BLUE NATIVIDAD
I still can't sleep, kakaisip sa mga nakakakilig na nangyari sa amin ni Red kanina. First time ko magpunta sa bahay niya and I felt very welcome. Sayang lang wala do'n ang parents niya, para mapakilala niya ako sa kanila.
"Shut up Blue, hindi ka naman niya jowa para ipakilala ka sa parents niya, kapal naman ng mukha mo mag delulu..." bulong ko sa sarili.
"Pero at least nando'n si Max, na parang anak na namin..." bulong ko ulit. "Accckkkk...kinikilig pa rin akooo!!" Napasigaw na nga ako.
Kung kanina kinu-kontra ko pa ang sarili ko, ngayon naman tumitingin pa rin ako sa positive side para lang kiligin. And that is our mother and father and son bonding kanina.
Actually hindi ko akalaing mangyayari 'yon. Ilang araw lang kaming magkasama pero parang naging comfortable na kami kanina. I still remember nong bumagsak kami sa lupa at nakapatong ang buo kong katawan sa kanya.
It's not the first time na nangyari sa amin 'yon, dahil nong una ay kasama pa namin sina Tian at Haku. Nagtama pa nga ang mga labi namin no'n. Hindi man kami nagkahalikan kanina, pero habang nagkatitigan ang aming mga mata ay parang nakikita ko na ang sarili kong kasama siya sa altar at ikakasal kami.
Weird, but I saw it on my mind habang nakapatong ako sa kanya.
Pagkatapos namin paligoan si Max at nagbabasaan ng tubig ay dinala niya ako sa kwarto niya. "Wow, sobrang aesthetic ng kwarto mo..." paghangang sabi ko dahil ganitong klase ng kwarto talaga ang hilig ko, minimalist lang ang bawat designs, mula sa kurtina at mga kumot niya ay plain colors lang.
Hindi ko namalayang pumasok na pala siya sa comfort room. Ang akala ko ay babanyo lang siya, pero parang naligo na pala siya dahil narinig ko pa ang buhos ng tubig. Mayamaya ay narinig ko siyang magsalita.
"A-Ahm, Blue, p-pwede pasayo ako...? Pasuyo naman ako ng towel, nakalimutan ko kasi..." sabay tawa niya na parang nahihiya siya. Napalunok ako dahil hindi ko alam anong gagawin ko, hindi pa ako ready makita siyang nakahubad.
"S-San nakalagay?" Kabadong tanong ko habang nakatalikod mula sa cr dahil narinig kong binuksan niya ang pinto ng cr. "Nasa drawer." Sagot niya at dahan-dahan na akong lumakad papunta sa malaking drawer niya na nasa gilid.
Kinuha ko mula sa drawer ang black niyang towel na naka-hanger. Dahan-dahan na akong lumakad papunta sa cr pero paatras ang lakad ko kaya narinig ko pa siyang tinatawanan ako. Pagkarating ko sa cr ay nakatalikod pa rin ako habang dahan-dahan na inabot sa kanya ang towel.
"Come on Blue, try to face me." Parang natawang sabi niya. "No, cannot be, carry one! Jusko hindi pa ako ready para dito..." kabadong-kabado ako. "Wala namang mawawala eh kung makikita mo akong nakahubad." Sagot niya.
I have no choice kundi dahan-dahan nalang akong humarap ngayon, pero nakapikit ang mga mata ko. "Your towel," muli kong inabot sa kanya ang towel habang tinatakpan ng isa kong kamay ang mga mata ko.
"Thank you, Blue." Pasalamat niya at kinuha na niya ang towel tsaka ginamit.
"Ayos na. Pwede mo na idilat ang mga mata mo." Sabi niya, kaya dahan-dahan ko na inimulat ang mga mata ko at nakita ko nga siyang nakatakip na ng towel ang ibabang katawan, tsaka pa ako nakahinga ng maluwag. "Hays, thank you naman."
"Ba't parang kabadong-kabado ka makita akong nakahubad?" Natawang tanong niya. "Wala lang. It's just, may tamang time para dito." Sabi ko.
"At ang time na 'yon ay kung kailan ikakasal na tayo, yiee..." laman ng isip ko.
YOU ARE READING
Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1
RomanceHayaan mo muna akong lumayo sa 'yo. | As Tian and Haku are now officially partnered on a movie, the feelings goes deeper and love is slowly blooming. But will it last longer when something is coming to mess their mind and memories? Date Started: De...