero dahil nanghihina pa rin ang katawan ko ay bumagsak ako sa buhangin. Napansin kong parang may nakatayo sa gilid ko, dahan-dahan akong lumingon at nakita ko ang isang bata na basang-basa.

"B-Bata, tulongan mo naman ako..." pagmamakaawa ko habang pilit kong inaabot ang kamay ko.

"Mom, Dad, mabubuhay ba ako ng matagal? Magiging doctor pa kaya ako balang araw?"

Nagulat ako sa sinabi ng bata, hahawakan ko sana siya nang bigla siyang nawala. Nanginig ako sa sobrang takot, at dali-dali na akong tumayo para makaalis dito. "Hindi, hindi totoo ang mga ito..." pinipilit ko pa rin palakasin ang loob ko kahit takot na takot na ako.


Lumakad ako, pero napahinto naman ako nang makita ko ulit ang bata, nakatayo siya sa malayo at tinitignan ako. "Magiging doctor ako! Gagamotin ko ang sarili ko!" Paulit-ulit niyang sinasabi ito.

Iniwasan ko siya ng tingin. Pero kahit saan na ako tumingin ngayon ay lagi kong nakikita ang mukha niya at paulit-ulit niyang binabanggit ang pagiging doctor.

"MAGIGING DOCTOR AKO! GAGAMOTIN KO ANG SARILI KO! MAGIGING DOCTOR AKO! GAGAMOTIN KO ANG SARILI KO! MAGHAHANAP AKO NG GAMOT, AT MABUBUHAY AKO NG MATAGAL!"

Napahawak na ako ng ulo. "PUTANGINA, TIGILAN MO NA AKO!" Napasigaw ako habang pikit ang mga mata ko.


May biglang humawak sa kamay ko kaya natigilan ako at agad akong napalingon. "Ayos lang po ba kayo?" Mahinahon nitong tanong, sinubukan kong tignan siya ng maayos at nanlaki ang mga mata ko nang makitang isa itong doctor dahil sa suot nitong uniform.

Napapaatras ako sa takot. Bigla akong nakabangga. "S-Sorry..." pagkatingin ko sa nabangga ko ay isa na naman itong doctor na parang nag-alala pa nakatingin sa 'kin. "Idol Tian, okay lang ba kayo?" Tanong nito.

Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now