Chapter 8

315 19 0
                                    


TIAN MARTELL

MAGKASAMA kaming naglalakad ni Haku dito sa tabing dagat. "Walking in the coastline while talking some serious things", ayon ang nakalagay sa script ng scene kaya ginawa naman namin.

Umagang-umaga kaya mahangin at medyo malamig pa ang bawat simoy ng hangin na gumagala sa paligid. Tahimik ang buong paligid at tanging mga ibong umaawit lang ang maririnig. Tahimik ang buong crew habang nakatingin sa amin.

Nakasunod ang mga cameraman sa bawat hakbang namin. Habang nakatingin ako kay Haku ay hindi ko maiwasang isipin na sobrang nakakahanga siya, hindi madaling mag adjust mula sa private niyang buhay hanggang sa showbiz life na lahat ng camera nakatingin sa kanya.

Pero ito siya, nakayanan niya at mukhang comfortable siyang tignan kasama ako. Humahanga man ako sa kanya ngayon pero pinipigilan kong mapangiti dahil napaka-seryoso ng eksina naming ito kaya bawal ang ngumiti.

Papalapit na kami sa light house kung saan gaganapin ang matinding eksina ngayon. Habang patuloy kami sa paglakad dito sa tabing dagat ay nakatingin naman ako sa light house. Gaya ng pangkaraniwang light house ay painted ito into all white at nakatayo ito sa tuktok ng lupa na nasa gilid-gilid ng dalampasigang ito.

Mula dito sa ibaba ay nakatingala ako sa napakataas na light house. Aakyatin namin 'yon hanggang sa tuktok, kaya sana hindi ako mapagod lalo na medyo madali akong mahingal sa mga matataas na akyatan.


Nilakad na namin ni Haku itong lupang nagsilbing hakdan papunta sa light house. Pagkarating namin sa taas ay huminto muna kami at tinitignan namin ang paligid ng light house habang sinasabi ni Haku ang mga script niya patungkol sa light house.

"This light house is owned by my lolo. He died, long time ago. Dito ako sa light house lumalagi kapag malungkot ako or kapag gusto ko mapag-isa."

Dahan-dahan siyang lumakad at binuksan niya ang kulay itim na pintoan. Nauna siyang pumasok at sumunod ako. Madilim at isang ilaw lang ang nakabukas. Medyo masikip dahil pa-circle lang ang space nito. At kanina pa nakatayo dito sa gilid si Direk Mike kasama ang isang cameraman.

Nauna na sila dito sa loob para ma-shot ang scene dito sa light house. Humakbang si Direk Mike at ang cameraman paakyat sa napakahabang hagdan habang kinukuhanan nila kaming nag-uusap ni Haku.

Dahan-dahan ng umakyat si Haku at nakasunod ako sa likod niya. Nagbibitaw pa rin ng kanyang linya si Haku habang pariho naming sinusubukan ang hindi tumingin sa camera.

Hindi nagtagal ay nakaabot din kami dito sa tuktok. Nakatayo kami sa balcony ng light house na ito at natatanaw namin mula dito sa itaas ang payapang karagatan. Dahan-dahan akong napapikit-mata at dinamdam ko ang malamig na hangin na humahaplos sa 'kin.

"You lost your parents right? On what cause?" Tanong ni Haku at dahan-dahan ko siyang nilingon. "March 5, on that night, nakita ko silang kinukuha ng mga itim na nilalang na hindi ko maipaliwanag, dinala sila ng mga ito sa kailaliman." Tuloyang pumatak ang mga luha ko habang winiwika ang aking script.

"I try to save them pero nabigo ako...dahil may kung anong bagay ang pumipigil sa 'kin, hindi nila ako hinayaang makagalaw..." I can't stop crying dahil ramdam ko ang character ko.


Bakas ang gulat sa mukha ni Haku at bigla siyang natahimik ni-hindi niya ako kayang tignan. "M-March 5...? I was on that night, and I saw everything..." nang sabihin niya ang linyang 'yon ay nagsimula ng magka-intense, kaya sandali akong natigilan.

"N-Nando'n ka...? At wala ka man lang ginawa...! Hinayaan mo lang na mangyari 'yon!" Nanginig ako sa galit pero dahan-dahan pa rin siyang lumapit sa 'kin. "I'm sorry...natakot ako..." paliwanag niya habang sinusubukan niyang kumalma.

Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now