Chapter 17

254 17 3
                                    


TIAN MARTELL

NAKAUPO ako sa may sofa at nag-aabang sa pagdating ni Haku. Kanina pa 'tong last message niya na on the way na siya, kaya malamang ay nasa malapit na siya ngayon. At mayamaya lang ay narinig ko ang bosena ng sasakyan sa labas.

Dali-dali akong tumayo at sumilip ako sa bintana. "Siya na nga..." lumabas na ako at pinagbuksan ko siya ng gate para mai-parking niya ang sasakyan sa loob.

Pumasok na kami at hinubad niya ang jacket niya at inilagay ito sa sofa. "Ano ba ang mahalang bagay na 'yan at kailangan ko pang magpunta dito?" Tanong niya at huminga muna ako ng malalim bago siya sinagot.

"Ang sabi ni Direk, kailangan daw kitang gawan ng Instagram account o kahit anong social media account." Tugon ko at nagulat nga siya tulad ng inasahan ko. "What?! No, ayaw ko!" Pagtanggi niya. "Pasensya na, napag-utosan lang." Sagot ko.

Magsasalita pa sana siya pero agad ko siya inunahan. "It's for our movie. And as an actors, we need to do our part to promote our movie. So, sa ayaw at sa gusto mo, kailangan natin gawin, malawak ang internet kaya siguradong maraming makakaalam sa existence ng
movie na 'to." Saad ko.

"But—" agad ko tinakpan ang bibig niya. "Shhhss—our first movie together is coming. At aminin na natin, mas marami kang fans kaysa sa 'kin, tanggap ko na 'yon. Kaya isang post mo lang 'yan, paniguradong pupukaw sa attention ng lahat." Dahan-dahan ko inilapit ang mukha ko sa kanya. "Sige na, please..."

Halos nagpapa-cute na ako sa kanya at naging worth it naman ng dahan-dahan siyang tumango. "Okay." Simpleng sagot at napangiti ako.


Lumapit ako sa lamisa. "But before that, ibabalik na natin sa dati ang mga buhok mo." Pinakita ko sa kanya ang mga panghalo para sa hair color. "Nakakasawa na kasi 'yang brown, mas bagay pa rin sa 'yo black." Dagdag ko.

Tango lang siya nang tango. "Okay. Just do what ever you want from me." Kalmadong sagot niya.

Hinawakan ko siya at dali-dali ko siyang dinala sa shower room. Habang hinahalo ko sa bowl ang hair color ay dahan-dahan naman niya hinubad ang damit niya para hindi madumihan. Ipina-harap ko siya sa 'kin at dahan-dahan ko na nilagyan ng color ang makapal at silky niyang buhok.

"Gustong-gusto ko talaga hawakan ang mga buhok mo Tol, ang perfect eh." Sabi ko. "Mas perfect ang buhok ko sa ibaba." Tugon niya at napa-isip ako. "Huh?" Late ko na na-realized kaya nanlaki mga mata ko. "Tanginamo, ang bastos mo talaga..." kinurot ko ang braso niya pero natawa lang siya.

Nanatili kami sa loob ng shower room for 15 minutes. Kinukuhanan ko siya ng pictures at expression less lang siyang nakatingin sa camera. "Ang cute mo dito..." sabay tawa ko.

"Isa pa. Smile ka naman dyan. For document 'to, para hindi ko 'to makalimutan." Nang sabihin ko 'yon ay tsaka pa niya sinubukan ngumiti.

Pagtapos ng 15 minutes ay tsaka ko na binanlawan ang buhok niya. Nang matapos na ay pinaharap ko siya sa salamin, at naging abot tenga ang ngiti ko. "Ayan...'yan ang perfectly hot! Bumalik na ang lakas ng charisma mo!" Napapalakpak ako na parang bata, habang siya naman ay tahimik lang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.

Inayos ko ang messy niyang mga buhok bago ako kukuha ng picture sa harap ng salamin habang katabi siya, ngumiti ako at saktong paglingon niya sa 'kin ay na-captured ko na.


Magkasama kami ngayon sa loob ng kwarto ko, habang nakaupo ako sa kama ay nakasandal naman siya sa gilid. "Gagawan na kita ng Instagram account. Basic lang naman gamitin ang Instagram, hindi tulad ng X na dating Twitter, nagugulohan ako minsan sa system nila." Wika ko.

Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now