Maaga akong nagising dahil sa tawag ni Mama. Kahit antok na antok pa ako, I forced myself to get out of bed at saka binuksan ang pinto ng kuwarto. Pagbukas ko, bumungad sa akin si Mama na nakasuot na ng pang-office attire.
"Anong nangyayari, Ma?"
"Dito ka pala natulog? 'Buti naman at naalala mo pang may bahay ka pa na inuuwian."
"Ma, you know kela Heidi lang naman ako, e."
She gave me a serious look. Napalunok ako at umiwas ng tingin.
"Bumangon ka na r'yan at linisin mo ang kusina," she instructed, at saka tumalikod na. "Papasok na ako sa trabaho kaya maglinis ka dito sa bahay. At kailangan pagdating ko mamaya 'andito ka sa bahay dahil may pag-uusapan tayo."
Naiwan akong nakatayo sa tabi ng pinto, tinititigan si Mama habang bumababa siya sa hagdan. Nanatili ako roon hanggang sa marinig ko ang pag-open at pag-close ng pinto, saka lang ako bumalik sa kuwarto at naupo sa kama.
Ano kaya ang pag-uusapan namin?
Mukhang seryoso siya, e. Tapos namention niya 'yong madalas kong hindi pag-uwi dito.
What if she was already suspicious sa sunod-sunod kong excuses about sa pag-sleepover kayla Heidi, pero ang totoo talaga is sa condo ni Ceci ako natutulog?
Sinumbong kaya ako ni Heidi?
Inabot ko 'agad ang phone ko at nag-video call kay Heidi, na sumagot naman kaagad. Humarap sa camera si Heidi, nakakunot ang noo at nakataas ang isang kilay.
["Oh? Akala ko ba may ganap ka today, ba't napatawag ka bigla?"]
"Gagi, beh, may nasabi ka ba kay Mama tungkol sa pag-sleepover ko?"
Mas kumunot pa lalo ang noo niya.
["Wala naman. Every time na sinasabi mo sa'kin na kay Professor Gil ka mags-stay ng gabi, nagte-text siya sa akin at sinasabihan ko siya na nandito ka. Bakit?"]
"E, kasi Hyde, ginising niya ako today. Sabi niya may pag-uusapan kami mamaya. Mukhang seryoso siya kaya kinakabahan ako na baka she found out, kaya I'm calling you right now para i-confirm kung may nasabi ka sa kaniya."
She seemed puzzled, at tila may iniisip siya, but then she tilted her head and shook it afterward.
["Wala talaga. Baka nag-o-overthink ka lang, baliw."]
I sighed heavily. Baka nga, at sana nga.
"Ewan ko ba. Napaparanoid na 'ata ako."
We both laughed.
["'Yan ba ang epekto nga isang Professor Gil sa'yo? Dapat ba akong kabahan para sa'yo?"]
"Baliw. In lababu lang ako."
She cringed and rolled her eyes.
["'Wag mo masyadong isipin 'yong sinabi ng Mama mo. Baka ibang bagay lang talaga ang pag-uusapan niyo. Chill ka lang, chum, 'wag masyadong mag-overthink, nakakawala 'yan sa sanity."]
"Yeah, you're right."
["Right. Sabi mo may ganap ka today?"]
"Yeah, ngayon na ang wedding ni Sir Amores."
She gasped, eyes widening.
["Wow, I can't believe na ngayon na talaga siya ikakasal. H'wag kalimutan mag-livestream sa'kin ha!"]
"Gagi."
Nagtawanan ulit kami at nag-usap pa saglit bago ko tinapos ang tawag kasi kailangan ko pang maglinis, mag-ayos, at pumunta kay Ceci para mag-prepare ng susuotin sa kasal. Mamayang hapon pa ang wedding, so we had the whole morning for the preparation.
BINABASA MO ANG
Love Persist
RomansaAs the summer heat left and the monsoon season began, a new academic year was in full swing. Para kay Heaven, na isang college student, this meant another year of burying herself in academic pursuits. Despite her energetic personality and carefree a...