"Saan ka galing at bakit ngayon ka lang umuwi?"
Patay.
Tila nanigas ako sa kaba nang marinig ko ang boses ni Mama. Lumingon ako at nakita ko siya na nakatayo sa may sala, nakasimangot ang mukha. Her eyes were narrowed at me as she waited for my answer.
I swallowed the lump in my throat, thinking of the best way to explain the situation to her. I decided na ibaling ang atensyon sa suot kong stilettos nang sa gano'n ay I could buy myself some time to come up with a good excuse at para naman kumalma nang kaunti ang nerbyos ko.
"At bakit gan'yan ang suot mo, Heaven? Sa'n ka ba nagpupupunta?" tanong niya ulit pagkatapos kong hubarin ang stilettos.
Finally, I looked up at her and tried my best to give her a reassuring smile. "Nagkaroon po kasi ng isang event na kailangan kong puntahan, Ma," I tried to explain, ngunit halata sa tono ko ang takot.
Kumunot lang ang noo niya sa sinabi ko. "Umupo ka nga rito at mag-usap tayo."
I took a deep breath at sumunod sa kaniyang utos, umupo sa sofa habang siya ay naupo naman sa tabi ko. Ayaw magpaawat ng pag-kalag ng puso ko, at hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya habang nakatingin siya sa'kin.
"Saan ka ba talaga galing, Heaven?" kalmado niyang tanong.
I closed my eyes briefly bago sumagot. "Sa isang kasal, Ma. I was invited to attend a wedding."
"Kaninong kasal?"
I anxiously played with the fabric of my dress, trying to delay the inevitable. But I couldn't just leave her question in the air, kaya pilit kong nilunok ang kaba ko at sinagot siya ng mahinahon.
"Sir Amores. Ang dean ng department namin."
She nodded, mukhang naintindihan niya ang sinabi ko. "At sino ang kasama mo?"
I bit my lip, not knowing kung paano ko ire-respond ang tanong niya. Kung magsisinungaling ako na kasama ko ang kaibigan ko, she would think na isa kayla Noe o Heidi since sila lang naman ang palagi kong nakakasama, and she might ask them about it. Ngunit kung imemention ko naman si Ceci, baka maghinala siya at magtanong pa ng mas marami.
"Heaven, tinatanong kita. Sino ang kasama mo?"
I weighed my options quickly, knowing that I had to give her an answer soon or she might think I was hiding something. Naisip ko na baka mas mahirap itago kung sino talaga ang kasama ko, so I decided na umamin na lang ng katotohanan.
"Si professor, Ma," I said quietly, bracing myself for her reaction.
"Sinong professor 'yan?"
Heto na nga po.
"Si Ceci po."
"Sinong Ceci?" she probed further. "Pagkakatanda ko wala ka namang guro na nagngangalang Ceci. Nagsisinungaling ka ba sa'kin, Heaven?"
Napakamot ako ng ulo at naglabas ng malalim na hininga. "Si Professor Gil kasi 'yan, Ma. Professor Priscilla, in short Ceci."
Nanatiling tahimik si Mama, at nakita ko ang pagbabago ng expression niya mula sa simpleng pagtatanung-tanong, hanggang sa mapuno ito ng pagtataka at pagkabahala.
"Bakit kayo magkasama?"
Sumandal ako sa sofa bago nagsalita.
"Ganito kasi 'yon, Ma. Si Professor Gil ay malapit na kaibigan ni Sir Amores, kaya inimbita siya sa kasal. Tapos nagkataon na... w-well, inimbitahan ako ni Sir Amores na sumama rin."
"Bakit hindi ka nagpaalam sa akin?"
"Magtetext naman sana ako kaso hindi ko inexpect na magagabihan kami at nakalimutan ko," I said, hindi makatitig nang diretso sa kanya.

BINABASA MO ANG
Love Persist
Любовные романыAs the summer heat left and the monsoon season began, a new academic year was in full swing. Para kay Heaven, na isang college student, this meant another year of burying herself in academic pursuits. Despite her energetic personality and carefree a...