Chapter 14
"Kanina pa yan nakatitig sayo!" Nakakunot ang mga noong bulong sa akin ni Hayes nagulat nalang ako ng bigla niya akong akbayan dahilan para mapatili ang impaktang kanina pa nakadikit sa bebeluvs ko. Ewww.... really Yesenia bebeluvs?!
Kahit crush ko yang taong yelo na yan.... syempre ayaw ko ding may kahati Lalo na kapag ikakasal na kami....ehemm.
"You two really look good together." Komplemento niya dahilan para lahat ng mga tao sa mesa ay napatingin sa amin.
Pasimple ko naman tinanggal ang kamay ni Hayes sa akin... At tiningnan siya nang masama.
"Rinig mo yun. Bagay daw tayo." Bulong pa niya. Napairap na lamang akong hinawakan ng pasimple ang isang daliri niya para e-angat ito pabalikdad.
Bagay pala ha!
"Anong sabi mo?" Pilit ang ngiting tanong ko habang binabalewala ang mga titig sa paligid.... napakagat labi na lamang siyang pigilan ang sigaw.
"Sa-sabi ko....kain na tayo." Namumula na ang mukha niya pero hindi ko parin binibitawan ang daliri niya.
"Hindi yan."
"Hindi tayo bagay, ka-kasi tao Tayo!" Aniya ng napapangiwing napatingin sa daliri niya. Agad ko naman itong binitawan.
"Hindi kami bagay kasi tao kami. You heard it all guys... Please eat." Wow ha. Ako pa talaga ang nagyaya na kumain Samantalang bisita lang naman ako.
Napatango na lamang silang lahat na sinimulan ang pagkain.
"Ang shakett...mapanakit ka pala bebs." Nakangusong bulong sakin ni Hayes.
"Gusto mo isa na namang daliri?"pagbabanta ko na agad niya naman kinailing.
"Dibale irapan moko, wag molang mabalian wala na akong pangfinger say~ Sabi ko nga kakain na ako."umusog pa siya palayo.
Aba'y matigasin din pala ang ulo ng isang ito. Hindi ko na lamang pinansin at pinagpatuloy ang kinakain. Natigilan lang ako ng makitang nilalagyan ni Ace ng pagkain ang Plato ng babae na nakasimangot na.
"Kaya ko naman yan Ace hindi mona ako kailangan pa lagyan ng pagkain." Anito.
Oo nga naman kaya niya na yan masyadong O.A ang Prinsepe na ito ne hindi niya nga ginagawa yan sakin.
"No." Matigas na sabi niya. Napairap na lamang ako.
Sanaol sa kanila.
"Bagay talaga kayo ng anak ko Prinsepe pero nabalitaan kong ikakasal kana sa anak ng Duke. Tsk, nagulat na nga lang ako na may Isa pa palang anak si Eros...akala ko si Elina lamang ang anak niya." Bwelta ng Reyna.
"Yun din ang balita ko. Pumayag din ang iyong ama bakit hindi nalang kayo ni Coleen ang ikakasal." Segunda naman ng Hari.
Sige lang mag usap lang kayo....kunwari wala ako dito.
'what the hell Yesenia!'
" Marriage is about their friendships. Wala akong magawa para dun." Sagot naman ni Ace na kinatigil ko at ng katabi ko.
"What do you mean cousin? Wala Kang gusto kay Young Lady Eloise?" Seryusong tanong naman ni Hayes.
Lahat sila ay napatingin sa gawi ng katabi ko pero ang mga mata ng Prinsepe ay sa akin napatingin sabay sabing....
"I don't like her."
Tilang tinutusok ng karayom ang puso ko dahil pakiramdam ko ay derektang sinabi niya ito sa akin.
BINABASA MO ANG
Reincarnated As an Unica Hija Of Genovese
Mystery / ThrillerYesenia Lai Ruiz is an assassin who does not fear death. Love and trust are not in her vocabulary because this thing is only for people with weak faith. She has everything... rich family, smart, beautiful, talented. But the only thing she doesn't ha...