Kabanata 53 - Time fades the flowers, but love's bloom defies withering away.

318 25 5
                                    

What happened to Aunt Malou?

What happened to the one and only sister of my mother?

Ang alam ko ay namatay siya when she was still in her late 30s. Too young. Iyan ang naririnig ko sa side nila Mama. Noong namatay siya, nasa high school pa lang ako. Naalala ko galing ako sa school tapos pag-uwi ko that day naabutan ko si Mama umiiyak habang may kausap sa phone, at 'yong mga sumunod na nangyari ay nagpunta kami sa hospital. Nadatnan namin ang lahat ng pamilya namin doon at malinaw pa sa memory ko 'yong sinabi ng nurse sa amin: "I am deeply sorry, but despite our best efforts, Maria Lourdes has passed away. We extend our heartfelt condolences."

All I could remember was I was heartbroken kasi nawala ang pinaka favorite kong auntie. She was like a mother na to me, and she was such a kind and loving person. Kaya noong namatay siya, it felt like nawalan na rin ako ng isang magulang.

I was too young to understand things noong panahon na 'yon, and ang tanging alam ko na cause ng death niya ay hyperthermia. Iyan din kasi ang sinabi sa akin ng mga magulang ko. Her death was so sudden. Before the day she died, sinamahan niya pa ako sa mall to buy sa stationary. We even planned to go to the water park, ngunit hindi na namin nagawa kasi when I returned home, wala na siya. Sobrang shocking and heartbreaking talaga.

Aunt Malou died on her bed.

Sabi nila hyperthermia.

So, ano iyong ibig sabihin ni Mama sa sinabi niya sa akin? Na ayaw niya akong matulad kay Aunt Malou? Hindi ko maconnect ang pagkamatay ni Aunt Malou sa relationship namin ni Ceci.

Hindi ko na siya natanong kasi nagwalk out siya after she said those words. Pagkatapos ng gabing iyon, we were walking on tiptoe na, halos hindi kami nag-uusap, at madalang na lang kami magkita. Nagkulong ako sa room kasi I was hurt and devastated sa naging reaksyon niya. Kapag nagsasalubong kami sa bahay, we couldn't look into each other's eyes. Pakiramdam ko tuloy we were strangers sa loob ng isang bahay, like sobrang layo na namin sa isa't isa.

There were times na she would try to make conversation, like magtatanong siya if kumain na ako at ano gusto kong ulam, sinasabi ko na lang na hindi ako gutom. Pero kapag wala na siya, saka ako nagluluto ng sarili kong pagkain. It was not that I had any hatred towards her or ayaw ko siyang kausapin for good, it was just that I couldn't fake being okay when we weren't. Kailangan ko ng time para ma-process lahat at maintindihan kung saan siya nanggagaling.

And it felt so uncomfortable. Hindi ako sanay na ganito kami ni Mama. We never had an experience like this before na nagkaroon kami ng away or big misunderstanding. We were like best friends nga, e. This was the first time na nangyari ito, and honestly, mas masakit pa sa break-up ko with my exes. Parang sobrang awkward talaga. I felt like out of place sa loob ng bahay, tapos anxious ako sa lahat ng gagawin ko. I was even careful na hindi kami magcross paths para lang maiwasan na magkita o mag-usap kami kasi it was so uncomfortable.

Ginagawa ko lahat para iwasan na magharap kami. Lumalabas lang ako kapag alam kong wala na siya. Pagdating ng gabi, I would stay in my room kasi alam kong uuwi na siya galing work. Iniiwan ko na lang ang food sa mesa para ready na dinner niya.

Ganito na kami for a week na. Tuloy-tuloy lang ang ganitong setup namin.

After that night, hindi na kami ulit nagkita ni Ceci pero nag-uusap pa rin kami at nakikita ko siya sa call. She kept asking me kung bakit hindi na ako pumupunta sa condo niya, palagi ko siyang binibigyan ng excuses. Sometimes sinasabi ko na may mga lakad ako with friends, or kung hindi, sinasabi ko na may gagawin kami ni Mama (kahit wala naman kasi hindi kami okay at the moment). Kung minsan naman sinasabi ko na masama ang pakiramdam ko. Nais nga niya mag-offer ng visit, e, pero hindi ko siya pinapayagan. Alam ko na suspicious na siya sa akin pero I still tried my best to keep our connection going.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love PersistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon