Chapter 14

220 16 0
                                    


BLUE NATIVIDAD

TODAY is weekend, kaya masaya ako dahil walang pasok, hindi ko kailangan magbukas ng laptop para mag online class. May ngiti sa labi ko habang papunta ako sa cr para maghilamos.

Kakagising ko lang pero good vibes na ako, dahil hindi pa rin mawawala sa isip ko 'yong mga bonding namin ni Red. Kaya habang nag to-toothbrush ay napapakanta pa ako.

Pagkatapos ko maghilamos ay lumabas na ako ng cr at nagbihis ng polo shirt at short, naka pajama lang kasi kanina. Lalabas na sana ako ng kwarto pero biglang nag ring ang cellphone ko sa kama, kaya kinuha ko ito at ngayon lang natawag sa 'kin ang number na 'to.

Baka may sadya ito kaya sinagot ko nalang. "Yes, hello po?" Sagot ko sa tawag.

"Ahm, Blue, si Manang Rose ito. Nakuha ko lang number mo sa phone ni Sir Red." Sa tuno ng boses ni Manang ay halatang may problema.

"Manang kayo po pala, ba't po kayo napatawag? Kumusta po kayo ni Red?" Tanong ko.

"Okay naman ako. Pero si Red, nilalagnat siya ngayon. Pinapag-pahinga ko siya, pero sobrang init pa rin niya. Lagi niyang bukang-bibig ang pangalan mo kahit na tulog siya." Halata ang labis na pag-alala ni Manang. "So I was thinking, baka pwede kang pumunta dito. Blue, kailangan ka ni Red."


Nang sabihin 'yon ni Manang Rose ay wala na akong pinalampas pa na oras. Agad kong pinatay ang tawag at dali-dali lumabas ng kwarto. Mabilis akong bumaba ng hagdan at nakita kong nasa hapag-kainan na sina Mama at Papa.

"Blue, buti naman at gising ka na, ipapatawag pa sana kita kay Yaya Beng..." sabi ni Papa.

"Pa, pwede ko bang hiramin 'yong isa mong kotse?" Agad akong nagtanong kaya parang nagulat si Papa dahil halatang nagmamadali ako. Pero agad din niyang itinapon papunta sa akin ang susi at nasalo ko naman 'to. "Ingat sa pag drive."

"Thank you Pa..." dali-dali na akong lumakad palabas ng bahay, pero biglang nagsalita si Mama. "Balik ka agad. Pupunta pa tayo sa Lola mo." Natigilan ako nang sabihin 'yon ni Mama.

Shit, nakalimutan kong may lakad pala kami ngayon.

Hindi na ako lumingon at dahan-dahan nalang tumango. "O-Opo, babalik po ako agad." Dali-dali na akong lumabas ng bahay at pumasok na ako sa isang kotse ni Papa na hindi na niya masyadong ginagamit dahil hindi naman ito kasing laki tulad ng bago niyang bili na kotse.

Agad na akong nagmahino at umalis na sa bahay. Habang nagmamaniho ay puno pa rin ako ng pag-alala kakaisip kay Red. "Red, papunta na ako. Hintayin mo lang ako." Paulit-ulit ko itong sinasabi.


Hindi rin nagtagal ay dumating na ako sa bahay nina Red. Pinagbuksan ako ng gate ni Manang Rose at pinark ko dito sa malawak nilang garden ang kotse. Agad akong bumaba ng kotse at dali-dali ng pumasok sa bahay nila.

Nakasunod naman sa likod ko si Manang Rose at si Max. Umakyat kami ngayon sa hagdan dahil nasa second floor pa ang kwarto ni Red. Si Manang Rose na ang nagbukas sa pinto at para akong nanghihina nang makita ko si Red.

Halos nasasaktan ako sa kalagayan niya. Balot na balot ng kumot ang buo niyang katawan pero nanginginig pa rin siya. Dry na dry ang lips niya at magulo ang mga buhok.

"Pina-inom niyo na po ba siya ng gamot?" Tanong ko. "Oo. Pero bumabalik pa rin sa taas ang init niya." Sagot ni Manang Rose. "Manang, pasuyo nalang po ako ng maaligamgam na tubig at labakara. Thank you po." Agad naman niya ako sinunod.

Dahan-dahan akong lumapit kay Red, at gustohin ko man siya hawakan pero ayaw ko munang ma-disturb ang pahinga niya. Kaya hanggang tingin nalang ako sa kanya ngayon.

Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now