__________________________________________________________________________________________________________________
"Okay class, we have a different environmental problems that we encounter here in the Philippines. We have deforestation, flashflood, illegal mining, oil spill, and etcetera. Now, Mr Miranda."
"P-Po?" Nagulat ako sa biglang tawag ni Sir sa pangalan ko. Kanina pa ako antok na antok, dahil ni isang oras, minuto o maging segundo ay wala pa siyang tulog.
Breadwinner siya sa pamilya nila. Kompleto pa naman ang magulang niya ngunit ang kaniyang ama'y hindi man lang maasahan. Paano ba nama'y pagkagising pa lang ay manok na ang hawak nito. At mas uunahin pa nitong dumiskarte ng patuka para sa alaga nitong mga manok kaysa sa kumakalam nilang sikmura ng kanilang magkakapatid. Batugan at lasinggero pa. Naisip niya nalang baka nong mga panahon na nagpa-ulan ang Diyos ng bisyo at masamang ugali ay baka ang tatay niya nag-swimming pa.
May trabaho naman ang kaniyang ama ngunit napupunta lang ito sa mga manok ang suweldo niyo; pambiling tablets, patuka, shampoo at maging bitamina ay binibilhan pa. Minsan nga'y pinangarap niya nalang maging manok. Kaya sa murang edad na dise-siyete'y banat na ang kanyang buto sa pagsa-sidelines upang may maipangtustos lang siya sa kanyang pag-aaral at kanilang pang araw-araw na gagastusin. Wala e, kung aasa siya sa kaniyang magaling na ama ay mamamatay silang dilat ang mata't kumakalam ang sikmura. Suma-sidelines siya gabi-gabi sa isang maliit na bakery sa kanilang lugar. Kahit maliit ang sahod ay pinatos na niya. Wala naman siyang choice. Alangan naman tumunganga lang siya? Hindi siya mayaman kaya bawal mag-inarte.
Sumakto lang kagabi ay may asembleya sa kanilang baranggay kaya napalaban siya sa pagmasa ng harina upang gawing tinapay. Alas-tres nang matapos, kaya madaling araw na sila nakapag-sara. Tapos pag-uwi niya pa sa bahay binubugbog pa ng kaniyang magiting na ama ang kanyang Ina. Dahil wala itong maibigay na pera pang-pusta. Wow. Hindi niya alam kung saan kumukuhang lakas ng loob ang kanyang ama upang sumbatan sila. Like hello? Aren't he aware na palamunin lang nga ito sa bahay, at ni isang takal na bigas wala itong ambag. May patago ba ito? Hindi nga ito bumibigay ni singko sentimo na pera so anong ginagatas nito kay mama? Bobo ba siya? Tanga? Inutil? Hunghang? Hangal? Walang utak? Ignorante? Mangmang? Utak pulbora? Utak talangka? Sabaw?
Adik na ba ito or ulol? Pagod na pagod na siyang pagsabihan ang kanyang Ina. Ewan ko ba. Ang tatanga nga nila. Lintik na pag-ibig 'yan. Mamamatay ito sa pag-ibig e. Cause of death: Katangahan.
"Mr. Miranda!"
"Mr. Miranda, are you out of your mind?"
"S-Sir, ho?"
"Kanina pa ako tawag nang tawag sa pangalan mo, naiwan mo ba ang presensiya mo sa bahay?"
"Sorry po sir, can you repeat your question sir?" Napakagat siya sa ibaba ng kaniyang labi. Hindi nakatakas sa matalas niyang paningin ang malokong ngisi ni Alexis, ang dakilang bully sakanila. Ewan ko ba, senior high na sila pero ang mindset nito ay pang junior high school pa. Feeling superior.
"Give on must pressing environmental problems in the Philippines."
"Ah, illegal mining. Sir."
"Define what is illegal mining."
"Sir?"
"Oh, ano? Alangan namang ako lang ang magsasalita dito. E, hindi naman ako dito guest speaker. 'Yan ang mahirap sainyong mga kabataan e, gusto isusubo nalang. Spoon feeding, kaya nasasanay. Hate me i don't care pero napakababa ng reading comprehension ngayon. Oo, marunong kayong magbasa pero naintindihan niyo ba? Honor student ka, Mr Miranda act like one!"
"I'm sorry Sir."
"Continue."
"When we say illegal mining it is extraction of valuable minerals or other geological materials from the earth from an ore body, lode, vein, seam, or reef which forms the mineralized package of economic interest to the miner in the absence of the land rights, mining license, exploration or mineral transportation permit or any document that could legitimate the ongoing operations."
"Then what is the effect of illegal mining on the environmental and people's health?"
"The effect of illegal mining on the environment and people's health are water poisoning of all the living things in it. Bareness of land. We can get disease like asbestosis, mesothelioma, silicosis, cancers, chronic obstructive long disease (sulfur dioxide), emphysema, skin disease, and hearing loss."
"Okay, sit down. Next time na makita kitang tulala at hindi nagpa-participate sa klase, doon ka sa labas mag-momentom."
"Sorry po, Sir."
"It's almost time. I will end the discussion here. Prepare for your next subject."
-----------------------------------------------------------
Napaupo nalang ako sa hiya at pagod. Grabe kung puwede lang talaga mag-give up na ay ura-urada iga-grab na niya. Alin ba dito ang sinasabi nilang napakasarap mabuhay? Oo, susuwertehin ka nang isang araw pero sunod-sunod na malas buwan-buwan, ano 'yan gagohan? Hays, kung naging mayaman lang sana sila edi, hindi niya problema ang pera ngayon. Kaya hindi siya naniniwala sa 'money can't buy happiness' lol, kada galaw mo pera ang kabayad e, maging ang pagtae mo nga'y may bayad na. Anong pinagsasabi niyong importante ang pagmamahal kaysa sa pera? Sige magmahalan nalang kayo. Sulitin niyo habang hindi pa kayo namamatay sa gutom. Magpaka-practical ka naman beh, kahit isang araw. Hindi sa lahat ng oras puso palagi ang uunahin mo, gumamit din ng utak pag may time. Oo masarap magmahal at masarap mahalin pero hindi puwedeng puro lang kayo pagmamahal. Ineng, may bituka ka, hindi nakakagamot nang gutom ang kilig o sweet lines niya.
"Ayan bakla na nga, lutang pa. Aba, package naman ang kamalasan mo Aaron." Parinig sakanya ni Alexis. Tanginang bobong 'to, mangbubully nalang hindi pa alam pinagkaiba ng bakla at bisexual.
"Bisexual ata beh, pinagsasabi mo?" Awat ko.
"Bisexual, bakla parehas lang 'yan."
"Ulo mo sa baba at ulo mo sa Taas parehas lang din 'yan, kaya ilipat mo na ang utak mo sa baba. Tutal para ka namang tite mag-isip."
"Ang sakit niyo talaga, kaya naghihirap ang Pilipinas." Anong connect naman non? Hindi na siya umimik pa, tutal wala naman patutunguhan ang diskusyon nila. Nagsasayang lang siyang laway. Wala naman akong pakealam sakanila e. I don't born in this world to please somebody. Hindi ko trabahong i-entertain sila. Dahil in the first place, sino ba sila? May amvagtba sila sa buhay ko? Kung wala, then no need to prove something. Huwag mong isandal ang pagkatao mo sa isang tao, hindi lahat perpekto. lahat tayo nagkakamali. Approval addiction is bad for your well being. The truth is, lahat naman sa paningin nila ay mali. Pipiliin pa din nilang punahin ang kamalian mo.Ganito madalas ang attitude natin e. We easily notice what's wrong with them. Kahit pa maganda, guwapo ka still pupunahin ka pa din nila. Madami ibabato sa'yo para lang may masabi, huhukay para lang may mabungkal, papa-ilaw para lang may makita, lilinis para lang may makutkot.
"Guwapo sana kaso mataba."
"Maganda sana kaso ang payat."
"Ang ganda niya kaso losyang manamit."
"Pogi nga genggeng naman"
"Feeling pogi, naka-Iphone lang naman"
"Hindi naman fully paid 'yan e, hulog-hulugan daw 'yang iPhone."
"Maganda siya kaso sobrang itim."
"Pogi ito ah, bakla nga lang"Judge lang sila nang judge. Kaya never attempt to please all people. Be yourself and trust me magiging malaya at masaya ka.
-----------------------------------------------------------
YOU ARE READING
UNO: Proyecto De Veinticinco Días
RomantizmUNO: BOYS LOVER R18+ Dedicated to: John Alexis Cabanayan. Merry Christmas and Happy New Year, love.