Chapter 12
Hindi ko alam kung anong ginagawa ko sa harap ng kwarto ng Prinsepe basta ng makaalis si Rose kanina ng mga ilang minuto
dito ako dinala ng mga paa ko.Nandito kaya siya?
Napapikit akong sinimulan ang pagkatok sa pintuan niya pero hindi yata pintuan ang na katok ko ...
Nang unting unti Kong minulat ang mata ay iba nga ang nakatok ko....
Yung...
Dibdib niya!
"What your doing?!" Malamig na tanong niya sa akin kaya agad kong naagaw yung kamay kong nasa dibdib niya pala.
Napasimangot ako dahil hindi ko din alam ginagawa ko.
Ano nga uli sadya ko dito?
'gusto mo lang siya makita Yesenia dahil lalayas kana sa palasyo at hindi mo na siya makikita pa.'
Oo nga tama!
"Gusto lang kita makita."
"Then?"
"Mamimiss ko ang kasungitan, kagwapohan , yakap moment at kiss natin este kahit wag mona pala isipin ang sa huli."
Nagpapahalata talaga akong gusto ko yung kiss na yun.
Nangunot naman ang noo niya. Sabi ko na nga e, hindi niya ako maintindihan.
"Ang sabi ko may pupuntahan kaba?" Pag iiba ko nalang dahil bihis na bihis pala ang Lolo niyo.
Ngayon ko lang na pansin. Tapos may dala pa siyang Maleta? Saan naman kaya punta nito?
"Hmm" tango niya.
Saan kaya?
"Where?"
"None of your business!"
Sabi ko nga wala akong karapatan.. tinabig na naman ako ng lolo niyong naka gloves na naman at nilampasan ako.
Ouch ha!!!
"Woi!" Sinundan ko siya. Syempre hindi pwede na hindi ko alam....baka nakipag tanan na pala ito...Hindi pwede!!
"May iba kana ba? Baka makikipagtanan ka! Sa akin kalang pwede ikasal....Basta hanggat hindi pa ako namamatay bawal kang~ bakit ganyan ka makatingin sakin?!" Bakit ang sama ng tingin nito sa akin?
Totoo naman diba! Hindi siya pwede ikasal hanggat buhay ako....hanggat hindi pa ako namamatay...kahit na mawawala muna ako sa tabi niya.
Napakagat ako sa labi ng unti-unting lumapit siya sa akin samantalang napapaatras naman ako hanggang sa wala na akong maatrasan pa at tanging pader nalang ang nasa likod ko.
Ano kaya gagawin nito.
"What are you? My girlfriend?" Malamig na tanong niya.
Nangunot naman noo ko?
"Hindi ba? Diba fiance mona ako dapat girlfriend mona talaga ako!" Sabat ko sa kanya na mas kinalamig nang titig niya sa akin.
"It's just an agreement. But it doesn't mean you can tell me what to do!" Malamig na usal nito dahilan para matigilan ako.
Tama nga. It's an agreement.
Agreement na magpapatigil sa pananakop ng ibang bansa.
Tama pa ba tung ginagawa ko?
BINABASA MO ANG
Reincarnated As an Unica Hija Of Genovese
Mystery / ThrillerYesenia Lai Ruiz is an assassin who does not fear death. Love and trust are not in her vocabulary because this thing is only for people with weak faith. She has everything... rich family, smart, beautiful, talented. But the only thing she doesn't ha...