Chapter 16

1.4K 57 11
                                    

Chapter 16

Hindi ko maiwasan ang hindi makiramdam sa paligid dahil naririnig ko na ang iba sa mga kasamahan ko ang sigawan sa subrang takot. Gaya ng mga nasabi ko ay sa kagubatan na ito ay may tinanim na patibong ang mga criminal na susulongin namin para dakpin.

Pero mapapasanaol na lang talaga ako sa Prinsipe na kasama ko dahil parang wala lang siyang pakealam sa paligid niya. Malamig lamang itong naglalakad at paminsan naman ay tumitigil para pag aralan ang paligid kaya ginagaya ko na lamang siya.

"Tsk!" Inirapan ako nito ng makitang nakatingin ako sa Kanya. Ang taray ng kuya niyo mas maldita pa sakin.

"Hindi kaba nag aalala sa kasama natin?" Tanong ko sa kanya para lang may pag usapan kami....paraparaan nalang talaga ang gagawin natin.

"No." Diin na sabi nito dahilan para mapataas ako ng kilay. Edi siya na ang heartless.

Siguro kasi mag aalala lang siya kapag binalatan ko ng buhay ang Prinsesa ng Orienbo. Bakit kaya hindi ko gawin yun.

Hindi ko na lamang pinansin pa ang taong yelo niyo at tinuon na lamang ang sarili sa nilalakaran. Kaso may p*tanginang insekto ang bigla na lamang pumasok sa mata ko kaya hindi ko maiwasan ang mapahinto at mapapikit, inanitong insektong ito bakit sa mata ko pa!

"Watch out!" Rinig kong malakas na sigaw ni Ace pero huli na dahil bigla ko na lamang naramdaman ang malamig at matulis na bagay na tumama sa binti ko. Napakagat ako sa labi dahil sa hapdi pero tiniis ko iyon.

Mabilis akong tumalon at napamulat nang mata kahit mahapdi pa ito. Kasalanan talaga ito ng insekto.....ang sakit ng mata ko pati ba naman ang binti ko kainis!

Sunod-sunod ang mga pana na pasulong sa dereksyon ko mabuti nalang mabilis ang galaw ko at naiwasan ko ito. Kaso hindi lamang doon nagtatapos ang kambaryo ng buhay ko dahil sa pagtalon ko ay may natamaan akong maliit na tali at nakita ko na lamang ang isang malaking sensaw na papunta sa gawi ko kaya napamura nalang talaga ako ng malakas. Nang dahil sa insektong iyon naging kambaryo ang buhay ko!

Umikot ako para maiwasan ang ang sensaw kaso bigla naman bumalaga sa akin ang paparating na malaking bato kaya napapikit nalang ako at napamura sa sariling katangahan at sinisisi ang maliit na insekto na yun sana sa empyerno ilalagay ang animal na insektong iyon.

Napatalon ako sa gulat ng bigla akong hinila ng prinsepe at niyakap, nagpaikot ikot kami upang iwasan ang papasunod na mga tama sa amin para lamang kaming sumasayaw sa gitna ng gubat habang magkayakap.

Salute self naisayaw mo ang Prinsepe, take note nakayakap pa siya sayo.

'Talaga Yesenia? Nagawa mopang isipin yan sa gitna ng kapahamakan?!'

Hinila niya ako papalapit sa isang puno at doon nagtago. Ang mga malamig na mata nito at seryusong mukha ang nakaharap sa akin habang nakatago sa isang puno. Tinakpan nito ang labi ng hintuturo na pinapahiwatig sa akin na tumahimik at wag gagawa ng ingay...agad naman akong sumunod.

"Aba, masunirin ako sa Crush ko e! Ehemm"

Maya-maya lang ay nakariinig kami ng mga kaluskos at mga yapak ng paa na tumatakbo at lakad..
.
.
.
.

"Madami na kaming nahuli ang iba nakatakas pa. Dinala na namin sila sa kuta." Rinig namin sabi ng isang lalaki.

"Kung ganon ay sa tingin ko ay nagbabalak ang Hari natin na sulongin tayo!" Sagot naman ng kausap nung lalaki.

Nagkatinginan naman kami ng Prinsepe at sigurado akong iisa lang ang nasa isip namin ngayon.

Na, sa likod ng punong pinagtataguan namin ay ang mga criminal na dapat naming hulihin!

Reincarnated As an Unica Hija Of Genovese Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon