7th Anniversary Special: Bonus Scenes

471 14 14
                                    


As celebration to my 7th Anniversary as a writer, I represent you the bonus scenes from Make You Mine Season 2. I'm dying sa kilig habang isulat ito last month at inihanda ko talaga para sa araw na ito. And it's all yours now. 


BONUS SCENE 1

TIAN MARTELL

NASA labas ako ng bahay ni Haku bitbit ang isang malaking box na naglalaman ng iba't ibang Christmas decorations. Pinindot ko ang door bell at nakadalawang ulit din ako sa pag pindot.

Bumukas ang gate at bumungad sa 'kin si Haku na mukhang inaantok pa. Ngumiti ako. "Advanced Merry Christmas!" Pagbati ko sa kanya.

Napahikab siya. "Merry Christmas." He great me back. "Ano 'yang dala mo?" Pumukaw sa attention niya ang hawak-hawak kong box.

"Oh, it's a Christmas decorations." Sagot ko at agad niyang kinuha sa 'kin ang box. "Ako na magdala." He insists na buhatin ang box. "Awww, napaka gentleman mo naman tol," sabay tawa ko.

He then closed the gate at sinamahan niya ako papasok sa bahay niya. Patuloy kaming nag-uusap dito sa malawak nilang garden area. "Bakit antok na antok ka pa rin? Siguro hirap ka makatulog kagabi? Siguro iniisip mo pa rin ako 'no?" Nagpipigil akong tumawa.

"Lagi naman kitang naiisip eh."

Natigilan ako sa sinabi niya at sandaling natahimik ang paligid. Dahan-dahan ko siyang nilingon at sumakto pa na nilingon din niya ako kaya nagtama ang aming tingin.

Napalunok ako at kumakaba ang aking dibdib. Dahil dito ay mas pinili kong umiwas ng tingin.


Pagkapasok namin sa bahay ay wala akong nakitang kahit anong designs. Parang hindi ko ma-feel na kapaskohan na. "Grabe ka naman, bakit hindi mo pa sinimulan mag design eh ilang araw nalang pasko na?" Kunot-noo akong nagtanong.

Nakita ko siyang umupo sa sofa after niya ilapag sa sahig ang box. Napabuntong hininga ako. "Hay naku. Ang sipag-sipag mo tumulong sa pag design ng bahay ko, tapos dito sa inyo tamad ka?!"

Sa kabila ng pag-iingay ko ay parang tinulogan lang niya ako. "Tsk." Dahan-dahan akong lumapit at narinig ko siyang humilik.

"Aba-aba, hindi pwede 'yan!" Agad kong hinawakan ang mga kamay niya. "Hali ka dito, tumulong ka. Pagandahin natin 'tong bahay mo. Lagyan natin ng lights." Pilit ko siyang hilain pero ang bigat-bigat niya, halatang ayaw niya umalis sa sofa.

"Hindi ko na kailangan ng lights. Dahil nandito ka na." Nakatitig sa 'kin ang mga mata niya.

Ilang oras din akong napa-isip sa sinabi niya. Pero hindi ko talaga ma-gets. "Huh? Anong connect?!" A confusion on my face.


Muli ko siyang hinila. "Hali na..." napalakas ang paghila ko at bigla pa siyang tumayo kaya tumapon kami at napunta sa kabilang sofa.

Napahiga ako sa sofa at dahil hawak-hawak ko si Haku ay naisama ko siya at nakapatong sa 'kin ang katawan niya. Magkadikit ang aming katawan at sobrang lapit ng mukha niya.

Muntik na kaming magkahalikan kaya dahan-dahan akong umiwas ng tingin. Unti-unti pang nanlaki ang mga mata ko nang may maramdaman ako. "T-Tol, 'yong titi mo, tumutusok sa titi ko..."

Dahan-dahan niyang inalis sa 'kin ang katawan niya at tumayo siya. Tumayo na rin ako at nilapag ko sa lamisa ang box. "Ikaw lang ba mag-isa dito?" Tanong ko.

"Kasama ko si Uncle Vin, matagal na siyang katiwala ng aming pamilya." Mahinahon na sagot niya. "Nasa'n siya?" Nilibot ko ang tingin sa loob ng bahay pero wala naman ako nakitang ibang tao.

Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now