CHAPTER FIVE

51 9 0
                                    

__________________________________________________________________________________________________________________

"Problema mo?" Ulit na tanong ko sakanya. Anong nangyari ba dito? Bigla-bigla nalang gumagawang eksen e. Main character ka ghorl? Minsan talaga kailangan din gumamit ng condom ang mag-asawa e.

"Ang ingay niyo, 'kita nang nag-aaral ako e." Literal na jaw-dropping ang sinabi niya. I mean he's what? Nag-aaral?

"Really?" Hindi ko na maitatago ang sarkasmo sa boses ko.

At tila nahimigan niya naman ito. Agad humigpit ang pagkakahawak nito sa libro niya. Showing the veins on his hands. God, ang attractive, hindi maasim. Agad din nag-sumping ang malalagong kilay nito at nangunot ang noo. His jaw clenced at maitim ang aura.

"I don't like your reaction." He said and leaving the room na wala ni isang sulyap na ibinato saamin. God ang pikon niya.

"Anong nangyari don?" Maging si Aices naguluhan din sa inasal ni Alexis.

"Ewan ko, bakit ako ang tinatanong mo?"

"Sino pa ba?" Balik na tanong niya.

Namalayan ko nalang sumunod na pala ako kay Alexis. God, bakit ba siya sumunod? Hindi ko din alam. Basta na-guilty siya, feeling niya ay siya ang dahilan kung bakit hindi ito makapag-aral nang maayos, dahil sa ingay nila. Hindi naman kasi niya alam na malakas na pala ang boses niya or nila. Pero ang pikon niya naman, puwede naman siyang makipag-usap or sawayin kami e. Hindi na kailangan gumawang eksena.

Huminto siya sa library at pumasok doon na agad niya namang sinundan. Stalker ka sis? Grabe nakakagulat pa din kasi ito e, nag-aaral. Pati ako hindi pa din makapaniwala, siguro narealize niya na sinasayang niya lang ang oras niya sa walang makabulung bagay. Good for him, may kasabihan nga tayo. "Kung ano ang itinanim, ay siya din ang aanihin."

Many teenagers nowadays waste their time making their life sucks. Tapos mag-rereklamo kung sino-sino ang sisisihin.

According to King Solomon, ang matalinong tao noong unang panahon sa Egypt. "Therefore, remove vexation from your heart, and put away from evil from your flesh; for childhood and prime of life are vanity."

Madali na talaga tayong matalo ng tukso. Madali para saatin na sugpuin ang apoy, kung papapiliin kayo kung pera o trabaho, siyempre pipiliin niyo ay pera. Kasi mas gusto natin madaling proseso. Madaming baguhan na writer o author sa wattpad na after a few days nagsasa-signing off dahil walang supporters. Madaming gumagamit ng skin care na humihinto after few days dahil wala pang results. Madaming nagtatrabaho na humihinto dahil hindi napo-promote. The point is bakit gusto natin madaliin ang mga bagay? Ang buhay natin ay walang fast forward button na kapag sawa kana ii-skip mo ang mga bad part. No. Step by step iyan, huwag mong madaliin ang mga bagay na kailangang proseso, lahat ng mga bagay na pilit ay mapait. Hindi purket nauuna sila ay huli kana. Always remember that.

Sa una lang 'yan mahirap pero kapag tumatagal na ay pang habang-buhay na sarap na iyan. Kaya dapat habang malakas ka pa,do productive things. Dahil katulad ng making, may hangganan din ang ating katawan. Itanong mo sa sarili mo, ano ba talaga ang goal ko? Ano ba ang gusto ko na ma-achieve? 10 years from now, ano ba ang ini-expect ko?

Maikli lang ang buhay. 75-80 years old ang common life expectancy mo. Tapos ngayon ay sinasayang mo lang ang ilang taon mo sa mga walang kabuluhang bagay?

According to the father of Greek philosopher named Socrates. He is the father of the ancient philosophy. He said; "An unexamined life is not worth living."

     Pinasadahan niyang tingin si Alexis. Kumuha itong libro sa bookshelf at pumwesto sa isang sulok, malayo sa mga estudiyante. Kaya pagkakataon na niya iyon para lumapit dito.

"What are you doing here?" Tanong nito sakanya niya pero hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Busy ito na i-scan ang librong kinuha sa shelf. It was biology 1 book.

"Kakanta." Nakatanggap siya dito nang masamang tingin.

"Char lang." Agad na bawi niya.

"Galit ka ba?" Tanong niya dahil naba-bother na talaga siya.

"Why would I?" Balik na tanong nito.

"Kasi kanina–"

"Forget about it."

"Ano ba kasi ang inaaral mo, puwede naman kitang tulungan." Offer ko.

"Madami kaya wag kang magulo." Saway nito saakin.

"Duh, anong sense nang pagiging tutor ko?"

"Nagbago isip ko."

"What?! Teka hindi puwede, madami akong bayarin!"

"So?" Parang walang pakealam na tanong nito. Actually wala pala talaga. Bwisit siya!

"Kailan kong pera!"

"Fine, hintayin mo ako sa parking lot."

"Bakit?" Ha, bakit ko siya hihintayin? Para saan? E, hindi ko naman siya kaano-ano.

"Akala ko ba tutor kita?"

"E, bakit kita hihintayin doon?"

"Sa bahay tayo." Casual na sabi nito. Natahimik siya. Walang masama naman ata diba? Ata? Tuturuan lang e.

"Sige."

"Don't worry mabilis lang akong matuto."

"Yabang." Komento niya.

"I have a very healthy self-esteem lang. Magkaiba ang kayabangan sa self-esteem. Ang mayabang overestimate na sa kaniyang sarili to the point na puro hangin nalang, while me? I have a full confidence, may tiwala sa sarili." Pero bakit parang pinagsabay niya? Char.

"Mama mo, self-esteem."

Pero may point siya. And not all people have healthy self-esteem. Maraming kabataan ngayon ang may low self-esteem. Sa kadahilanang, laging silang nakatingin sa flaws nila. Iisipin na siya na ang pinaka-pangit, payat, mataba o bobo sa lahat. Or mas nakatuon tayo sa ating mga kahinaan. Where in fact tayo lang naman ang nag-iisip niyan. Ano bang pakealam natin sakanila? Ayan tayo e, kapag may umangat, may maiinggit. E, kasalanan mo din naman kung bakit ka lugmok. Hindi kayang bomoses, natatakot sa rejection, iniiwasan ang disappoinment, perfectionist masyado, hindi marunong tumanggap ng mga papuri, may crab mentality, at ang mga circle of friends pa ay naghihilahan pababa at tolerator ng mga bad attitude.  Hays, kung ganiyan ka, wala ka talagang napapala diyan. Nganga ka.


-----------------------------------------------------------

UNO: Proyecto De Veinticinco DíasWhere stories live. Discover now