Chapter 9

1.5K 71 8
                                    

Chapter 9


Tahimik lamang ako na nakaupo sa tabi ni Ace habang tumatakbo ang sasakyan pabalik sa palasyo. deretso lamang itong nakatingin sa labas ng bintana samantala ako ay palingon-lingon sa kanya.

Hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kung bakit niya ako sinundo dun kasama ang napakaraming kawal. At napapansin ko din na nagiging malapit siya sakin. Hindi tulad sa mga ala-ala na binigay ni Eloise. Subrang layo ng mga pakikitungo niya. Bakit kaya?

"What!?" Malamig itong napalingon sakin nang mapansing kanina pako titig na titig sa kanya.

"Paano ka nakapunta dun?" tanong ko sa kanya. Kasi naman, personal talaga siya pumunta dun para sundoin ako diba.

"By this car." tamad na sagot niya na kinalaglag ng panga ko. Ang galing talaga kausap ng lalaking ito! Napasimangot ako. "Bakit ka pumunta dun?!" inis Kong tanong. Subokan niya pelosopohin tanong ko, talagang makakatikim tu sakin.

malamig naman ako nitong pinagmasdan at bahagya pa siyang napangisi na kinatulala ko. Did he really smile?!

"My wife need me." anito na kinapula at kina iwas ng tingin ko. Napatingin nalang ako sa bintana. Medyo tiklop ako dun.

Enebe nilalandi naman ako nitong Prinsepe nato e. Pasalamat talaga siya ang Gwapo niya. Hindi na lang ako nagsalita at hindi nadin siya nagsalita pa.

Nang makarating kami sa palasyo ay mabilis na gumawa ng linya ang mga kawal at binuksan ang pintuan ng sinasakyan namin. Lumabas naman ako agad ganon din ang Prinsepe... Lason kang Prinsepe ka dapat kitang iwasan....ehem.

"Eloise hija! Are you okay?! Nakarating sa palasyo ang balita sa nanyare sa Amusement park. I'm so nervous of what happened to you kaya inutosan ko si Ace na puntahan ka dun....Did someone hurt you?" Hindi ako makapagsalita ng biglang lumapit sakin ang Reyna at hinawakan ang balikat ko at ang pisngi ko.... Her eyes rolled All over my body.

Bakit ganito. Bakit naiiyak ako. Subrang sarap sa pakiramdam ang ganitong pag aalala. Pag alala ng isang ina na kahit kailan hindi ko pa naranasan kahit sa dating mundo ko.

"What the hell is that Yesenia! Hindi ka nag iingat, ang tanga mo! Kasalan mo yan kung bakit ka nasugatan... Gamutin mo yang sugat mo baka hindi ako makatiis dagdaggan ko yan!"

"Yesenia! Ang ingay ng iyak mo! Isturbo ka masyado sa ginagawa ko. Ang liit ng gasgas mo iniiyakan mo. Wag moko artehan! Umalis ka sa harap ko!

Ang mga salitang iyan... Ang laging naririnig ko kapag may nanyarare saking masama.... They don't care about me. Wala silang pakealam kung isang araw mawawala ako. All my life hindi ko naranasan ang maramdaman ang pagmamahal at pag-alala ng isang magulang. Lumaki akong baon lahat ng masasakit na salitang iyon.

Hindi ko alam na tumulo na pala ang mga luha ko sa harap ng Reyna dahilan para mag alala siya sakin. Ang sarap sa pakiramdam pag may taong nag aalala sayo.... Pag alala ng isang ina.

"Omo... Hija why are you crying may masakit ba sayo? Ihanda niyo ako ng tubig." Itos nito sa mga taohan na agad naman sinunod.

Nahihiya ako dahil ngayon ko lang ulit naranasan ang umiyak. Naalala ko nun ang huling iyak ko. Which is I was 18 years old. It's a special day for me.... To dance my father and to to be greet by my mother....pero hindi sila sumulpot. Simula ng araw na yun. Pinangako ko sa sarili kong hindi na ako iiyak. Pinangako ko sa sarili na magiging malakas ako....at kalimutan ko ang salitang takot.... Iyak, pagmamahal, mahihina para sakin.

Pero ito ako umiiyak sa harap ng Reyna... Nagiging mahina ako sa harap niya.... Sa harap ng Prinsepe kung saan nasa tabi ko lang.....nakatitig sakin.

Dinala nila ako sa loob ng Palasyo at pinaupo sa sufa. Katabi naman ako ng Reyna habang hawak ako nito sa likod. Pinainom na din nila ako ng tubig. Ang Prinsepe naman ay ayun pumunta sa sariling mundo niya.

Reincarnated As an Unica Hija Of Genovese Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon