HAKU MONTERIVER
DALI-DALI kong dinala si Tian sa may malapit na hospital. Natataranta na akong lumabas ng kotse at agad kong binuhat ang walang malay na si Tian. Dali-dali akong papasok sa loob ng hospital. "Nurse...nurse tulong naman dito..."tawag ko sa mga nurse at may lumapit naman sa 'kin na mga staff dito sa hospital.
Tinulongan nila akong ilagay si Tian sa patient bed, at nang may mga nurse at doctor na ay dali-dali namin itinakbo si Tian papunta sa emergency room. Kumakaba ng mabilis ang dibdib ko habang tinitignan ko ang mukha ni Tian.
"Hey cutie, I know na malakas ka...huwag kang susuko, kailangan mo maging okay..." sinasabi ko ito kay Tian kahit alam kong hindi niya ako naririnig.
After ma-confined ni Tian ay tsaka nalang ako naging kampanti nang maayos na siyang tignan ngayon, na parang payapa lang natutulog sa patient room niya. Habang nasa hallway ako ay kausap ko naman ang nurse.
"Sa ngayon maayos na po ang kalagayan ng pasyente. Wala naman po siyang malalang tinamo. Nagkaroon lang ng kunting problema sa digestive system niya. Upon checking, lasing po yata ang pasyente, at napasobra po siya." Tugon ng nurse.
"How about his mind—I mean his head, is there no complication?" Tanong ko, dahil nag-aalala pa rin ako sa takbo ng memorya niya after ko magtapat kanina.
"There's no such thing sa head parts ng patient. Everything looks normal naman po." Nakangiting sagot ng nurse. "Thank you, nurse." After ko magpasalamat ay umalis na rin ang nurse.
Pumasok ako at dahan-dahan kong hinawakan ang kamay ni Tian. "I'm sorry, nasaktan na naman kita. Tama ka nga, ako ang laging dahilan sa pagdudusa mo." Hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha ko, kahit pa ayaw ko na umiyak sa harapan niya.
"So I need to leave now. Para pag-gising mo, walang mananakit sa 'yo." Pinunasan ko ang mga luha ko, at dahan-dahan kong hinalikan ang kamay ni Tian bago ako umalis. "Paalam muna, Tian."
Bumalik ako sa bahay at nagkulong nalang sa kwarto. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung babalikan ko ba do'n sa hospital si Tian, o magpaka-duwag nalang dito sa sulok. But yeah, I should choice what's better for Tian. Dahil baka pagnakita lang niya ako, lala lang ang lahat.
Niyakap ko nalang ang pusa kong si Tiano, at naririnig ko pa ang mahinang tuno ng boses niya, siguro dahil ramdam niyang malungkot ako.
The next day. The nurse just updated me na may malay na si Tian at inilabas na rin ito ng mga kaibigan niya. Balak kong puntahan ngayon si Tian para personal na makausap siya. Pero kakababa ko palang ng hagdan ay hinarangan ako ni Uncle Vin.
"Uncle Vin, pupuntahan ko lang si Tian." Seryosong sabi ko. "Alam ko, do'n lang naman lagi ang punta mo. Kaya pipigilan kita ngayon, Master." Tugon niya.
"Seriously?! I'm the boss here!" Inis ko. "Exactly, Master. So pino-protektahan ko lang po kayo. Mainit pa ngayon ang ulo sa 'yo ni Tian at ng mga kaibigan niya. Masyadong magulo pa ang lahat. Gugulohin mo na naman ba!?"
Natigil ako nang sabihin niya 'yon. And I realized na tama siya, hindi dapat ako magpadala sa emotions ko, at masyadong maaga pa para sirain ko ang araw ni Tian. Kaya dahan-dahan nalang akong humakbang pabalik ng kwarto.
Natigil ako dito sa gitnang bahagi ng hagdan nang biglang nag ring ang phone ko sa bulsa. Pagkakita kong si Red ito ay sinagot ko, pero hindi muna ako nagsalita at hinintay siyang mauna.
YOU ARE READING
Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1
RomanceHayaan mo muna akong lumayo sa 'yo. | As Tian and Haku are now officially partnered on a movie, the feelings goes deeper and love is slowly blooming. But will it last longer when something is coming to mess their mind and memories? Date Started: De...