TIAN MARTELL
THE night after the Hearts City Film Awards ay dito pa rin sa bahay ko pinili ni Haku mag stay muna. Nagsi-uwian na ang mga kaibigan ko kaya kami nalang ni Haku ang naiwan dito.
May ngiti sa labi ko habang inilapag ko ang trophy ko dito sa itaas ng drawer na nandito sa sala. "Ang sarap makitang nadagdagan na naman ang awards ko." Sabi ko habang tinitignan ko ang mga trophy na naka-display dito.
Lumapit sa 'kin si Haku at biglang inabot niya ang isang trophy na hawak niya. "Ikaw na magtago nitong trophy nating dalawa, dahil baka mabasag lang 'to sa bahay ko. Alam ko pa naman kung gaano kahalaga sa 'yo ang mga 'to." Tugon niya.
"Sigurado ka? Eh award natin 'yan dalawa, kaya may karapatan ka din dyan." Saad ko.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko at siya na mismo ang naglagay ng trophy sa kamay ko. "Just kept it, please. And I want you to watch it for me, para hindi mo ako makalimutan." Seryoso ang mukha niya kaya hindi ko masabing nagbibiro lang siya sa sinabi niya.
Napalunok ako. "B-Bakit, aalis ka ba?" Hindi ko maipaliwanag, pero parang nakaramdam ako ng kaba.
"Hindi natin alam ang takbo ng panahon. Baka may biglang mangyari na hindi natin inasahan." Dahan-dahan niyang hinahaplos ang mga buhok. "Ayaw kong matulad sa iba na nakalimutan mo na. I'm scared to lose you. I'm scared that we might lose each other." He tired to smile.
"Pero what if hindi sapat 'to para maalala kita?" Tanong ko at natahimik siya. "Kaya please, huwag ka nalang lumayo nang matagal." Tugon ko at tumango naman siya.
Isinali ko ang trophy namin ng Best Couple dito sa mga naka-display kong awards. Dahan-dahan siyang lumakad papunta sa pinto. "Tian, alis na ko." Saad niya at tumango lang ako.
Pero sa nakikita ko ngayon ay parang nagdadalawang isip siyang buksan ang pinto. Muli niya akong nilingon. "Can I ask you something?" Diretsong tanong niya. "S-Sige," nautal kong sagot.
"Do you like me?"
Natigilan ako sa sinabi niya, para akong naninigas at hindi makagalaw. "P-Pinagsasabi mo?" Ayon nalang ang lumabas sa bibig ko.
"Answer me—do you like me?" Bumibilis siya sa pagsalita. "No!" Maging ako ay nagulat sa pagtaas ng boses ko, dala lang siguro ng pagka-pressure.
"Then why the fuck you holding my hands? You hug me so tight in front of the people? You've been so sweet to me? You even just stared at my eyes when I wanted to kiss you." Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko. "What was that all mean, huh?!"
Napapangiwi ako sa higpit ng hawak niya. "Bitawan mo nga ako, nasasaktan ako..." pero lalo lang lumalalim ang titig niya sa 'kin. "Bakit ba ang manhid-manhid mo Tian?! Ako naman 'tong si gago na laging nag-aassume sa bawat pinapakita mo sa 'kin!"
Nagbigay ako ng lakas at puno ng galit kong inalis ang mga kamay niya. "Tol, ano bang pumasok sa isip mo?! Nabalyo ka na yata! Hindi kita gusto, at hindi ako magkakagusto sa 'yo! Malabo 'yon mangyari dahil pariho tayong lalaki! Kung naging babae ka lang sana, hindi tayo magkaka-problema!"
Natahimik siya at para bang nawala 'yong tapang niya. "Then just answer my fucking question. Anong ibig sabihin ng mga pinapakita mo sa 'kin?" Sinusubukan niyang kumalma.
"Walang ibig sabihin 'yon, dahil trabaho lang 'yon. Tol, dito sa showbiz industry, walang personalan, trabaho lang." Diin kong pagkasabi.
Napayuko siya ng ulo at parang tuloyan nga siya nanghina. Nagkaroon ng katahimikan sa loob ng bahay at halos hindi namin magawang tignan ang isa't isa. Dahan-dahan na siyang lumapit sa pinto, at nang bubuksan na niya ito ay dahan-dahan niya akong nilingon.
YOU ARE READING
Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1
RomanceHayaan mo muna akong lumayo sa 'yo. | As Tian and Haku are now officially partnered on a movie, the feelings goes deeper and love is slowly blooming. But will it last longer when something is coming to mess their mind and memories? Date Started: De...