Simula
Patak ng ulan ang naririnig sa paligid kasabay nito ang pagtulo ng dugo sa hawak kong katana. Basang basa nako ng ulan habang malamig na nakatitig sa dalawang bangkay na wala ng buhay.... Ang kaninang dugo na kumakalat sa kanilang katawan ay unti unti ng nahahaluan ng tubig ulan.
Mga mahihina!
Hindi man lang ako nahirapan patayin sila... Wala man lang thrill!? Maging ang mga gwardiya na bantay nila ay hindi man lang ako nahirapan.... Mga walang kwenta!
Agad akong napalingon sa cellphone ko na nasa loob lang na suot kong coat na bigla itong tumunog kaya agad ko itong sinagot sa malamig na boses.
"Oh?!" Bungad ko dito. Rinig ko naman kung paano huminga ng malalim ang nasa kabilang linya...Bago ito sumagot na kinataas ng kilay ko.
"Our enemies are here in our fortress... we are trapped. They sent you there so they can rush here... come here Yes we need you. Here~" agad ko pinutol ang tawag at tumalikod sa kaharap kong mga bangkay.
Nagkamali sila kung iniisip nilang maiisahan nila ako.... Bago pa nila ako dalhin dito ay nakahanda na ako... Hindi nila alam na napag isipan ko na ito ng mabuti.
I smiled devilishly as I started the motorcycle going to the fort I came from.
Hindi ako magiging si Yesenia kung hindi ako handa sa ano mang bagay. Kahit kamatayan pa ito.
Nang makarating ako sa kuta ay nakita ko kung paano na nagkakagulo sa loob at kung paano ang mga kasama ko ay nakahandusay at wala ng malay. Napapailing na lamang ako dahil sa nadatnan. Kinuwa ko ang katana na ginamit ko kanina sa pagpatay at naglakad papasok.... Madilim ang paligid at tanging kidlat ang minsan na nagbibigay ilaw. Lakas ng ulan at ingay ng putok ng baril ang naririnig sa paligid.... Nasanay na ang mata ko sa dilim kaya hindi na ako nahihirapan pa. All black ang suot ko kaya hindi agad ako napansin ng isang lalaki ng lumapit ito sa gawi ko.
Agad ko sinipa ang panga niya at umikot para apakan ang likod dahilan upang mapasigaw siya ng malakas. Agad din ito nakaagaw ng attention ng kanyang mga kasama kaya narinig ko agad ang kaluskos na papapunta sa gawi ko.
"Welcome to hell!" Malamig na saad ko sa lalaking sumisigaw at agad ko pinutol ang ulo niya gamit ang katanang hawak ko.
Maingay talaga kapag mahihina!
Agad akong tumalon sa pader ng papalapit na ang mga kaluskos at para akong gagamba sa position ko ng kumapit ako ng maigi sa Pader. Ilang beses kona ito pinractice hanggang sa nakuwa kona... Umakyat ako hanggang sa umabot ako sa pinaka gilid ng kesame at pader. Ng makita ko na silang nakarating sa pwesto ko ay agad ako napangisi.
Sampo. Sampo silang dumating. Hindi nila ako napansin na nasa itaas lamang nila pero sabagay madilim naman kasi.
"Fuck!" Mura ng isa ng makitang wala ng ulo ang kasama nila.
Don't worry boy isusunod kita kung naiinggit ka sa kasama mo!
"What kind of person did that to him?!" Boses ng babae na nababakasan ang takot sa boses.
Hindi ako tao! Dahil inaamin ko na isa akong demonyo.... Walang tao ang kayang pumatay nang maraming tao!
Naka focus lamang sila sa kasama nilang wala ng ulo ang iba ay umiiyak na lalo na yung babae. Kaya hindi nila napansin ang pagtalon ko sa likoran nila.
Tahimik lamang akong nanonood at naaliw sa iyak nila.
Ang sarap sa pandinig ang iyak ng iba.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As an Unica Hija Of Genovese
Mystery / ThrillerYesenia Lai Ruiz is an assassin who does not fear death. Love and trust are not in her vocabulary because this thing is only for people with weak faith. She has everything... rich family, smart, beautiful, talented. But the only thing she doesn't ha...