Chapter 6
(A/N: medyo boring ba ang chapter? Lem'me make a twist nalang para hindi kayo maboring.. huhuhu.... Medyo ang bagal nang pag move ng story sorry guys..)
"BITAW!"
Ramdam ko talaga ang biglang panlalamig ng katawan ko ng marinig ang boses ni Ace na wala man lang emosyon na pinapakita habang kaharap si Hayes.
Ano ba nanyayare? Galit ba ito? Bakit kasi ang seryuso ng mukha niya? Hindi ko tuloy alam kung Galit ba siya o masaya o baka naman nagseselos?
'Asa ka naman Yesenia? Ang Prinsepe na yan nagseselos? E halos talikuran na nga niyan si Eloise e. Si Eloise may gusto diyan malabo yang selos na sinasabi mo!'
"Woah, ito na bibitaw na." Binitawan nga ako ni Hayes sabay inangat nito ang dalawang kamay na wari sumusuko.
"Sumama ka sakin!"
Malamig na itong nakatitig sakin ng makatayo na ako ng maayos. Nagtataka naman ako kung ako ba kausap nito pero sakin naman siya na katitig baka ako kausap niya talaga!
'Pero malay mo Yesenia hindi pala ikaw at assuming kalang.'
Tinitigan ko muna siya ng nakakunot ang noo sabay turo sa sarili ko.
"Ako ba?!"
Pero sa halip na sagutin niya ako ay tumalikod siya. Aba ang bastos naman ng Prinsepe na ito. Hindi ba siya tinuroan ng magandang asal?! Isa siyang Prinsepe kaya dapat alam niya kung paano gumalaw na naaayon sa kataohan niya!
"Sumunod kana sa kanya Young Lady." Napanganga ako ng nasalikod ko lang pala si Hayes. Ngumiti ito sakin at kumaway ng magsimula itong maglakad papalayo.
So ako pala ang susunod sa kanya? Hindi naman kasi sinabi ang pangalan ko. Malay koba na pinsan niya ang sinabihan niya diba. Ayaw ko din mag isip na ako pala yun.
Hindi nako masyado nag reklamo sa isip ko at sinundan ko nalang siya. Paano naman hindi e tumigil siya sa paglalakad at sinamaan ako ng malalamig niyang titig.
Pake explain nga ulit kung paano ito nagustohan ni Eloise!
"Saan ba tayo pupunta? At bakit moko gusto sumama sayo?!!" Kuryoso Kong tanong ng makalapit nako sa kanya... Naka suot siya ng pang Prinsepeng damit at as usual naka Gloves na naman siya na itim at may logo pa na may nakalagay na Farrell.
Marami ang nakatitig sa amin habang naglalakad kami ang iba naman ay nagbubulongan pero pinasawalang bahala ko nalang. Kailangan ko ng sagot galing sa taong Yelo na'to.
Pero imbes na sagutin ako ay hindi niya ako pinansin. Umay na lalaki ito! Napasimangot nalang ako at inirapan siya ng sagad.
Wala naman mangyare na masama kung susundan ko siya at kaya ko naman ipagtatanggol ang sarili kapag may susugod sakin.
Nagtaka ako ng lumiko kami at may binuksan siyang pintuan.
Nang buksan niya ito ay may tatlong tao ang nasa loob nakaupo sa sufa at nag uusap. Natigilan lang sila ng buksan ni Taong yelo nato ang pintuan.
"Pagbati sa kagalang galang na Prinsepe ng Farrell Palace." Bati sa kanya ni Lord Eros ng tumayo ito at yumuko. Nagtama ang mga mata namin ng muli nitong mag angat sa pagkakayuko.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As an Unica Hija Of Genovese
Mystery / ThrillerYesenia Lai Ruiz is an assassin who does not fear death. Love and trust are not in her vocabulary because this thing is only for people with weak faith. She has everything... rich family, smart, beautiful, talented. But the only thing she doesn't ha...