CHAPTER TWENTY

27 6 1
                                    

__________________________________________________________________________________________________________________

     Nakailang buntong hininga na siya habang nakaharap sa paaralan nila. Hays, nakakatamad na talagang mag-aral. Parang nag-aral ka nalang kasi required. Nag-aaral ka nalang kasi you don't have a choice. Nag-aral ka nalang just to please people around you. Pero ang enthusiasm mo sa pag-aaral ay wala na.

Being a people pleaser is not easy, iyong naging required na sa'yo ang gumawa ng mga bagay na magiging biggest achievement mo sa huli because they're used the idea of you na hindi gumagawa ng hindi importante na bagay o mga tamang00l0 bagay lang ang ginagawa mo.

I don't know. But now, parang nakakawalang gana na rin e. Achieving achievement? Doing great? Parang naging routine or required na nalang siya. Na-normalize. Parang Wala kang karapatan na magkamali. And kapag nagkaroon ka namang achievement sa buhay malaki man yan o maliit ay wala kang makukuhang appreciation mula sakanila. Why? Kasi inaasahan na nila iyon. Pero kapag nagkamali ka, kahit maliit na pagkakamali pa 'yan, asahan mo ang kritisismo, pangungutya, panghuhusga at pang-mamaliit mula sakanila. Nagalit kasi na-disappoint mo sila.

I hope na dumating ang araw na we have a confidence and courage to break this kind of cycle, na we are not obligated to please people around us. Hindi tayo pinanganak para dito, we born for ourselves, hindi kami mga teknolohiyang makina. Tao kami, tao rin kami. We also need love, care, support, and appreciation.

Naibaling ang buong atensyon niya sa taong paparating. Nakangiti ito habang papalapit sakanya. It was Jevid. May hawak itong dalawang cup of coffee, wearing his complete uniform.

"What's up?" Paunang bati niya.

"Tagal kitang hindi nakita ah." Sabi nito.

Natawa siya saglit. "May pinuntahan lang at ginawang mahalagang bagay."

"Minessage kita sa Instagram mo ngunit wala man lang akong natanggap na response." Ay required? Char.

"Hindi kasi ako required sa social media specially sa Instagram dahil bukod sa wala akong oras para diyan ay wala naman akong load. Once in a blue moon lang ma-loadan ang sim ko e."

"Ganoon ba? Saan ka ba nakatira para puntahan nalang kita?"

Nanlaki ang mata niya. Baliw ba ito? "Buang bakit mo naman gagawin iyon?"

"Para sa'yo." Banat nito. Neknek mo. Gamit na gamit na 'yan boy, huwag ako.

"Para kanino 'yan kape?" Pag-iiba niya sa usapan.

"Para saiyo, tig-isa tayo—"

"Ang sweet naman talaga ni De Leon. Ako, bakit hindi mo bibilhan?" Nagulat siya sa biglaang pag-sulpot ni Alexis sa tabi niya. Tulad ni Jevid ay naka-uniform rin ito. Bawal kasi sa school nila ang hindi nagsusuot ng uniform unless if Friday.

"Huwag kang magsimula Fortaleza ha, kay aga-aga huwag mong sisirain ang araw ko." Pagbabanta ni Jevid.

"Hala, nakakatakot. Naninindig ang balahibo ko sa takot. Hindi ko alam ang gagawin, nanginginig na ako sa takot. Tulong!" Pang-aalaska ni Alexis dito.

Tangináng mga 'to, mga isip bata.

"Ano bang problema mo?" Tanong ni Jevid.

"Ikaw. Ikaw Ang problema ko. Huwag kang sumabat sa eksena. Kapag may naka-puwesto na, huwag ka nang sumiksik pa."

Luh, anong pinag-uusapan niyo mga 'kol?

Diyip? Anong siksikan? Puwesto?

Gugulo ng mga lahi nito ah.

"Ano ka ba niya?" Tanong ulit ni Jevid.

"Tama na 'yan Alexis mali-late na tayo. Five minutes nalang, time na." Saway ko sakanila. Shuta, idadamay pa nila ako sa ka-iimmature-ran nila.

Hindi man lang siya tinapunang tingin o pansin ni Alexis.

Edi huwag, nag-martsa na siya papalayo sa dalawa. Mali-late na siya, kung gusto nila magsuntukan, edi go. Pero huwag nila akong asahan na parang tanga na sasawayin sila, katulad ng nabasa ko sa mga nobela I sa mga napapanood ko sa k-drama.

Hindi ako kabilang sa mga lahi nila.

Hindi ko kayang isapalaran ang pag-aaral ko para lang pag-aksayahan ng oras ang mga bagay na wala naman maitutulong saakin in the future.

Isang kamay ang pumigil sa paglalakad niya.

Si Alexis.

"Ano?!" Pagalit na tanong ko.

"Bakit mo ako iniwan sa gunggung na iyon?"

"Niyaya kitang umalis pero hindi mo naman ako pinansin."

"Kahit na." Maktol nito.

"Mali-late na tayo bakit pa kita hihintayin? I'm sorry pero hindi ko kayang aksayahin ang oras ko sa mga bagay na hindi naman talaga kailangan bigyan ng pansin. I always choose to prioritize my goal."

"Asus, halika na nga." Inakbayan siya nito habang tinatahak nila ang kanilang classroom.

"Akala ko, pupunta ka sa green valley?"

"Oo."

"E, bakit pumasok ka? Tapos na?"

Tumango ito. "Kahapon pagkatapos kong ihatid ka sa bahay mo ay dumiretso na ulit ako sa Naga City, upang pumunta sa St. Padre Pio o Green Valley. Grabe sobrang ganda, ang lamig ng tubig, malinaw at maaliwalas. At kung pagod kana, puwede kang magpahinga sa ilalim ng mga puno. Maraming kakahuyan doon, animo'y maliit na gubat sa kabundukan."

"Kaya nga valley," sarkastikong sambit ko.

Ngumuso ito. "Masaya sana kung sumama ka."

"I told you busy ako at saka family gathering niyo iyon. Makiki-belong ako?"

"Why not? Magiging pamilya ka rin namin soon."

"Bakit aampunin niyo ako?"

"Hindi, aasawahin kita."

"Sira, pero sana nga mapuntahan ko iyon. Pero mukhang malabo. Busy ako, walang pera at sobrang malayo sa Manila." Malungkot na saad ko.

Base kasi sa kuwento ni Alexis ay parang magandang mag-unwind doon. Malayo sa magulong siyudad.

"Mamaya, puntahan natin."

"Buang, may pasok tayo kinaumagahan. Bawal akong mag-absent."

"Hindi ka naman magliliban e."

"May mga written works pa ako na tatapusin."

"Two hours lang tayo."

"Two hours? Kulang pa 'yan sa biyahe."

"Kaya 'yan, trust me."

"Huwag mo akong paasahin Alexis, buwisit ka!"

"Hindi kita pinapaasa. Totoo nga."

Pinili niya nalang huwag umimik.

Paano makakapunta sa bicol sa loob ng dalawang oras?

Teleportation?

Kasali ba siya sa X-Men?

Mutant ba siya?

Sana all.











-----------------------------------------------------------

UNO: Proyecto De Veinticinco DíasWhere stories live. Discover now