Chapter 8

1.6K 70 6
                                    

Chapter 8



"GRABE miss, Hindi ko akalain na makakapunta ako sa lugar na ito. Alam niyo po ba na bata palang ako ng huling punta ko dito." Nagtatalon sa saya si Rose ng makarating kami dito sa sa amusement part. Para siyang bata na bagong labas ng bahay napangiti nalang ako sa kinikilos niya.

"Oh!" Hinagis ko sa kanya ang pouch na naglalaman ng pera. Nagtataka naman siyang sinalo ito .

"Ano ito Miss?"

"Mag enjoy ka! Dito nalang tayo magkita tawagan kita pag-uuwi na tayo." Giit ko sa kanya at nagsimulang tumalikod.... It's her time para mag enjoy para sa sarili ni at hindi lagi naka buntot sakin.

"Salamat miss!" Rinig kong sigaw niya hanggang sa nakalayo ako sa kanya. Tumigil naman ako at humarap para ngitian siya. Nagulat naman siya pero agad din ako binalikan ng ngiti.

Hindi ko na ikaila na nagbabago na ugali ko sa mundong ito. Hindi ako mahilig ngumiti pero nagagawa kong ngumiti sa mundong ito... Masaya ako na nararanasan ko ito.

Naglalakad lamang ako at naglilibot kung anong pwede kong gawin dito...nakasuot ako ng white dress na plain color at black doll shoes.

Sa paglalakad ay may nakita akong mga magagandang rides.. ano kaya magandang sakyan dito?

"Hi po."

Napalingon ako sa dalawang teenager na lalaki na lumapit sakin. Namumula ang mga tenga at pisngi nila. Ang cute tignan. Matangkad ang Isa at medyo maliit naman ang isa. Mga bata nga naman.

"Bakit?" I asked.

"Pwede po ba kami mag pa picture?" Nahihiyang sabi ng lalaking maliit at bahagya pa itong napakamot sa liig niya. Tinaasan ko naman sila ng kilay. Hindi naman ako sikat para magpapicture sila sakin....maybe dahil maganda ako...ehemm.

"Nakita kapo namin sa TV news. Binalita ang pagtulong mo po sa mga mahihirap at isa napo kami dun. Malaking tulong po ang perang binigay niyo para mapagamot ang tatay kong may sakit." Sabi ng lalaki na matangkad. Natigilan naman ako. Kung ganon binalita pala yung pagtulong na yun? Pero Hindi ko naman intensiyon na ibalita ako?!

"Ako naman po ay nakakain ang mga kapatid ko ng maayos. Halos mamatay na kami sa gutom dahil sa wala kaming makain. Nakahanap din po kami ng mapanghanap buhay." Hirit ng Kasama niyang maliit.

Hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Hindi ko akalain na ganon pala ang naitulong ng perang inutos ko kay Rose. Marami pala akong natulongan ng mga taong gipit sa kahirapan.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa kanila na mas kinapula ng pisngi nila.

"Masaya akong nakatulong." Giit ko at ginulo pa ang buhok nila..napaiwas naman sila agad ng tingin kaya napatawa nalang ako ng mahina.

"Hindi lang po dun. Sikat na sikat din kayo sa social media. Dahil sa angking ganda niyo po lalo na sa magandang performance niyo sa pagkanta." Hirit ng maliit na sinang ayunan naman ng matangkad.

"Mas maganda ka nga po sa personal.." namumula saad nito.

Mukang binobola ako ng mga batang ito. Kaya ginulo ko ulit ang buhok nila.

"Tara na mag picture na tayo madami pakong gagawin." Kunwaring pagtataray ko sa kanila na agad naman nila kinangiti. Nagpapacute sila at may tinawag pa kaming tao para kunan kami ng litrato ang masama pa dun maging yung inutosan namin ay nagpakuwa din ng picture sakin.

Hindi ko akalain na ganon na ako pala kakilala.... napatunayan ko yun dahil sa daming tao ang napapatingin sakin at kinukunan ako ng picture. Yun nga lang hindi nila magawang makalapit sakin dahil ikakamatay nila pag pinagkagulohan ako.

Reincarnated As an Unica Hija Of Genovese Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon