CHAPTER TWENTY-ONE

36 6 3
                                    

__________________________________________________________________________________________________________________

     Napakunot ang kaniyang noo nang biglang mag-vibrate ang kaniyang cellphone. Tanda na may nagpadalang mensahe sakanya.

Sino naman ito?

Patuloy ang turo ng kaniyang professor sa physical science.

"Cosmology, is the branches of science that studies the origin, evolution, and eventual date of the universe." Patuloy na turo nito at nagsulat pang other term sa white board.

Kaya nagkaroon siyang pagkakataon na kunin ang kaniyang cellphone. Agad niyang binuksan ang message. It was Alexis.

"Hintayin mo ako mamayang uwian sa parking lot. Pupuntahan natin ang pinangako ko." Dumako ang mata niya sa row nina Alexis, nakangiti ito sakanya at kumindat pa ang kupal. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Ang layo kaya ng Bicol.

Isisilid niya na sana ang phone niya nang biglang mag-vibrate naman ito.

Si Alexis.

Nangunot ang noo niya at nagsumping ang kaniyang mga kilay. Mga dot lang iyon, malamang it was a code. Salamat talaga at marunong siyang mag-decode.

Napangiti siya sa nabuong salita.

"I love you."

Shit, talaga naman.

Hindi na niya tiningnan si Alexis sapagkat nahihiya siya at hindi niya matago ang kilig. Kusang kumawala sa bibig ang kaniyang maaliwalas at maliwanag na ngiti.

"Okay, Mr. Miranda, can you tell us who is Robert Wilson and Arno Penzias? And his evidences about big bang theory."

Nagulat siya sa biglaang pagtawag ni professor Lot. "A-Ah, Robert Wilson and Arno Penzias, 1965 they discovered cosmic microwave background radiation (CMBR)–a low steady humming noise believed to be energy remains." Tumango si prof at inimuwestra ang kamay, upang paupuin na siya.

"And Georges Lemître, he proposed alternative idea that the universe is expanding. While Edwin Hubble, he calculated distances between the earth and several galaxies using redshift of light. He observed distant galaxies were moving away from the earth and one another. And the modern astronomy on 2014, the universe is estimated to be 13.8 billion years old with 5% of it's composition existing as ordinary matter." Mahabang paliwanag ni Sir.








"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Maliligo nga, sa green valley." Nakangiting sagot sakanya ni Alexis.

Baliw ba ito?

Two fuckíng hours? iniisip niyang makakarating kami sa bicol sa loob ng dalawang oras?

"Kapag ako pinagti-tripan mo Alexis, tatamaan ka talaga saakin." banta ko rito.

Tumawa lang ito.

Wala naman talaga siyang balak na sumama rito ngunit sapilitan siyang pinasakay ni Alexis sa kotse. Iniisip niyang nasisiraan na itong bait o kaya naman bumalik ang ugali nitong bully at mahilig mang-trip. Tumingin siya sa wrist watch niya. Thirty minutes na silang nagbi-biyahe. One hour and thirty minutes na lang ang natitira ngunit alam niyang nasa lupa pa siya ng Maynila.

"We're here." Anunsiyo ni Alexis. Hindi pa rin maalis sa labi nito ang ngiti.

Napatingin siya sa bintana ng kotse. Hindi green valley ng Naga City ang pinuntahan nila. Kundi isang malaking lumang bahay. Gawa ito sa kahoy, ang mga malalaking puno ng Narra ay nakakalat sa bakuran kaya sobrang lilim nito.

"Nasaan ang green valley dito?" Naiiritang tanong ko. Maganda naman ang lugar na ito ngunit nagsinungaling ito sakanya. Kahit alam niyang biro lang iyon ni Alexis pero tangina, umasa siya at higit sa lahat nagtiwala siya.

Nagulat siya. Umiiyak na pala siya.

"Hush." Niyakap siya nito.

Hinampas niya ito sa dibdib. "Sinungaling ka!"

Binuhat siya nito na parang bagong kasal habang papasok sa loob ng bahay. Umiiyak pa rin siya. "Ibaba mo akong buwisit ka!"

"May ipapakita nga–"

"Ayokong makita."

"Magugustuhan mo it–"

"Wala akong pakealam–"

"Hahalikan kita kapag hindi ka tumahimik."

Natahimik nalang siya.

Hanggang sa dalhin siya nito sa likod bahay, sa may swimming pool. Malinis ito at halatang bagong palit ng tubig. Napansin niyang may mga maliliit na bato sa ilalim at buhangin sa swimming pool.

Ha?

"Swimming pool may bato at buhangin?"

Sa gilid ng swimming pool ay may nakalatag na puting malaking tela dito. Sa tela naman'y may isang basket na punong-puno ng mga prutas at matamis na pagkain.

Maingat siyang inilapag ni Alexis sa nakalatag na tela.

Tumabi ito sakanya.

"Alam kong hindi ka makakasama sa pagpunta ko sa green valley. At tama nga ang hinala ko, hindi ka nakapunta. Alam kong gustong-gusto mong sumama ngunit busy ka at nahihiya ka sa pamilya ko. Kaya naisipan kong hiramin ang truck ni Tito. Bumili akong fifty pieces ng water container na 8 gallon ang laman. Nagpa-alam ako sa mga taga-roon kung puwedi makahinging tubig, buhangin at maliliit na bato. Pumayag naman sila, kaya umigib akong tubig sa green valley upang idala dito. Nagpatulong ako sa mga pinsan ko na ilagay ang mga bato, tubig at buhangin dito sa swimming pool. Sana magustuhan mo, alam ko na magkaiba ito sa iniisip mo ngunit ito lang naisip kong paraan upang maramdaman mo ang tubig ng Bicol. Kung hindi mo kayang pumunta sa green valley dahil malayo, puwes ilalapit ko ang green valley para saiyo." Mahabang saad ni Alexis.

Malayang umagos ang luha niya.

Why would I lower my standards if Alexis proved me na kung gusto mo, may paraan.

"Salamat." Hindi niya alam ang sasabihin niya, nao-overwhelmed siyang sobra.

"I love you." Agad niyang hinila ang kuwelyo ng damit ni Alexis para bigyan itong malalim na halik. Alam kong nagulat ito sa ginawa ko, maging siya naman ay nagulat rin pero papanindigan na niya. I love you too, Alexis.

-----------------------------------------------------------

UNO: Proyecto De Veinticinco DíasWhere stories live. Discover now